CHAPTER 18

21 3 0
                                    


Chapter 18:confession

Ara's POV

"Ano ba ang iyong ipinunta dito iha" dinig kong tanong ni father jano.

"Ahm father diba po kase ahmmm"kinakabahan ako .

"Sige iha makikinig ako"

"Kase po may bumabagabag po sakin ngayon, diko po kaya ishare sa mga kaibigan at pamilya ko po at natatakot din po ako na sabihin sakanila" eto na...

"Hmmm sige" pagpapatuloy saken ni father.

"Diba po okay lang naman po magkagusto sa bestfriend ko?" Panimula ko, hindi ko nakikita si father dahil may harang sa pagitan namin.

"Okay lang naman iyon" pagsagot nya.

"Kasi po may gusto po ako sa boy bestfriend ko tapos natatakot po ako na malaman nya kase baka layuan nya po ako"

"Alam mo iha,kung talagang kaibigan ka nyan at nalaman nya na may gusto ka sakanya hindi ka lalayuan nyan,diba nga mas maging thankful pa sya kase may humahanga sakanya? Saka ikaw ba ay siguradong wala din syang gusto saiyo?"

"Eh father hindi po ako sigurado pero baka po kasi yung friend nya sa section nila ang gusto nya,nakita ko po kasi nung nakaraang linggo na magkasama sila at hinalikan papo nung babae sa pisnge yung bestfriend ko" parang maiiyak nanaman ako.

"Baka hindi rin alam ng kaibigan mo na hahalikan sya nito. Matanong ko lang iha ilang taon kana"

"14 po"

"May lalaking nagpunta dito nung nakaraang buwan at kasing edad mo lang ata sya nagshare din katulad ng problema mo,na baka daw pag umamin sya layuan sya nung bestfriend nyang babae , ang sabi ko sakanya bata pa naman sila at kung sila ang inilaan ng Diyos para sa isat isa ay darating ang panahon na magiging sila dahil hindi minamadali ang pagibig, kusang dumarating iyan ,kung para sayo edi para sayo, ganun din sa iyo iha. Bata kapa,wag mo madaliin at kung iyang bestfriend mo ang nakalaan para sa iyo ay darating ang araw na magiging kayo, magaral ka nalang muna ng mabuti ha,may tamang panahon para dyan"

Hays siguro sakin nalang muna toh,baka mawala din toh sa susunod at sabi naman ni father kung para kay ven man ako alam kong hindi pa ngayon yon at alam kong darating ang tamang panahon para samin.

"Di po talaga ako nagkamali na dito ako nagpunta para sabihin lahat ng nararamdaman ko,salamat po father jano" pasasalamat ko.

"Wala iyon iha basta lagi mong tatandaan na "Never rush into a relationship. True love is bound to reveal itself sooner or later. Just wait for the right time to come" at tandaan mo din na "iwan ka man ng lahat ng kaibigan at pamilya o lahat ng tao sa paligid mo,andyan parin ang Diyos para sa iyo"

"Thank you po ulit father" tumayo na ako at lumabas ng simbahan.

Late ako nagising kaninang umaga,malapit na maglunch nung mga time nayon pero naisipan ko magpuntang simbahan kahit wala ng misa para makausap si father jano.

*ting

From bhex ketty:
Uy bhex asan ka?

To bhex ketty:
Pauwi na ,galing akong simbahan eh.

From bhex ketty:
Huh? Simbahan? Eh wala namang misa kapag hapon ah.

To bhex ketty:
Wala nga,may ginawa lang ako saglit don. Bakit mo nga pala tinatanong kung asan ako?.

Iniba ko na topic dahil ayoko malaman nya pa ipinunta ko dito.

From bhex ketty:
Ay wala lang tinanong ko lang,ingat pag uwi.♡

To bhex ketty:
Sige salamat bhex.

Ang weird ha. Tinanong nya ko kung nasan ako tas wala lang? Akala ko pa naman may lakad nako ngayong araw psh, makauwi na nga.

End of chapter 18

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon