Chapter 6: Intrams
Ara's POV
Andito kami sa 4th floor ng new building ng school, ang sabi ng adviser namin may orientation daw at may makakasama daw kaming ibang section.
Pinapila kami at pinaakyat dito. Mula dito sa labas ng room na papasukan namin may nababasa ako na naka dikit sa may board "career orientation" yan yung nakalagay.
Yung teacher sa guidance ang naging parang mc sa orientation na toh, nabanggit din na next week daw kelangan magsuot kami ng parang costume ng kung anong gusto naming matapos na propesyon or maging trabaho.
Nung nagbreak para daw muna makameryenda saka ko lang napansin na section pala nila ven kasama namin at kalinya ko pa ng upuan pero nasa kabilang side naman sila.
Halos tatlong oras kaming nakinig dun sa orientation churva nayon.
syempre kelangan daw makinig dahil may sasagutan daw at ako naman tong masunurin edi nakinig, yung sinagutan naman eh madali lang tungkol lang sa school na pag aaralan mo para makamit mo dream job mo, ganon basta tungkol sa career kaya nga "career orientation".
_______
11:20 na malapit na mag lunch
Pagbalik namin sa room kakausapin daw kami ng adviser namin. Baka may iaannounce lang.
Ayan na si maam pumasok na...
"Good morning class"
"Goodmorning maam espie!"
"Okay class i have some announcement" panimula ni maam. "Dalawa lang naman, about sa babayaran sa PTA at yung isa ay tungkol sa paparating na intramurals" dagdag nya pa.
Nga pala, nagtabi kami ni bhex ng upuan ngayon kase lunch naman na after nitong announcement kuno ni maam.
"Bhex, excited nako sa intrams" bulong nya.
"Ako ren bhex, kinig muna tayo para alam natin lahat" sagot ko sakanya.
Yung tungkol sa PTA na sinabi ni maam eh may babayaran daw at yung pinaka gusto ng halos lahat ng estudyante eh intrams.
Ang paliwanag samin ni maam eh kailangan daw bukas ng willing na tumulong sa paggawa ng mga booths para sa intrams.
Nga pala nakagawian naming apat nila bhex na tumulong bago mag intrams, kahit mga simpleng tulong lang,gaya ng paggawa ng booths ,pagtulong sa mga teachers sa paghahanda, mga ganon.
_________Ven's POV
Nag announce yung adviser namin kanina na kelangan daw ng willing tumulong bukas sa pag sasaayos ng intrams. Sigurado na kaming apat na tutulong don.
Kaso sabado bukas, bukas dapat kami aalis ni Ara eh.
Pwede naman siguro umuwi ng maaga don. Ipapahatid ko nalang si ketty kay kyle tapos dederetso nalang kami ni Ara sa pupuntahan namin.
Sana talaga hindi kami gabihin bukas, gustong gusto ko na kasi syang makausap para sure na bati na kami dalawa. Hirap kaya kapag dika pinapansin nung babaeng yon kasi magiging hangin ka talaga sakanya.
Nangyare na yon nung nagtampo sya kasi di ako nakapunta nung b-day nya non at nag promise pako sakanya na pupunta ako kaya nagtampo ng ganun.
*FLASHBACK*
Nakaready nako dahil birthday ni Ara ngayon at pupunta ako sakanila, wattpad book ang regalo ko sakanya, yung gustong gusto nyang libro.
Maya maya aalis nako para magpunta sakanila. Bumukas yung pinto, si mama lang pala.
"Anak, pupunta tayo sa lolo mo ngayon" sabi nya.
"Pero ma, birthday ni ara ngayon" sambit ko, "di ako pwede mawala don, nagpromise ako sakanya eh" dagdag ko pa.
"Pero anak, nag aagaw buhay na daw ang lolo mo at gusto nya makita lahat ng apo at anak nya" sabi ng mama ko.
"Ano pong nangyare kay lolo?" Tanong ko ng nag aalala.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, since naka ready ka naman na, ako nalang gagayak antayin moko" sabi ni mama.
"Sige po ma" sagot ko nalang.
Paniguradong magtatampo si ara dahil nag promise ako sakanya, haysss sana maintindihan nya yung dahilan ko.*END OF FLASHBACK*
Sobrang tampo nya nung time na yon pero kalaunan naintindihan nya din naman, kaya gusto kong matuloy kami bukas para maayos ko na lahat.
End of chapter 6
_____Hi altheajuliannajavier 💕🤟
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Novela JuvenilMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...