CHAPTER 35

7 2 0
                                    

CHAPTER 35: Can I Court you?

Ara's POV

Dali dali akong tumalikod para makaharap sa stage at makita kung sino yung nagsalita.

When i saw who that person was, my tears started to fall.

It's ven, ang taong miss na miss ko na. Naramdaman kong may umakbay sakin at napayakap ako sakanya. Si kyle, sabay silang umuwi. Ewan ko pero lalo akong naiyak at napayakap sakanya.

"Mamaya na tayo magyakapan,alam ko namang miss moko pero makinig ka muna don oh" turo nya kay ven na nasa gitna ng stage at may hawak na microphone.

"Ahmm" kinakabahan nyang sabi. Ano ba kasi ginagawa nyan sa taas ng stage.

Ngayon ko lang napansin na lahat ng grumaduate at mga pamilya nila ay nakaupo kami nalang nila mama,kyle, ketty at mama nya ang nakatayo at syempre pati si ven.

"GO BRO KAYA MO YAN!!" Sigaw ni kyle habang naka akbay padin sakin.

"KAYA MO YAN VEN!!" Sigaw din ni ketty.

Nakita kong ngumiti si ven, kinakabahan ako at naguguluhan diko alam kung ano ba talaga ang nangyayare.

"Ahm una sa lahat, tita thank you sa pagpayag po" panimula ni ven pero teka saan pumayag si mama? Alam ni mama na pupunta sila ven dito?

Tumingin ako kay mama at nakita ko syang tumango kay ven, ibinalik ko ang tingin ko kay ven nung magsalita ito ulit.

"Grade 5 kita unang kinausap pero grade 3 palang kilala na kita at laging nakikita. Nakilala kita dahil kay kyle, pinsan ka nya lagi kayong sabay umuwi. Sinasamahan ko si kyle noon habang inaantay ka tapos pag dumating kana aalis nako agad. Gusto kitang maging kaibigan kaya kita kinausap, naging ka close kita at naging bestfriend. Then pagdating natin ng high school, i realized na may gusto ako sayo. Diba antagal na? Alam ko kasing gusto mo munang makagraduate bago ka magpaligaw eh, grade 7 nga tayo non nung tinanong kita kung pano kung may manligaw sayo papayagan mo ba, sabi mo hindi kase kelangan makagraduate ka muna. Eto na graduate kana, graduate na tayo."

May naglilitawang letters na hawak nung nasa unahang line ng mga upuan.

"ARA MAE LEE" dinig na dinig sa buong gymnasium kung saan namin tinanggap ang diploma namin ang buong pangalan ko.

"CAN I COURT YOU?" may pumutok na confetti at yung mga letters na naglilitawan kanina ay nakalagay ang word na "can i court you?"

Tumingin ako kay mama at tumango lang sya, tinignan ko din si ketty at kyle sa tabi ko at tumango lang din sila.

Nakita kong pababa si ven ng stage at hawak ang isang bouquet ng flowers at dala dala nya padin yung wireless microphone.

Nang makalapit sya sakin ay iniabot nya ang bouquet ng bulaklak sa kanang kamay ko at hinawakan nya yung kaliwang kamay ko.

"Ara nakapagpaalam nako sa lahat sagot mo nalang kulang." Sabi nya.

"Bat dimo sinabing uuwi kayo" lalong tumulo ang luha ko.

"Shhh wag kana umiyak, edi kapag sinabi namin dina surprise" ibinigay nya muna yung mic kay kyle sala nya ako niyakap at hinimas ang buhok ko.habang nakasubsob ako sa dibdib nya ay tumango ako bilang pagsagot sa tanong nya kanina.

"Tumango ka? Payag kana?" Excited na tanong nya.

Ngumiti ako at tumango ulit.

"Totoo ba? Pamapayag ka talaga?" Tanong nya pa ulit.

"Ayaw mo ba? Bawiin ko nalang sige." Pagbibiro ko.

"Gustong gusto ko, YESSSS PUMAYAG SYA!!" Nadinig kong nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Hala nakalimutan kong madami palang tao dito, ano yon kasabwat nya lahat sila?

"Teka kasabwat mo lahat ng tao dito?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan nya mga luha ko.

"Oo syempre naman ,lahat lahat as in" paglilinaw pa nya.

"Tita thank you po sa pagpayag" bumaling sya kay mama para magpasalamat.

"No problem, basta pag umiyak ang anak ko dahil sayo kahit na pumayag sya magpaligaw sayo, ako magpapatigil sayo" sabay ngiti ni mama.

"Mama naman" nahihiyang saway ko.

"Thank you po sa lahat ng tumulong!" Sabi ni ven sa lahat ng tao dito aa gymnasium.

"Tara na, let's celebrate! Graduation namin ni ara oh. Ikaw talaga mga pasabog mo ven eh noh, pangmalakasan. Nagtanong palang kung pwede manligaw yan, pano pa pag kasal na ang itatanong." pagsulpot ni ketty.

"Hay nako tara na sa bahay at kumain na tayo dun, madami kaming hinanda ng mommy at mama mo" turo ni mama kay ven at ketty. Hindi ko napansin kanina na katabi pala ni mama ang mommy ni ven.

"Congrats to my future daughter-in-law and to this pretty girl" sabi nya samin ni ketty. Nahiya naman ako, tinawag akong future daughter-in-law.

Syempre bago kami umuwi para mag celebrate ay nagpicture picture pa kami ulit.

End of chapter 35

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon