Chapter 29: Who is coming home?
Ara's POV
Mukang may nakakalimutan yung tatlo ah, sabi nila may isang dare daw ang huling makakabili ng regalo kaso mukang nakalimutan naman nila hays, sana naman di na nila maalala.
Noche buena na mamaya, ang bilis ng araw parang kakastart palang ng christmas break namin hays.
Andito ako ngayon sa kusina at pinapanood si mama magluto ng mga kakainin namin mamayang noche buena.
"Mama kelan uuwi sila papa?" Tanong ko sakanya. Nung nakaraang christmas eve kase wala sila eh.
"Ay naku nak diko alam eh" sagot ni mama pero tutok padin sa ginagawa nya.
"Baka di nanaman po siguro umuwi yon noh, ilang oras nalang po noche buena na kaso wala pa sila eh." Malungkot kong sabi.
Hays sana naman next year nandito na sila.
"Hayaan mo na muna anak babawi naman yung mga yon" bakit kaya nakangiti si mama, ako malungkot tapos sya naka smile.
"Ma pasok po muna ako sa kwarto ko ah, matutulog lang po ako saglit. Gisingin nyo nalang po ako kapag malapit na mag december 25 ha" pagbilin ko kay mama, baka kasi hayaan ako matulog nyan edi hindi ko nasalubong ang pasko.
" sige nak , sleepwell baby girl ko" nginitian nya ko.
...
"Bunso namin gising na huy" bakit parang si papa yon.
"Kahit kelan talaga tulog mantika yan noh mama" teka boses ni kuya yon ah.
Pagdilat ko ng mata ko nakita ko si papa at kuya na naka akbay kay mama. Mula sa pagkakahiga ay unti unti akong umupo.
Teka nga panaginip lang ba toh?
"Aray" kinurot ko sarili ko baka kasi panaginip lang toh eh kaso masakit, edi hindi panaginip toh.
"Feeling nya ata nananaginip sya papa oh, kinurot pa sarili eh" sabi bigla ni kuya habang tumatawa.
Unti unting nanlaki yung mata ko nung narealize ko na totoo ngang andito na sila ngayon.
"Papa!!" Niyakap ko sya ng mahigpit.
Hala totoo nga nandito na nga sila. Umuwi sila yehey ansaya naman.
"Ako walang yakap?" Sabat ni kuya samin habang nagyayakapan kami ni papa.
"Syempre meron din" sabi ko habang tuwang tuwa sa mga nangyayare.
Lumapit ako sakanya para yakapin din sya.
"Namiss mo naman ako masyado, ang higpit ng yakap ah" sabi nya.
Bumitaw nako sa pagkakayakap ko saka tinignan silang dalawa.
"Andito ba talaga kayo?" Maiyak iyak nako sa sobrang saya.
"Nayakap mo na kami ng sobrang higpit ayaw mo padin maniwala?" Si kuya erjay talaga tinatawanan nanaman ako.
Btw that's my kuya ERJAY LEE, the best kuya in the world yan. Katuwang sya ni papa sa company namin. Inaasar asar lang ako nyan pero protective yan. 23 years old na sya pero single padin dahil siguro busy sila ni papa sa company. Masunget minsan yan pero mas madalas ang mabait at syempre gwapo.
"Oh bakit umiiyak ang bunso namin" sabi ni papa.
That's my papa ERWAN LEE, ang kadalasan na tawag sakanya ng mga kaclose nya ay erwan tapos kapag sa office nila mr. Lee.45 years old na sya, gwapo din yan parang si kuya at sabi pa ng iba parang carbon copy nga daw ni papa si kuya. Magaling mag handle ng company si papa at super bait nya. Kaya nyang ibigay kahit ano hingin ko pero di naman ako abuso kaya kung magkano allowance ko yun na yon tipid tipid nalang.
"Miss na miss kayo nyan, kanina bago matulog yan binanggit kayo. Tinatanong sakin kung kelan kayo uuwi, syempre di ko pwede sabihin na uuwi kayo" si mama na nagpaliwanag para sakin.
At syempre pakilala ko na din ang maganda kong mama.
That's my mama ARILLE LEE, ari ang tawag sakanya madalas (eyri basa sa ari) pinakamabait na mama yan sa buong mundo. Kahit saan ako magpunta pinapayagan ako kesa naman daw tumakas ako diba ,pinapayagan ako basta kasama ko yung apat o isa sakanila pag wala ang kahit isa don sa tatlo ay nako wag na umasang payagan. Maganda si mama sabi nga ng iba sya daw kamuka ko eh. Super bait at super supportive ni mama sa lahat ng bagay basta alam nyang tama at makakabuti samin.
"Tara na sa baba,gutom nako eh antagal kasi gumising ni ara. Kanina ka pa namin ginigising dika manlang magising dyan,tulog mantika kase masyado" hay nako talaga si kuya.
"Tara na oh ilang minuto nalang pasko na, bigayan na ng regalo after kumain ah" excited na sabi ni mama.
"Let's go!!" Sumampa ako sa likod ni kuya para buhatin nya ko pababa hanggang kusina.
"Ang bigat mo na" inayos nya yung pagkaka sampa ko sa likod nya at nagsimula ng maglakad papunta sa baba.
End of chapter 29
_________Happy birthday bhex Binibining_Ulan_05🥰🎂
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...