CHAPTER 8

63 4 0
                                    

Chapter 8: the date of friends

Ven's POV

Umaga palang tinext ko na si kyle na mauna sila at ihatid nalang si ketty sa bahay, nung una tumanggi pa nga dahil daw baka magbangayan lang sila pero napapayag ko den basta daw ingatan ko pinsan nya.

Mahal na mahal nya talaga si Ara tapos baka sa susunod si ketty na... joke lang.

Andito na kami ni ara sa mcdo at kakapasok palang namin.

"Ara, hanap ka na upuan para sating dalawa" sabi ko sakanya.

"Pano yung order ko?" Tanong nya.

"Ako na bahala don" alam ko na kasi gusto neto.

"Sige ikaw na bahala" sagot nya.

Tumalikod na sya at nag hanap ng upuan, ako naman nag punta sa pag oorderan.
_____

Pagkatapos ko umorder pinuntahan ko na si ara.

"Ano inorder mo sakin?" Tanong nya.

"Secret walang clue" sabi ko ng patawa tawa.

"Ano nga ven??" Pangungulit nya.

"Secret nga, antayin mo nalang pero sana magustuhan mo" sabi ko para matapos na...

"Ayan na pala eh" sabi nya habang nakatingin don sa magseserve.

Binaba na ni kuyang nagseserve yung tray at isa isang binaba yung mga order ko.

"Salamat po" pagpapasalamat ko kay kuya sa pagdadala.

"Uy ven pano mo alam na ito gusto kong orderin?" Nakangiting sabi nya.

"Secret ko na yon basta kainin mo nalang ha, pakabusog ka" natutuwa kong sabi sakanya.

"Muka kang secret hmmpp" pabirong sabi nya.

_______

Ara's POV

Parang mas gumwapo si ven sa paningin ko..... aishhhh hindeeee wahhhhhh hindeee totoo yon... stop thinking that ara mae!!

Haysss, nga pala nakakatuwa naman at nakuha ni ven yung gusto ko.

"Ara sorry nga pala kasi netong mga nakaraan di ako nakakasama sainyo ha" paawa effects pa toh.

"Sabi ko naman okay na diba" sabi ko sakanya ng puno ng pagkain bibig ko with onting smile.

"Basta treat ko toh at peace offering ko na din sayo dahil don." Sabi nya sakin.

"Oo na kumain ka muna ha gutom tayo parehas" sabi ko. "Ay wala palang tayo" bulong ko sa sarili ko.

"Ha??? Ano yon?? Yung last na sinabe mo?" Tanong nya na nagtataka.

"Sarap kako neto , kain ka na dyan" sabi ko nalang.

Ang inorder ni ven para sakin ay fries, sundae, spaghetti , chicken with rice and burger. Oh diba sanaol may panlibre. Pero happy ako kase alam nya yung mga gusto ko at sobra pa nga eh.

Masarap kaya isawsaw yung fries sa sundae, as in sobrang sarap.

"Ven samahan moko sa mall mamaya saglit ah" pagbibigay alam ko sakanya baka mabigla dun pala kami dederetso mamaya.

"Sige sige , ano bibilin mo?" Tanong nya.

"Titingin lang books baka may magustuhan ako eh" sabi ko.

Mahilig kase ako sa books at wattpad books yon. Meron akong iilang books sa bahay at syempre iilan lang yon kase onti lang budget na natitira para don kaya umaasa sa wattpad app sa cellphone.

"Sige samahan kita, hulaan ko wattpad books yon noh" di paba obvious??

"Malamang wattpad yon, yun lang naman binabasa ko pwera kung may pabasang ibang books teacher namin." Natatawang sabi ko.

"Oo na sasamahan na nga eh" sabi nya ng tumatawa.

_________

Andito na kami sa mall ngayon at entrance palang diko na nagustuhan nakita ko.

Dapat pala di na ko nag aya dito. Panira ng araw. Bwiset naman oh psh...

"Oww you're here" banggit ni...

End of chapter 8

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon