Chapter 30: Reunion
Ven’s POV
Akala siguro ni ara nakalimutan namin yung ide-dare namin sya kasi sya pinakahuling natapos sa pamimili nung nakaraan.
Nasabi ko na kay ketty at kyle kung ano yung naiisip kong dare para kay ara at pumayag naman sila.
Sa December 27 may celebration kaming apat ng Christmas at new year. Nung nakaraang taon dito samin ginanap yung celebration eh, ngayon naman kila ketty at sa araw nayon dapat gawin ni ara yung dare namin.
Andito ako ngayon sa kwarto dahil kakagising ko lang at pinagmamasdan yung kwintas ko na kagaya nung kay ara.
Tinawagan ko pa si daddy sa skype nung pag-uwi ko galing sa mall nung namili ako ng regalo para kay ara.
*FLASHBACK*
Kakauwi ko lang galing mall at naisipan ko na tawagan agad si daddy sa skype para ipakita yung kwintas na binili ko para kay ara.
“oh napatawag ka? Saktong sakto tapos nako sa ginagawa ko” bungad na sabi ni dad.
“kamusta dad? Kelan uwi mo?” pangangamusta ko.
“okay naman, surprise nalang kung kelan ako uuwi ha” nakangiting sabi nya.
“sige dad antayin nalang kita dumating” sabi ko.
“ kamusta nga pala pag aaral sa public school? Di naman ba mahirap?” tanong ni dad sakin.
“hindi naman po, masaya nga eh” nakangiting sabi ko sakanya, masaya kasi kasama ko yung tatlo.
“that’s good” nginitian nya ako.
“ahhmm dad may itatanong lang po sana ako” medyo nahihiya ko pang sabi.
“sige ano bayon, magpapaturo kaba manligaw?” tumatawang tanong nya.
“dad naman, hindi po ah.” Natatawa kong tanggi.
“ahh hindi ba, akala ko magpapaturo ka. Expert pa naman ako sa ganyan, magkaka-anak bako ng ganyan kagwapo kung di ako expert diba. Ano nga pala yung itatanong mo,malapit na meeting ko bilisan mo” proud na sabi nya at nagpogi sign pa.
Itinapat ko sa camera yung kwintas na ipangreregalo ko.
“maganda naman po diba?” tanong ko.
“maganda naman, maganda din siguro pagbibigyan mon oh. Sino ba yung maswerteng babae na bibigyan ng kwintas ng gwapo kong anak?” tanong ni dad. Opo dad maganda talaga.
“Yung bestfriend ko dad” sabi ko sakanya.
“crush mo?” pag usisa ni dad sakin
“ahmm h---” diko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating yung secretary nya at sinabing oras na daw ng meeting nya kaya pagkatapos magpaalam ni dad ay pinatay na nya yung tawag.
*END OF FLASHBACK*
Kagabi umuwi si daddy bago mag noche Buena, sabi nya kasabay nya daw umuwi yung kaibigan nya sa ibang bansa na pinoy din at kasama nya din sa business world.
…
Ara’s POV
Ang init naman dito, makapasok nga muna sa loob ng cottage may nakita akong electricfan don kanina eh.
“Papa , Mama punta po muna ako dun sa cottage ha. Init dito eh.” Pagpapaalam ko.
“sige nak balik ka ha malapit na magstart” sabi ni mama.
“sige po” umalis nako para pumunta sa cottage.
Andon lahat ng tao sa may parang covered court dahil dun gaganapin reunion namin at after ata ng event ay swimming time na. mas masaya siguro kung nandito yung tatlo. Sa side ni mama itong reunion kaya wala si kyle .
Pagdating ko sa cottage ay agad kong binuksan yung electricfan at itinutok sakin saka ako naupo.
Sa sasakyan ni kuya ako sumakay papunta dito at nabanggit ni kuya na 1 day before sila umalis ulit ni papa ay imimeet namin yung family nung kaibigan ni papa na kasabay nila umuwi dito sa pinas ,may ari din daw ng company at may share na 40% sa company namin.
Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko.
Nagtext pala si mama.
From mama:
Tara na magstart na daw. Hinahanap ka din ng mga tita mo.Tumingin ako kay mama pagkabasa ko ng text nya at nakatingin din sya sakin.
“parang kakaupo ko lang tas magstart na agad hays, makabalik na nga” sabi ko sa sarili ko.
…
Napagod ako kanina sa reunion namin, nag enjoy naman ako pero napagod talaga ako sa mga games at sa pag su-swimming.
End of chapter 30
![](https://img.wattpad.com/cover/189964264-288-k50006.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Genç KurguMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...