Sana magustuhan nyo po.... support naman dyan💜
Chapter 1: skirt
Ara's POV
"Ayoko nga kase bhex ehh!!" Sabi ko kay bhex ketty (yung bhex ay bess ang pronounce)
"Sige na kase bhex, para naman sa performance natin eh" kanina pa nya kase ako pinipilit mag skirt para sa sayaw namen para daw parehas kaming dalawa.
"A.YO.KO NGA KA.SE!!!" Kanina pa nya kase ako pinipilit eh sa ayaw ko nga. Nasosora nako eh haysss...
"Sige na pls. Bhex dali na minsan lang eh please please" aba at nagkunwari pang umiiyak
"Sige na, sige na kawawa ka naman eh diba!! Pag talaga ako pinagtawanan nung mga loko lokong espren ko nakoooooo langgg talaga" sabi ko sakanya.
"Yeheyyyy aylabyu beri beri much na talaga bhex ko!!yiiieee di nya ko matiis"sabi nya habang kinikilig at aba humalik pa sa pisnge... ewwww whahaha chareng lang bhex ko yan eh
Ayyyy nga pala....KETTY IESHA DIQUEZ sya ang bhex ko since birth ata kaseeeee magkaibigan ang mga magulang namen, baliw sya minsan pero kapag nakausap mo ng seryoso baka hilingin mo nalang na bumalik sya sa pagkabaliw, always ko sya kasama sa lahat kaya lab na lab ko yan kahit hindi halata... nandyan sya lagi para saken, lakas ng tama nyan eh pero pag dating sa gwapong lalaki aba aba ang bruha nananahimik at kinikimkim ang kilig para bang nagiging mahinhin whahaha...and syempre since bestfriend ko yan parehas kaming single duhhhhh
After ko magbihis ng skirt kuno ni bhex ay lumabas na kame para magpunta sa gymnasium
"oy bhex sila yon diba?" Bulong ni bhex sa tabi ko, "huh??" diko naintindihan pinagsasabi nya whaha, iniisip ko kasi itsura ko sa skirt natoh naku talaga paniguradong pagtatawanan ako nung dalawang bonak
"sila ven at kyle kako ayun oh nakaupo sa uupuan natin" with panguso nguso pa.... halllaaaa ayan na nga ba sinasabi ko eh baka makita ako netong dalawang reh, ay malamang ara dito din nag aaral yang mga yan eh, ano? Lutang lang??? Whahaha.....
Ayan na, ayan na ,(isa pa ulet) ayan na, nakalapit na kame haysss,,,
3.....
2.....
1.....
"Wazzup eberibadi" lukreng talaga tong babaeng reh tinawag pa, kitang nahihiya ako(waaoooo kaylan ka nahiya sa mga yan? Ara mae lee!??)
Ayan na po sila... palingon na...sabay talaga silang lumingon ahhh at sakin talaga tingin agad at aba pinasadahan pako ng tingin mula ulo hanggang paa??
"Ooowwwww" sabay pa talaga sila ah "WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" aba talagang tinawanan ako???
"Heyy ara??? Is that really you? WOW!! Just wow!! Ikaw yan?? Naka skirt?? Whahaha" sabi ni ven, short for venson....
" Grabe naman ven?? Alam ko namang di kayo sanay na nakaganito ako, ehhh kahit naman ayaw ko eh pipilitin at pipilitin ako netong lukaret na reh" patungkol ko kay bhex.
"Aba wala bang magthank you sa bestfriend na nakapagpasuot ng skirt kay ara for the first time?? Ngayon lang yan noh... pasalamat na kayo saken kase kung di dahil sakin di nyo makikitang naka skirt yan pano laging nakapantalon or shorts parang tomboy" natawa nalang ako sa pinagsasabe ni bhex
"hoy KETTY wag mo ngang inookray yang pinsan ko, ang ganda-gandang dilag nyan eh tapos sasabihan mong tomboy!?" Sabi ni kyle kay bhex
" FYI lang naman SKYLET, bestfriend ko yang si ara kaya ayos lang yan sakanya hmmmppp!!!" Parang naiiritang sabi ni bhex kay kyle pero sa loob loob nyan kinikilig yan whahaha alam na yon syempre gwaping ang pinsan ko eh
"Tigil nyo na nga yan, baka magkatuluyan kayo nyan sige" bati ni ven sakanila
Ayyyy nakalimutan ko nga pala... introduce natin yung dalawang loko, si SKYLET KHATE LEE, kung nagtataka ka kung bakit kame magkaapilido? Pinsan ko sya sa side ng papa ko, kami lang pede tumawag sakanya ng kyle kase nga close whaha pero sky dapat tawag mo sakanya kapag di ka nya kaclose dahil baka machombag ka ng di oras gwapo sya syempre lahi namin yon eh whahaha,mabait yan at 2 in 1 ko "pinsan na, bestfriend pa" oh diba, dabest yan,grabe pakabait ,lagi pang nanlilibre whahaha, at nakasundo ko sya kase magkagrade kame parehas kame grade 9 di nga lang magkaklase kase section 1 ako, section 2 sya sakanya ko din nakilala isa ko pang boy bestfriend na si...
VENSON MIGUEL GIMENO, ven for short pero usually migs talaga eh natripan namen kaya ven kapag kami tatawag lagi syang kasama ng pinsan ko kaya ayon nakasundo ko den whaha loko loko den eh mabait naman whaha gwapo den.... single like me basta kaming apat puro single
Pagkatapos patigilin ni ven yung dalawa ,parehas ba naman mamula saka sabay nanahimik whahaha
______
Natapos na namin performance namin sa mapeh, ang dami kaseng alam ng mga teacher eh whaha nakapag skirt tuloy ako ng di oras so ayon, successful naman ayaw nga lang nila ako tigilan tungkol don sa skirt kuno na yon...
nakauwi na kami't lahat lahat hanggang chat umabot yung pang aasar haysss...
nag off na ko dahil tinawag nako dahil kakain na kaya nagpaalam nako sa chat tapos pagkatapos kumain napagdesisyunan ko na matulog na dahil may pasok pa bukas, syempre pray muna bago matulog. Mga ilang minuto pagkatapos ko magdasal saka lang ako nakatulog.
End of chapter 1
____Hi aizel120405 😘
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...