Chapter 26: Bonding
Ven's POV
Wednesday ngayon at ilang weeks na din ang nakalipas mula nung birthday ni ara, ibig-sabihin ilang weeks na din nyang suot yung bigay kong kwintas. Masaya ako kase nakikita kong suot nya yon, pinakita ko din yung kwintas ko sakanya after siguro ng 1 week mula nung birthday nya kaya alam nyang pareho kami. Mas naging masaya nga sya nung nalaman nya eh.
Sabi nya isuot ko din daw yung akin kaya eto araw araw ko na ding suot, tinatanggal ko lang kapag maliligo ako.
Madaming assignments ang ibinibigay samin netong mga nakaraan kasi malapit na ang Christmas break. Christmas party na nga namin sa Monday kaya aalis kaming apat sa weekend para mamili ng pang exchange gift para sa nabunot naming pangalan ng kaklase namin.
...
"hoy ano aalis ba tayo bukas?" tanong ni ara samin.
"ako pwede bukas, kayo ba?" sabi ko sakanila. Recess ngayon kaya magkakasama kami. Ambilis ng araw sabado na agad bukas tapos sa Monday Christmas party na.
"tara bukas, para pahinga tayo ng linggo" sabi naman ni kyle.
"sige bukas ha, papaalam ako mamaya paguwi" sagot naman ni ketty.
"sige pahatid nalang tayo kay mang jun, sunduin ko kayo bukas ng 9 sa bahay nyo" sabi ko sakanila.
"sige pero ang huling makakahanap ng regalo may isang dare na gagawin ha" ito talagang si kyle di nawawalan ng kalokohan sa buhay.
"ay sige gusto ko yan" ayan pag ganyan magkasundo sila ni ketty.
...
Pagkabell kanina pumasok na kami agad kaso wala naman kaming teacher, may pinagawa lang kaya pagkatapos namin gawin ni kyle eh nagdaldalan nalang kami ni kyle through text baka kasi dumating teacher namin bigla.
Dahil nga Friday ngayon, nagpapasama si hairee sakin sa mall saglit at may bibilin daw sya. Maaga kasi uwian namin dahil last day ngayon at may pinaguusapan ata mga teacher about sa program bago Christmas party sa room.
Kelangan ko pala itext muna si ara.
To Ara Cream:
Pst ara punta ako dyan sainyo pagkatapos ko samahan si hairee saglit.From Ara Cream:
Sige antayin kita ha, wag kana magpagabi.To Ara Cream:
See you bleh! HahahaNakauwi na siguro yon.
"hey let's go" aya ni hairee sakin.
Ara's POV
Pshhh magkasama nanaman si ven at hairee, nakakainis. Di lang ako makaangal eh, diko naman kontrolado buhay ni ven hays.
Antayin ko nalang siguro sya. Nacu-curious tuloy ako kung ano ipupunta ni ven dito.
Makakain nga muna ng ice cream sa baba hanggang wala pa si ven.
Tignan ko muna kung may grapes dito sa ref.
"ay wala, di pa siguro namimili si mama" sabi ko sa sarili ko.
"ice cream na nga lang" sabay bukas ko ng freezer.
"ay wala din, ano bayan" gusto ko pa naman kumain tapos walang ice cream o grapes manlang ano bayan matutulog nangalang muna ako sa taas.
"manang champi dadating po si ven mamaya pagbuksan nyo nalang po ng pinto, matutulog lang po ako saglit sa kwarto." Pagbibilin ko kay manang.
"sige iha, matulog kana don ako na bahala."
"Salamat po"
Umakyat nako sa taas para matulog na. hayss aalis ng apala kami bukas di pako nakakapagsabi kay mama.
.....
"AY PALAKANG ICE CREAM NA MALAMIG!!!" nagmamadali akong bumangon sa pagkakahiga ko ng may naramdaman akong malamig sa pisnge ko habang natutulog ako.
"HAHAHAHAHAHA masarap bayong palakang ice cream na malamig? " tignan mo tong si ven tawa pa ng tawa bwiset.
"ano ba kasi yung malamig nayon, napakabwiset mo talaga." Nakakunot noo kong sabi, sya naman tong tawa padin ng tawa.
"gusto mo ng ice cream? Kaso hindi palaka flavor" at tumawa nanaman sya.
"manggigising ka nalang ididikit mo payang ice cream sa muka ko." Medyo nawala na kunot ng noo ko syempre ice cream na cookies and cream hawak nya.
"dapat gigisingin ka ni manang champi eh, sabi ko ako na .Ang galing ko noh."
"proud ka pa talaga sa kalokohan mo noh" tumayo nako at kinuha ko yung ice cream sa kamay nya.
"andyan na nga din pala si tita, kasabay kong dumating." Sabi nya.
"tara sa baba papaalam ako kay mama na aalis tayo bukas tapos balik tayo dito, kainin natin yung ice cream na dala mo. Tara na da---" pinutol nya ako sa pagsasalita ko.
"opppsss napagpaalam na kita at pumayag si tita" aba magaleng toh ah.
"eh kailangan natin ng spoon para sa ice cream" sabi ko naman.
"watch and see" sabi nya.
Unti unti nyang inilabas yung kutsara mula sa pocket ng bag nya.
"oh diba wala ng pupunta sa baba" ibang klase talaga toh eh.
"ayos ka talaga eh noh"
"syempre ako paba" aba kinindatan pako chura naman.
Naupo nakami para kumain ng ice cream. Ibinaba nya yung bag nya sa kama ko, binuksan ko naman yung ice cream saka nagsimulang kumain.
"bakit nga pala nagpasama si hairee sayo?" tanong ko habang kumakain kami.
"ahh nagpasama bumili ng pangregalo nya sa Christmas party" sagot nya.
"ahh okay" sagot ko nalang sabay kain ulit.
"sabi nya gusto nya daw ako regaluhan tapos tinanong ako ano daw gusto kong regalo" sabi nya bigla. Di naman ako nagtatanong ah.
"oh ano sabi mo?" tanong ko sakanya.
"ikaw kako" napaka talaga neto. Muntik ko na maibuga yung ice cream sakanya.
"yung totoo kase napaka loko mo" sabi ko nalang pero sa loob loob ko kinikilig nako.
"de joke lang, sabi ko diko kako need ng reagalo. Wag na kako mag abala." Ayos yung joke mo ah pafall tsk.
"ay ganon, baka lagyan gayuma yung ireregalo sayo non nako." Biro ko sakanya.
"di naman tatalab sakin yon eh kase ----------" may sinabi sya sa hule kaso diko nadinig.
"ano yon?" baka sabihin nya ulitin eh.
"wala , sabi ko antakaw mo ubos na agad yung icecream oh" sabi nya.
"ikaw kaya yung matakaw nako." Balik kong sabi sakanya.
"nood tayo movie tapos uuwi nako pagkatapos dali" ubos na ice cream saka nag aya mag movie.
"after ng movie kain tayo dinner tas pede kana umuwi " sabi ko.
"sige sige. Eto maganda oh" ipinakita nya yung nasa cellphone nya. Muka naming maganda kaya pumayag nako.
...
Pagkatapos na pagkatapos ng movie bumaba kami para kumain. Sakto pagkatapos naming kumain dumating na sundo nya.
End of chapter 26
![](https://img.wattpad.com/cover/189964264-288-k50006.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...