CHAPTER 22

31 3 0
                                    

Chapter 22: The surprise

Ara's POV

"Ma, bukas nga po pala wala kaming pasok may seminar daw po mga teacher" papunta kami ngayon sa mall, diko alam ano gagawin namin don.

"Ay sige dun ba sila matutulog saten" sabi naman nya.

"Inaya ko napo sila kanina eh, pwede po kami magpuyat?" Tanong ko, excited ako eh kahit sala si ketty mamaya, babawi naman yon.

"Pwede basta wag sobrang puyat ha" paalala nya.

"Opo mama" nginitian ko sya.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko.

Bigla ako nanlumo sa nabasa ko.

"Ma, dina po pala kami magpupuyat. Di na din po sila matutulog satin" malungkot kong sabi. Nawala yung sigla ko.

Nagtext si ven na di daw sya makakapunta, so kami lang ni kyle ang magovernight? Dina siguro. Akala ko pa naman makakapunta na sya ngayong araw psh. Si ketty tanggap ko pa kase lagi andyan yon si ven kase wala sya nung isang taon.

From Ven cookies:

Ara sorry di ako makakapunta mamaya. Di sinabi ni mommy na pupunta pala kami sa puntod ni lolo ngayong uwian at bukas pa kami uuwi kasi dun kami nag sleep over kila tita. Death anniversary kasi ni lolo eh, sorry talaga babawi nalang ako.

To Ven cookies:

K:) okay lang next time nalang.

"Oh ang birthday girl bakit parang maiiyak ka dyan , saka bat dina sila matutulog satin?" Tanong ni mama.

At tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak ara?may nasabi bako?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Wala po ma, diba po di makakapunta si ketty---"

"Dahil ba doon?" Sabat ni mama.

Umiling ako

"Okay lang po yung kay ketty kase nakapagsabi po sya agad kaso mama si ven di d-daw po makakapunta kase death anniversary daw po ng lolo n-nya kaya aalis sila" pagpapaliwanag ko habang pinipigilan yung hikbi ko.

"Yaan mo nalang anak babawi yon for sure, andito na tayo punasan mo na yang luha mo. Wag kana umiyak birthday girl, birthday na birthday mo gusto mo pangit ka?" Pagpapatawa sakin ni mama. Nangiti naman ako.

"Tara na bibili pa tayo ice cream" pag-aaya nya sakin. Bumaba na kami ng kotse saka naglakad papasok ng mall.

"Diba po may ice cream na sa bahay bat bibili papo?"tanong ko habang nagpupunas ng luha.

"Meron pero baka kulang sayo yon matakaw ka pa naman sa ice cream"

"Mama naman bibigyan padin naman kita kahit papano" nakangiti kong sabi.
Muka siguro akong batang inagawan ng candy ngayon sa itsura kong galing sa pag-iyak , si Ven may kasalanan neto.

....

Nakasakay na kami ni mama sa kotse, nakabili na kami ng ice cream eh.

"Baka may gusto kapa daanan?" Tanong ni mama.

Kanina pa sya tingin ng tingin sa relo nya.

"Wala na ma uwi na po tayo " sabi ko nalang.

"Fries? Burger gusto mo?" Alok nya ulet.

Tumunog cellphone nya ,may nagtext ata.

"Sige uwi na tayo" nginitian nya ko. Weird ni mama noh. Hayaan ko na nga baka sa trabaho nya yon.

.....

Pagdating namin sa bahay naamoy ko agad yung luto ni mama ang kaso kami lang din naman ang kakain.

"Mama, magbibihis lang po ako ha" paalam ko kay mama.

Malungkot ako sa loob loob ko pero birthday ko naman ngayon try ko magpakasaya alam ko namang babawi mga kaibigan ko sa mga susunod na araw.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto as usual madilim ang makikita, ayoko kase ng maliwanag para bang takot ako sa araw, aswang ako eh joke lang.

Binuhay ko ang ilaw at

"SURPRISE!!!!!!!!" ...

End of chapter 22

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon