CHAPTER 23

15 2 0
                                    

Chapter 23: Birthday

Ara's POV

"SURPRISE!!!!!!!!" ...

"Huy ano na, tititigan mo nalang kami dito?" Sabi ni bhex na nakapagbalik sakin sa realidad. Nandito na pala sila sa harap ko. Natulala pa ako ng ilan pang segundo kase diko pa maproseso talaga sa utak ko ang mga kaganapan sa harapan ko ngayon.

Bakit sila nandito? Akala ko ba hindi pupunta si Ven at Ketty?

"B-bakit kayo nandito?" Nalilito kong tanong

"Bakit ayaw mo bang nandito kami? Nako nako ayaw yata na nandito tayo eh, tara na nga uwi na tayo" pabiro nyang aya kila kyle at ven.

"Hindi naman sa ganon, nashookt kase ako na nandito kayo." Pagpapaliwanag ko.

"Teka nga bakit parang umiyak kana bago itong surprise namin? Nakaramdam ba yang mata mo at advance lumuha, sumaya agad eh wala pang surprise ganon?" Pagpansin ni kyle sa mata ko haysss namamaga pa siguro.

"Nako umiyak yan kanina sa kotse" napaigtad ako bigla.

"Ay ako umiyak sa kotse!! Mama naman eh , nakakagulat ka eh" nandito pala si mama sa likod ko ,diko alam.

"Oh diba umamin dahil sa gulat" natatawang sabi ni mama. Nagtawanan naman sila tapos ako nahihiya na dito.

"Kase nga nagtext daw si Ven na hindi makakapunta, buti hindi ko nasabi na makakapunta talaga kayo. Mukang kawawa yan kanina kung nakita nyo lang" jusko si mama nasabi na ang di dapat haysss.

"Bakit nung ako yung di makakapunta hindi ka umiyak? Nakakatampo ah" kunwaring nagtatampo na sabi nya, naka pout pa ang lukaret.

Lumapit ako sakanya ng konti pa tyaka ko hinawakan balikat nya.

"Wag ka na magtampo, kaya lang naman di kita iniyakan kase andito ka naman last year diba" nakangiti kong paliwanag sakanya.

"Naku Ven ang swerte mo at napaiyak mo yang si insan, madalang umiyak yan eh" singit naman ni kyle.

"Sige insan asar pa. Tara na nga kumain muna tayo" aya ko nalang, baka kung san pa mapunta usapan. Mahirap na alam nyo naman.

"Sige na magbihis ka muna, antayin ka nalang namin sa baba" sabi ni mama.

Isasara ko na sana yung pinto pero nagpaiwan pa pala si ven.

"Sorry kung napaiyak kita ha, need sa surprise eh. Pakana talaga ni ketty yon" nakangiti sya at ang gwapo gwapo nya sa ngiti nayon.

"Okay lang yon noh, andito naman na kayo tyaka alangan naman na sabihin nyo sakin na may surprise edi hindi na surprise yon" natawa sya dahil sa sinabi ko.

"Oo nga naman hahaha, saba nagustuhan mo surprise namin kahit mas naiyak ka sa text ko kesa sa surprise. Magbihis kana antayin ka namin sa baba. Happy birthday Ara babe" ano bayan pwede namang happy birthday nalang bakit may kadugtong pang babe, alam kong biro nya lang yon saka laging ganon tawag nya sakin pero sige na aamin nako kinikilig ako.

"Sige sige thank you, una kana don" sabay sundot ko sa tagiliran nya at nakiliti sya ng konti dahil don.

"Bye" sabay gulo ng buhok ko. Ayun nanaman yung gesture nayon, masyadong nakakafall ah. Hay nako makapagbibis na nga.

"Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay agad kong pinagmasdan yung set up ng surprise nila. Ang ganda ng pagkakaset up. Sa tapat ng kama ko naka set up yung surprise.

Sa kisame may nakadikit ba mga lobo na kulay black at violet tapos may tali na hindi ko alam ang tawag, sa tali may mga nakasabit na pictures. May picture naming apat tapos may mga picture din ako nung bata at paniguradong kay mama nila hiningi yung kopya nun. Sa may taas naman ng headboard ng kama may nakasabit na happy birthday na napapalibutan din ng pictures tapos sa mismong headboard may christmas light na white.

"Sobrang ganda, dito palang sa set up masaya nako at syempre lalo na mamaya kapag nagsama sama kami magdamag.

"Kaya mahal ba mahal ko yung mga yun eh, full of surprises sila eh. I really appreciate their efforts. Hay nako makapagbihis na nga para makakain na din kami" sabi ko nalang sa sarili ko.

End of chapter 23

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon