Chapter 2

13K 292 16
                                    

Ginabi na si Lucian sa isang meeting with a client. Isa siyang architect, at may kumuha sa kanya na isang Japanese national na gustong magpatayo ng isang resort sa province ng Zambales. Ginabi na sila sa meeting pero wala pa silang naclose na deal kaya minabuti nilang magmeeting na lang muli kinabukasan.

Nagdidrive na siya pabalik sa inupahang villa sa isang kilalang resort sa lugar. Binabagtas na niya ang madilim na parte ng kalsada, medyo secluded ang lugar, mapuno at may burol pa ang paligid, may namataan pa siya kanina na isang simbahan sa itaas ng burol. Pinili niya ang resort na ito dahil sa privacy, dahil tanging mga members lang ang pwedeng makapasok sa loob, kaya hindi masyadong crowded ang resort. Blessing para sa kanya ang meeting na ito, because he needed some time to think at gusto niya munang takasan ang mga isipin niya sa Manila.

Binabagtas na ni Lucian ang pataas na daan patungong resort, madilim na ang paligid, but he can recall sa nakita niya kaninang umaga, na ang parteng iyun ng daan ay mabulaklak na bahagi. Napatingin siya sa itaas at namataan niya ang mga thunderclouds sa kalangitan. At maya-maya pa'y narinig na niya ang matatalim na kidlat at malalakas na kulog. At nang may bigla siyang namataan na kulay puti sa gilid ng kalsada. Nalagpasan na niya ito, pero napansin niya ang nakaupong nakaputi ay bigla siyang nagpreno. Alam niyang di siya nagkakamali, isang babae ito na nakasuot ng dress na puti.

Agad na lumabas ng sasakyan si Lucian, lumingon siya at siniguradong hindi isang aparisyon ang nakita. At hindi nga siya nagkamali, nandun pa rin ang babaeng nakaputi. Naglakad siya pabalik para lapitan ito, di niya naisip ang panganib na baka modus lang ito ng masasamang loob sa mga dumaraang sasakyan para huminto ang mga ito, saka manghohold-up. Mas inisip niya na baka kailangan ng tulong ng babae. Paglapit niya rito nakita niyang nakaupo ito sa damuhan at mga bulaklak, yakap nito ang dalawa nitong binti at nakapatong ang noo nito sa tuhod. kung hindi siya nagkakamali nakasuot ito ng wedding gown, ang naisip ni Lucian.

"Miss are you okay? do you need some help?" ang nag-aalalang tanong ni Lucian at hinawakan pa niya ang babae sa balikat.

Napatingala si Delphine dahil sa boses na tumawag sa kanya. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa harapan at nakayuko sa kanya, halata sa boses nito ang pag-aalala. At sino bang hindi nag-aalala sa kanya, kanina pa siya tinatawagan ng ina at mga kaibigan, ilang oras na kasi siyang nawala at naglakad paakyat ng burol. Doon siya naupo ng matagal at umiyak nang umiyak. Sinagot naman niya ang mga tawag sa kanya, sinabi niya sa mga ito na gusto lang talaga niyang mapag-isa, at siya's babalik din sa bahay. Di na niya namalayan ang oras at inabot na siya ng dilim, and she was physically and emotionally drained, kaya naupo na lang siya sa tabi ng madilim na kalsada.

"Miss are you okay? kailangan mo ba ng medical help?" muling alalang tanong ni Lucian sa babaeng tiningnan lang siya.

"No, kailangan ko lang tumayo at maglakad muli" ang mahinang sagot ni Delphine. "Here let me help you" ang offer ni Lucian at nilapitan niya ang babae para tulungan itong makatayo. Hinawakan niya ito sa isang braso at hinila paitaas, "naaksidente ka ba?".

Delphine shook her head,while she holdon to his shoulders, nanlalambot na siya, ang kanyang mga binti ay para ng mga jelly, mabuti na lang at hawak siya ng lalaki. "Kinailangan ko lang munang mapag-isa at makapag-isip". Nakuha agad ni Lucian ang ibig sabihin ng babae, muli niyang tiningnan ang marumi nitong wedding gown. It's either tinakbuhan niya ang groom or di siya sinipot nito, ang sabi ni Lucian sa sarili. Nakaramdam si Lucian ng kirot sa kanyang puso para rito, di niya alam kung awa o lungkot lang ang nadama niya para sa babae. Inalalayan niya ito patungo sa kanyang kotse, "ihahatid na kita sa inyo" ang sabi ni Lucian at pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Delphine, na umiling. "No ayoko pa munang umuwi, pwede ka ng umalis at iwan mo na ako rito" ang mariing sagot ni Delphine.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon