Inihatid si Delphine ng gwardiya ng village sa address na kanyang ipinakita. Bago nun, tinawagan muna ng guard ang home owner para alamin kung kilala siya ng mga ito. Nang maconfirm kung sino siya, ay binigyan na ito ng go signal at inihatid pa siya ng gwardiya, Di niya alam kung SOP ito, o gusto lang siyang ihatid nito at kilalanin, ang sabi ni Delphine sa sarili, dahil sa para itong detective na iniinterview siya habang naglalakad sila papunta sa bahay ng kanyang magiging employer, pati na nga phone number niya ay inaalam na nito. Magalang naman na tinanggihan ni Delphine ang kahilingan ng guard na sagutin ang mga personal na tanong nito. Napakamot na lang ang gwardiya ng ulo, at nagpaalam naman ito ng maayos nang maihatid na siya sa harapan ng isang malaking two storey house. Nagpasalamat naman si Delphine rito bago ito umalis. Huminga muna ng malalim si Delphine bago pinindot ang doorbell, at di nagtagal ay pinagbuksan siya agad ng gate ng isang matandang babae. Magiliw na binati si Delphine nito kaya naman masayang bumati rin si Delphine.
"Mukhang mabait ang makakasama ko sa bahay na ito" ang sabi ni Delphine sa sarili. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay inihatid siya nito sa isang kwarto, mukhang office ito, ang sabi ni Delphine sa sarili nang mapansin niya ang ayos sa loob ng kwarto. Pero napansin niyang masculine ang ayos sa loob, malayo sa maganda at sopistikadang babae na nag interview sa kanya.
"Dito ka muna pinadiretso sa office at gusto ka munang kausapin, ipaghahanda rin kita ng meryenda, siya nga pala naayos ko na rin ang magiging kwarto mo, ibinilin sakin ni ma'am Loisa" ang sabi ni manang Tina.
"Salamat po, ah nanay?" sagot ni Delphine.
"Ako si manang Tina, yun ang tawag nila sa akin dito" pagpapakilala nito kay Delphine.
"Natutuwa po akong makilala kayo manang Tina, ako po si Delphine" sagot ni Delphine sabay abot ng kamay para makipagshakehands. Nagpaalam na itong lumabas, napangiti naman si Delphine sa sarili, naisip niyang mukhang madali niyang makakapalagayan ng loob ang matandang babae, because she reminded her of her mother.
Ilang minuto pa ang nagtagal nang biglang nakaramdam ng kaba si Delphine. Di niya alam kung bakit, ni minsan ay di siya kinabahan sa isang interview, but this time she felt uneasy, parang may mangyayaring -
Naputol ang pag - iisip ni Delphine nang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob ang isang matangkad na lalaki, he neither looked nor glanced at her, lumapit ito sa malapad na office table at binuksan ang desk drawer at may inilabas itong folder mula sa loob. He looked familiar, Delphine thought, nang bigla siyang napatayo, no hindi siya pwedeng magkamali. Ang height nitong almost 6'2, those broad and powerful shoulders where she put her legs -
Sakto namang tumingin na rin sa kanya ang lalaki at natigilan rin ito ng makita siya. No this can't be, Delphine thought, ang lalaking naging laman ng kanyang isipan sa loob ng isang buwan ay kaharap niyang muli. Napanganga lang si Delphine at napahawak ng mahigpit sa kanyang luggage, para bang gusto niyang tumakbo palabas ng kwarto o kaya'y lamunin na lang siya ng lupa.
Natigilan si Lucian, ang babaeng gumugulo ng kanyang isipan ay nasa harapan niya, di ba siya nananaginip lang muli? Gusto niyang sampalin ang sarili, para alamin kung panaginip lang ito, he was about to walk towards her, nang bigla niyang naalala si Loisa at ang dahilan ng pagbabalik nito. Hindi kaya?
"What are you doing here? Akala ko ba no contact whatsoever?" ang galit na tanong ni Lucian kay Delphine na natulala, di nito expected ang galit na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Stay for a While....FOREVER (completed) © Cacai1981
Storie d'amore(for mature readers only! 18+) "You're desirable" ang bulong ni Lucian, who felt desire with the woman in front of him. "Then make love to me" sagot ni Delphine, "no promises,no obligations, no commitments, no contact whatsoever, we don't even have...