Chapter 31: Celebration
Ara's POV
It will be a very embarrassing day for me, although sinabi na ni mama sakin na bagay itong dress na bigay ni ven pero nakakahiya padin tyaka di ako sanay.
Nagkamali ako ng akala na nakalimutan na nila ven yung dare dahil ako ang huling natapos sa pamimili namin para sa christmas party.
Ngayon kasi ang celebration namin ng christmas at new year sa bahay nila ketty. Napagtripan nanaman ako nung tatlo at nagkasundo sila na itong dress na bigay sakin ni ven nung birthday ko ang ipasuot sakin ngayon.
"Argghh humanda ka talaga sakin mamaya ven, alam kong plano mo toh" bulong ko sa sarili ko.
Pupunta muna kaming trinoma bago kami magpunta sa bahay nila ketty. Ako ata ang huling dadaanan.
Naka rubber shoes ako kanina pero pinapalitan ni mama, gusto panga ni mama ay yung high heels pero sabi ko kami kami lang naman yon pero umangal sya kahit nadaw ba apat lang kami o dalawa lang kami kelangan daw maayos ako.
At dahil makulit si mama ,ang ginawa ko ay nagsandals ako pero walang heels at napapayag ko din naman sya.
Nadinig ko na may bumusinang sasakyan sa labas, feeling ko sila ven nayon. Nahihiya akong lumabas ano bayan. Nakaready na kagabi pa yung isusuot ko dapat ngayon eh kaso pagtingin ko sa cellphone ko kanina may text si ven at nilalaman non ay yung dare sakin.
Hays eto nako eh nakahanda na, wala ng atrasan toh.
Pagkababa ko nagpunta muna akong kusina para uminom ng tubig, kinakabahan kasi ako sa reaksyon nila. Feeling konkase di bagay sakin.
Nasa kusina din si mama kaya nagpaalam nako.
"Ma alis na po ako, sure ka ma bagay ha" pag sisigurado ko.
"Oo bagay na bagay" nag thumbs up pa si mama.
Si papa at kuya,maaga umalis kanina. May aasikasuhin ata. Balita ko din umuwi ang daddy ni ven. Feeling ko ang gwapo ng daddy nya,diko pa kasi nakikita yun sa personal eh. Kamuka nya kaya?
Paglabas ko ng gate nakita ko silang tatlo na nakatayo sa harap ng kotse at nakatulala lang sakin.
"Tumutulo laway nyo!" Pagbibiro ko sakanila.
Sabay sabay sila napakapa sa bibig nila na parang tinignan kung may laway nga.
"Hala ka bhex!" Napasigaw pa ang luka.
"Baket?" Naiilang nako nakatingen sila saken. Di siguro talaga bagay sakin noh?.
"Hoy ang ganda ganda mo" masiglang sabi ni ketty. Inikot ikot nya pako na para bang sinusuri.
"Mag dress ka lagi, bagay naman pala sayo." Nakangiting sabi ni ven.
"Akala pa naman namin mapagtitripan ka namin kaso bagay pala sayo ang nakadress, ganda mo insan ah" tignan mo tong si kyle dina nawalan ng kalokohan sa katawan.
"Oo na tigilan nyo na pagpansin sa suot ko, tara na dali alis na tayo. mainit dito sa labas" pag aya ko sakanila.
...
After namin kumain at mag arcade sa mall ay dumiretso na kami dito kila ketty. Di naman celebration na may palaro or something ngayon, ang gagawin lang namin eh yung usual namin na ginagawa kapag magkakasama. Parang bonding lang namin toh tapos nakasanayan namin na taon taon parang kelangan namin gawin.
Nakakatatlong sunod sunod na movie na kami, tumigil muna kami para mapahinga na den. Kumuha si ketty sa baba ng bote eh maglalaro daw kami truth or dare.
"Eto na guyssss, tara dali upo na sa lapag" pagbungad na pagbungad na sabi ni ketty pagpasok nya ng kwarto nya.
Naupo na silang tatlo sa lapag samantalang ako eto nakaupo paden sa kama, diko kase alam kung pano ako uupo don.
Nakatingin silang tatlo sakin na parang tinatanong kung ano problema at di pako umuupo.
Biglang inabot sakin ni ven yung panyo nya at mukang alam na nya problema ko kung bakit di ako makaupo. Iniladlad ko yung panyo ay itinakip sa hita ko saka ako unti unting naupo. Ibabalik ko na sana yung panyo kay ven pero sumenyas sya na itakip ko muna sa hita ko.
Apat lang kami dito pero ganyan yan, protective paden. Pshh kayo nag dare neto eh tas ngayon protective ka.
"Okay lets start" sinimulan na ni ketty ang pagpapaikot ng bote.
"Oh kyle sayo tumapat" turo ni ven sakanya.
"Truth or dare?" Tanong ni ketty.
"Truth nalang, honest naman ako eh" tignan ko talaga toh may pangisi pa.
"Ako, ako magtatanong" pagpiprisinta ko.
"Bakit mo laging inaasar si ketty?" Direktang tanong ko.
"Wala lang trip ko lang ,saya nya asarin eh" sagot nya.
"Me gusto ko siguro sakanya noh" asar ni ven sakanya.
"Panibagong tanong na ata yan eh. Paikutin nyo na bilis" teka nga bakit di sya umangal? Yun nayon? Good mood ba sya ngayon? Baka may sakit?
Nakailang rounds na kami ng pagpapaikot at puro kalokohan ang ganap ,napuno ng tawanan ang buong kwarto or should i say buong bahay?anlakas kasi ng tawa namin eh.
Sa pagkakataong ito sakin tumapat yung bote.
"Truth" agad na sabi ko.
"Bakit mas pinili mong mag aral sa public school?" Tanong ni insan sakin.
"Wala lang, gusto ko kase makaranas ng bagong paligid. Diba andami nating natutunan, kayo nga tong sinundan ako eh. Saka mas masaya mag aral sa public school para sakin eh." Tuloy tuloy na sabi ko.
"Okay next" pinaikot ko agad yung bote at kay ven tumapat.
"Truth" agad na sabi din ni ven.
"Hmmm teka teka may naisip akong tanong" excited na banggit ni ketty.
"May nagugustuhan kana ba?" Nakaabang kaming tatlo sa isasagot ni ven.
Antagal nya magisip, parang di pa sya sure kung sasabihin nya ba o hinde.
"Ahmm oo" sagot nya makalipas ang ilang minutong pag aantay namin.
"Woah sino yan?" Excited na sabi ni ketty.
"Another question yan eh, tara na nood na tayo ulit movie" pagiwas nya sa tanong ni ketty. Pano kaya kung yung nagugustuhan nya nayon ay si hairee? Pano na yung puso ko? Baka madurog toh pero wala pa namang binabanggit na name kaya dapat stay positive.
...
Habang nanonood kami ng movie ay di mawala sa isip ko kung sino nagugustuhan nya kaya ang ending wala akong naintindihan sa movie.
Nakauwi nako't lahat di padin talaga mawala sa isip ko kung sino yung nagugustuhan nya hays.
End of chapter 31

BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Novela JuvenilMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...