Di namalayan ni Delphine na nakatulog na siya sa sobrang pag -iyak, nagising siya dahil sa tunog ng ring ng kanyang cellphone. Pagod man dahil emotionally drained na siya ay dinampot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Nakita niya sa screen ang caller, si Lucian. Nakita rin niyang ten na ng gabi. No, she can’t talk to him right now, she thought. Di niya alam kung anong sasabihin niya rito, but alam na ni Delphine na magpapaliwanag si Lucian sa kanya tungkol sa sinabi ni Loisa. She’s so tired to even listen, kaya hinayaan na lang niyang maubos ang ring ng tawag nito.
Then after five minutes nag ring na naman ang kanyang phone, Delphine sighed and looked at the screen, it was from unknown number, di niya alam kung sasagutin ba niya ang tawag pero naisip niya ang kanyang nanay, kaya sinagot niya ito.
“Hello?” ang mahinang sagot ni Delphine.
“Delphine? Hi it’s me Mark” ang sagot nito sa kabilang linya.
Delphine sighed with relief, “Mark, how did you, oh I know Monique” ang sabi ni Delphine, mukhang gusto talaga silang paglapiting muli ng dati niyang best friend.
“I’m sorry I know it was late, gusto ko lang kasi marinig ang boses mo bago ako matulog” ang sagot ni Mark.
Suminghot si Delphine, “yah tulog na rin kasi ako” ang sagot niya kay Mark.
“Umiiyak ka ba?” ang alalang tanong sa kanya ni Mark.
“Hindi sinipon lang ako, dahil siguro sa nasobrahan ako ng swimming” pagsisinungaling ni Delphine.
“Ikaw pa e sanay na sanay ka sa beach” ang di makapaniwalang sagot ni Mark. Di na sumagot si Delphine at napabuntong hininga na lang, “Delphine hindi mo man ako nobyo ngayon pero sana tratuhin mo ulit ako na kaibigan, kung may problema ka wag kang mahiyang magsabi sa akin, tulad ng dati”.
“Wala talaga ito Mark, sinipon lang talaga ako, pwede ba bukas na lang tayo mag -usap, pagod na talaga ako” ang sagot ni Delphine.
“Okey tatawag ako ulit bukas” ang huling sabi ni Mark before he hang up the phone. Then may text na pumasok sa kanyang phone, galing kay Lucian, binasa niya ito.
“I’ve been calling you but you didn’t answer then your line got busy, I wanted to talk to you please” ang sabi sa text ni Lucian. Delphine shook her head then she turned off her phone, and she curled up in a fetal position while she held a hand on her tummy.
Morning came, Delphine looked at herself in the mirror, her eyes were still puffy and her nose were still red. She breathed deeply. Another day, another fake face, she thought. Well para kay Loisa, pero kahit kailan ay di niya mapepeke ang pagmamahal niya kay Shelly. Mabilis siyang nagshower at pagkatapos tulad ng nakagawian, nagpunta na siya sa kwarto ni Shelly, pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang madatnan sa loob si Loisa. Katatapos lang ni Shelly magshower at inaayusan na siya ni Loisa.
“Hi!” ang masayang bati sa kanya ni Loisa, hindi niya alam kung masaya ba talaga ito nang makita siya.
“Good morning!” ang bati niya sa dalawa, “ako na po ang gagawa niyan ma’am Loisa”
“I told you to just call me Loisa, tutal mukhang Lucian din lang naman ang tawag mo kay Lucian at hindi sir” ang sagot ni Loisa “at ngayong nagbalik na ako, ako na ang mag-aasikaso kay Shelly, all you have to do is to teach her with her lessons, and siguro sasama na rin ako sa mga lessons mo para alam ko na rin kung paano mo turuan si Shelly” ang sagot ni Loisa.
Delphine only nodded on her, at lalabas na sana siya ng kwarto ng pigilan siya ni Loisa, “and Delphine” she called her, and she turned to face her, “I don’t want another incident just like last night” ang mariing sabi sa kanya ni Loisa, na alam ni Delphine na ang tinutukoy nito ay ang akala nitong pagsusumbong niya kay Lucian.
“Ma’am” Delphine sighed, “Loisa, wala akong nabanggit na kahit ano kay Lucian, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na iyun” ang sagot ni Delphine, di na ba matatapos ang confrontation sa kanilang dalawa? She thought.
“Well siguro dahil sa hitsura mo, will you lighten up?” ang mataray na sagot sa kanya ni Loisa, “if you’re so stressed with your work bakit di ka muna mag day-off? Magshopping ka to unwind” she told her.
Naisip ni Delphine na maganda nga iyung idea, at least makahinga muna siya sa drama niya sa buhay at sa bahay na ito.
Ngumiti siya kay Loisa, “mukhang magandang idea yun, siguro pwede mamaya pagkatapos ng lessons namin ni Shelly” ang sagot ni Delphine.
“Of course” Loisa looked at her “you should buy some new clothes, mukhang masikip na sa iyo yang mga damit mo, you gained some weight since the last time I saw you”.
Namula ang pisngi ni Delphine, halata na ba ang tiyan niya, ilang buwan na ba ito, kailangan na niyang makapunta sa OB, she thought.
They started their lessons early that morning, di na rin nagkita sina Lucian at Delphine dahil sa busy ito at maraming engagements since kinansela niya ang mga ito noong nakaraang araw, nang magpunta sila ng Zambales.
At tulad nga ng sinabi ni Loisa, nasa loob din ito ng classroom at nakikinig sa kanilang lessons, mukhang interisado talaga itong matutunan ang paraan ng kanyang pagtuturo.
Nasa lesson na sila tungkol sa family at community, hinayaan ni Delphine na magdrawing si Shelly tungkol sa pagkakaintindi nito sa salitang family.
Maya-maya ay lumapit si Shelly sa kanyang mommy at ipinakita nito ang hawak na bond paper na may drawing.
“Wow Shelly that’s beautiful” ang masayang sabi ni Loisa sabay yakap sa anak, “is this me?” Ang tanong nito sa anak.
Shelly nodded and answered, “yes” at itinuro pa nito ang ibang tao na kanyang iginuhit. “Dhadi, Shel-i, mha -mi” ang sambit ni Shelly.
And it struck Delphine, parang sampal sa kanyang mukha na natauhan siya sa realidad. It has always been, Lucian, Shelly, at Loisa. Kailanman ay hindi ito magiging Lucian, Shelly, at Delphine. Hindi siya kasama sa family, hindi siya kasama sa litrato. Isa lamang siyang kasama sa bahay na pilit na nakikisawsaw sa kanilang buhay. She thought. Her throat hurts with emotion, na kanyang pinigilan.
Lumapit sa kanya si Shelly at ipinakita ang drawing nito sa kanya, Delphine looked at the drawing, nakalagay doon ang daddy at mommy niya at si Shelly ang nasa gitna, nakapaloob silang tatlo sa isang malaking puso. Shelly was smiling widely at her. Delphine held back her tears, she looked at Shelly. Si Shelly ang pader sa kanila ni Lucian na kailanman ay di niya kayang kaharapin at wala siyang balak na basagin.
She tried to smile at her, “Shelly ang ganda ng drawing mo, okey, sabihin mo sa akin through sign kung sinu-sino ang nasa larawan. Ang sabi niya kay Shelly, at agad namang tumalima ito.
“Okey sabihin mo naman sa akin kung sinu -sino ang mga nasa larawang ito” ang sunod na sabi ni Delphine.
“Dhadi, Shel-i, Mhami” ang sambit nito. “Dhadi lab Mhami” ang mabagal na sambit ni Shelly.
“Wow ang galing naman ng anak ko! I’m going to call your daddy to tell him okay?” ang sabi ni Loisa sa anak. At lumabas ito ng kwarto.
“Akin na ang drawing mo Shelly, lalagyan natin ng ten stars” ang sabi ni Delphine na pilit na pinasaya ang kanyang boses.
Bumalik si Shelly sa kanyang desk at ilang sandali pa ay bumalik itong muli dala ang isang bond paper na may drawing, ipinakita ito sa kanya ni Shelly. Delphine looked at the drawing, isang matandang babae, isang babae, at isang lalaki.
“Shelly sinu -sino sila?” ang tanong ni Delphine kay Shelly.
“Lllo-llla, De-phi, Mmmm”
“Mark?” ang tanong ni Delphine, and Shelly nodded for an answer. Delphine looked at the picture again, yes, this is her, and this is her reality. She thought, she smiled sadly at Shelly and hugged her tight, “I’ll miss you Shelly” she murmured on top of Shelly’s curly hair. She smelled her baby scent and kissed the top of her head.
“I love you Shelly” bulong niya.
“I-llhab -hhyu Dephi” sagot ni Shelly.
BINABASA MO ANG
Stay for a While....FOREVER (completed) © Cacai1981
Storie d'amore(for mature readers only! 18+) "You're desirable" ang bulong ni Lucian, who felt desire with the woman in front of him. "Then make love to me" sagot ni Delphine, "no promises,no obligations, no commitments, no contact whatsoever, we don't even have...