Chapter 5: crave
Ven's POV
Sa totoo lang hindi ko pa alam kung saan ko dadalhin si ara sa sabado. Bigla nalang din pumasok sa isip ko kahapon na ayain sya.
Siguro sa mcdo ko nalang sya dadalhin, sabi naman nya bago nya ko di pansinin eh nag ke-crave daw sya sa burger, fries at sundae. Dun nalang siguro.
Nawiwirdohan nadin ako sakanya eh, pano ba naman bigla nalang di namansin, pero siguro dahil yun don sa hindi ko pagsama sakanila nitong mga nakaraan kaya iintindihin ko nalang, ako din naman yung may mali.
Kaya ko lang naman laging kasama si hairee kase wala pa syang nagiging kaclose sa room namin.
Pero parang ang gaan ng loob ko sakanya, pero diko pa sure.
"Uy pre ano balak?" Sabi ni kyle
Wala kaming pasok ngayon, holiday daw eh, basta walang pasok diko na inaalam kung bakit basta alam ko holiday.
Kaya eto si kyle sa bahay, wala daw syang magawa sakanila, ayaw daw nya magpunta kila ara andon daw kase si ketty, baka daw mag asaran lang sila don at palayasin sila parehas ni ara.
"Balak saan?" Sagot ko sakanya.
"Ngayon malamang" pilosopong sagot nya. nagsisimula nanaman tong mang asar.
"Pshh tara basketball nalang tayo" sabi ko.
"Sabi na nga ba yun gagawin natin eh, buti nagdala ako ng extra damit tas pamunas. Ang galing ko talaga" masayang sabi nya.
"Tss" tanging nasabi ko habang nakangiti.
--------------
"Hayyyy kapagod!!!" Si kyle habang nagpupunas ng pawis.
"Nga pala ven, san kayo pupunta sa sabado ni ara?" Tanong ni kyle sakin.
"Di ko pa nga alam eh" sagot ko. "Baka sa mcdo nalang" dagdag ko pa.
"Sabi nga pala non nung nakaraan gusto nya ng fries,burger at sundae. Sige pwede na don" sabi nya habang tatawa tawa pa.
"Pinapansin nya pa ko non nung sinabi nya yan" sabi ko sakanya.
"Ehhh basta kahit san mo dalin si ara basta ingatan mo ah, mahal ko yon kahit ginaganon ko yon" diko alam kung seryoso ba sya don o hindi eh, pano ba naman naka ngiti pero parang seryoso, ay ewan ang gulo.
"Kahit dimo sabihin iingatan ko yon, espren yon eh" sabi ko sakanya.
"Maiba lang ako" agad akong tumingin sakanya.
"Bakit, ano yon?" Sabi ko ng nagtataka.
"Ahmm sigurado kang di mo gusto yung hairee na yon?? Para kasing may gusto sayo eh. Pre, baka umasa yun kung laging ganyan" wow seryoso ah, sabagay babae nga pala yon, ganyan naman lagi yan kapag babae.
"Wala pa naman akong gusto pero..." pinutol nya sasabihin ko.
"Wala PA?? so may chance??" Sabi nya with laki laki mata pa.
"Baka?siguro? Pwede? Ahh basta ewan di ko pa alam, basta magaan pakiramdam ko sakanya" sagot ko kahit naguguluhan.
"Nako pre kung ako sayo iiwasan ko na yan kung ayaw mo mag F.O. kayo ni ara" seryosong sabi nya.
"Oo na, pareng kyle" sabi ko ng pabiro, ang seryoso nya kase masyado.
__________
Ara's POV
Sa pagkakaalam ko pupunta si kyle ngayon eh kaya tinext ko sya na nandito si ketty, naisip siguro na di magandang ideya na nandito sila parehas ni ketty kase magbabangayan lang sila.
"Uy bhex" tawag ni bhex ketty with kalabit pa.
"Hmmm bakit" sagot ko ng hindi tumitingin, busy ako sa ig ko.
Habang nag iiscroll ako sa ig ko nakita ko yung post ni kyle. Kaya pala di sya nagpunta dito, dun pala nagpunta kila ven at naglaro ng basketball tsk... pero buti nadin yon na hindi nya sinama dito yon.
"Nood tayo movie tapos naman na tayo sa peoject eh" sabi nya sakin.
Gumawa kami project ngayon kaya andito tong lukreng na to. Since maaga pa naman,2:14 palang naman kase kaninang umaga pa andito si ketty. Makanood muna movie tas ihahatid ko nalang sya sa sakayan.
"Ano ba maganda?" Sabi ko sakanya. "Ikaw na mamili, ikaw nakaisip eh" dagdag ko pa.
"Yeyyy, sige ako na wiiiii" excited na sabi nya. Cute nya sa part na yon.
End of chapter 5
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...