Epilogue

12.5K 382 99
                                    

Delphine woke up, tiningnan niya ang oras, it was already five in the morning.
Tiningnan niya ang natutulog sa kanyang tabi, at hindi niya napigilan ang hindi mapangiti.
Tulog na tulog si Lucian, nakadapa ito at nakaunan sa mga braso.
Dahil sa nakasanayan na niyang gumising ng maaga, dahan-dahan siyang tumayo at nagsuot ng robe. Itinali niya ang kanyang buhok. Pagkatapos ay naglakad siya palabas ng kwarto at nagpunta siya sa labas ng villa. Batid niyang magandang pagmasdan ang sunrise mula sa harapan ng rest house na tanaw ang beach at ang pagpapakita ng haring araw mula sa kalawakan ng karagatan.
May kalamigan ang hangin kaya napakapit pa ng husto si Delphine sa suot na robe. Kinuha niya ang nakatupi na towel mula sa isang hamper sa tabi ng lounger, at ibinalabal niya ito sa kanyang balikat.
She inhaled deeply, habang nakatanaw sa kalawakan ng karagatan, madilim pa at medyo maulap ang kalangitan. Hindi pa nagpapakita ang araw.
Muling sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanya, nitong mga nakalipas na buwan, pagkatapos siyang makita ni Lucian.
Isang mahinang tawa ang lumabas sa mga labi ni Delphine ng maalala ang reaksyon ni Lucian nang manganganak na siya. Noon lang niya nakita si Lucian na namutla, kinabahan, at nataranta. Naalala pa niya ng isakay siya nito sa kotse, na dahil sa taranta nito ay di maisuot nito ang susi ng kotse sa keyhole, para mapaandar ang engine.

"Lucian! Lucian!" ang paulit - ulit na tawag niya noon kay Lucian to get his attention.
Saka lang niya nakuha ang atensyon nito nang hawakan niya ang braso nito at bigla itong lumingon sa kanya.
"W-what?" ang nautal nitong sagot sa kanya.
"Ang diaper bag, nakalimutan natin sa bahay, binuhat mo kasi ako agad" ang kalmado at malumanay na sabi ni Delphine.
Lucian nodded, "sige akin na ang susi at kukunin ko" ang sagot ni Lucian na namumutala pa rin.
Delphine sighed, "hindi natin nailock ang bahay, bukas pa iyun, now listen to me okey? Ako na lang sana ang kukuha pero, hindi ko na kaya because I'm having the cramps already, so ikaw ang kukuha, nasa tabi ng pinto ang overnight bag ko katabi ng diaper bag para kay baby. Ang susi ng bahay iniwan mo sa may lamesa sa tabi rin ng pintuan. Pwede mo bang kunin at bags at ilock ang bahay para sa akin? Para makapunta na tayo sa hospital?" ang sabi ni Delphine kay Lucian.
Mukha namang natauhan na si Lucian, tumangu-tango ito at mabilis na lumabas ng kotse at patakbong bumalik ng bahay ni Delphine. Ilang sandali pa nga ay bumalik na ito dala ang dalawang bag niya.
" Lucian, I needed you to calm down, baka hindi tayo umabot sa hospital kung matataranta ka okey? Drive carefully, diyan sa malapit na hospital mo ako dalhin at nandiyan ang OB ko" ang kalmadong utos ni Delphine.
Mukha namang bumalik na sa normal si Lucian at hindi na rin ito namumutla. Tumangu-tango ito bago marahan na pinaandar ang sasakyan.
At pagkatapos ng kanyang 5 hours na labor ay nailabas niya ang kanilang baby, na pinangalanan nilang Lucho at isinunod na ito ni Lucian sa kanyang apelyido na Gardner.
At pagkalabas nga niya ng hospital ay sa bahay na ni Lucian sila ng baby nila dumiretso. Sumunod naman sa Maynila ang sina Shelly ay nanay niya nang ibalita nila na nanganak na nga siya. At mula noon ay sa bahay na rin tumira ang nanay ni Delphine.
At three months after niyang manganak ay ikinasal na sila ni Lucian kasabay na rin ng binyag ni Lucho. Isang simple at private ang ceremony kakaunti lang ang imbitado at mga ka close lang talaga ng pamilya of course hindi nawala si Mark, na para kay Lucian ay malaki ang utang na loob niya rito dahil kung hindi niya ito nakita, hindi siya matutunton ni Lucian.
She refused to wear a wedding gown at isang simpleng puting dress lang ang isinuot niya, at hindi na rin siya nagsuot pa ng belo.
At kahit pa ayaw nilang maghoneymoon ay ipinagtabuyan sila ni Shelly. Hindi nga sila makapaniwala na si Shelly pa ang nagpapaalis sa kanila. Kay wala na silang nagawa kundi ang iwan si Lucho sa pag-aaruga nina nanay at Shelly na mahal na mahal ang kapatid at halos ayaw na mawala sa paningin at tabi niya ang kapatid.

Kaya heto sila ngayon ni Lucian, sa kanilang paboritong lugar, sa villa sa Zambales. Lucian talked to the management na gawin ng exclusive para sa kanila ang villa na iyun, at hindi na paupahan pa sa iba. Napaka espesyal kasi ng lugar na ito para sa kanilang dalawa.
Napabuntong-hininga si Delphine, at maya-maya pa ay natatanaw na niya ang liwanag mula sa karagatan, papasikat na ang haring-araw.

"What are you doing here?" ang malambing na tanong ni Lucian, na naupo sa kanyang likuran at niyakap siya nito.
"Hmm, I'm watching the sunrise" ang mahinang sagot ni Delphine at sumandal siya sa malapad na dibdib ni Lucian.
"I was scared nang di kita nakita sa tabi ko, akala ko tumakas ka na naman" ang bulong ni Lucian sa kanyang tenga.
Nakiliti naman si Delphine, lalo na ng marahan nitong kagat-kagatin ang kanyang tenga.
"Bakit naman ako tatakas? Ngayon pa ba na sobrang saya ko?" ang patanong na sagot ni Delphine.
"Aba malay ko, may pagka fugitive mind ka" ang biro ni Lucian, at marahan natawa ito.
Siniko naman niya sa tiyan si Lucian, kaya lalo itong tumawa.
"Talagang masaya ka?" ang tanong ni Lucian.
"Sobra, I never thought na magiging masaya pa ako, since umalis ako sa bahay mo noon" ang sagot ni Delphine na nakasandal sa dibdib ni Lucian. At hinalikan niya ang leeg ni Lucian.
"Ako rin, I never thought that I would be the luckiest and happiest man in the world, not until I found you again, and now, when you're officially mine" ang bulong ni Lucian habang nakayuko ito sa kanya. At hinalikan siya nito sa mga labi.
"I think I made the right decision that day, na tumakbo ng simbahan at maglakad ng mag-isa kundi, hindi kita nakilala" ang sabi ni Delphine.
"I'm glad na tumigil ako nang makita kita sa tabi ng kalsada, kundi, hindi rin kita makikilala" ang sagot ni Lucian.
"I love you Lucian Gardner" ang bulong ni Delphine sa mga labi ni Lucian habang nakayuko ito sa kanya.
"I love you most Delphine Gardner" ang bulong din ni Lucian sa mga labi ni Delphine bago naglapat ang kanilang mga labi to seal their promise of love to each other, that would last till lifetime.

The End

"Sometimes, we have to throw away all the inhibitions, and believe that everything will work out...stop regretting about the past, and don't be anxious of the future, but embrace the present that is gifted to you...and start believing and trusting of what your heart tells you."

                                                                                                                                                     -CACAI1981


Inspired by the song
All I wanna do (is making love to you) by Heart

Thank you for reading!

Please turned to next page for a teaser of "Till Another Dawn"

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon