Pinagmasdan ni Delphine ang loob ng salas habang nakaupo sila sa sofa. Naalala ni Delphine ang mga masasayang ala-ala nila dito ni Monique. Dahil sa lagi siya ritong tumatambay kapag gumagawa sila ng assignments, napuno ang bahay na ito ng kanilang mga halakhak.
Pero ngayon ay parang wala na itong buhay, magulo na ang dating napakaayos na bahay. Naupo sa tabi niya si Monique na di pa rin humuhupa ang pagluha.
“Di ako makapaniwalang nakuha mo pa akong puntahan rito na hindi mo man lang ako susumbatan sa mga ginawa ko sa iyo” ang sabi ni Monique kay Delphine na lumuluha habang karga ang kanyang bagong silang na anak.
“Wala naman nang magagawa pa ang pagsumbat ko Monique, at pumunta ako rito para ayusin ang nakaraan ko, hindi para buhayin ito muli”. Ang sagot ni Delphine na pinagmasdan ang kaibigan.
“Nagsama kami ni Mark ng ilang buwan lang, pero, ikaw ang lagi niyang bukambibig, si Delphine ganito, si Delphine ganyan, hindi na namin kinaya ang araw-araw naming pag -aaway” ang sabi ni Monique sabay tingin sa mga mata ni Delphine, “ikaw pa rin ang mahal niya Delphine, nakita ko kung paano siya nagdusa ng dahil sa akin, at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sa inyong dalawa, sana magawa mo siyang patawarin at pagbigyang muli” ang sabi ni Monique.
Hindi nakasagot si Delphine, at napasulyap na lang kay Lucian na taimtim na nakikinig. Kinabahan si Lucian sa narinig niyang iyun. Paano kung suyuin siyang muli ni Mark? Limang taon ang naging relasyon nilang dalawa kumpara sa kung anong meron sila.
“Wala pa sa isip ko ngayon ang makipagrelasyon muli Monique”-
“Pero huwag mong isara ang puso mo sa kanya Delphine, ako ang may kasalanan kung bakit naging miserable ang buhay ninyong dalawa” ang naiiyak na sabi ni Monique. Biglang tumunog ang phone ni Monique. “Excuse lang ha, sagutin ko lang ito”.
“Ah, pwede ko ba siyang kargahin?” ang tanong ni Delphine kay Monique, ngumiti naman ito sa kanya at dahan-dahang inilagay ang sanggol sa kanyang mga bisig. Tinitigang maiigi ni Delphine ang baby sa kanyang mga braso. Napakaliit nito at kulay pink, ganito rin kaya kaganda ang magiging baby ko? She thought. Kakaiba ang tuwang nadarama ni Delphine, she felt elated, di na siya makapaghintay na lumabas ang baby niya.
Para namang natulala si Lucian sa imahe ni Delphine, my God she’s so beautiful, he knew he might sound stupid but he thought that Delphine was glowing, kakaiba ang hitsura nito habang karga ang baby. Then suddenly, a thought struck him, gusto niyang magkaanak kay Delphine. And now he realized how much he loves her, he wanted her to be a permanent part of his life. He has to act now, he’ll tell her.
Dumating na muli si Monique at kinuha na nito ang sanggol kay Delphine, na nangilid ang mga luha. Naisip niya, na baka maging magkatulad ang kalagayan nila ni Monique, nag -iisang kasama ang anak. Pero kaiba ng kay Monique, alam ni Mark ang tungkol sa bata, samantalang siya, ni hindi nga niya sigurado kung saan patungo ang complicated nilang relasyon.
Nagpaalam na sila kay Monique, at nangakong ibabalik nila ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Tahimik na naglalakad sina Delphine at Lucian, nang di na nakatiis pa si Lucian.
“Tungkol sa sinabi ni Monique, yung tungkol kay Mark?” ang tanong ni Lucian.
“Bakit, ano naman ang tungkol kay Mark?” ang tanong din ni Delphine.
“Kung sakali bang makipagbalikan siya sa iyo, bibigyan mo siya ng chance?” Ang mariing tanong ni Lucian na nakakunot pa ang noo.
“Hmm, hindi ko alam” ang tanging naisagot ni Delphine.
“I can’t believe na sumagi pa sa isip mo ang tungkol doon?” ang galit na tanong ni Lucian.
“You asked me? I answered truthfully” ang galit ding sagot ni Delphine.
“Pagkatapos ka niyang iwan at ipagpalit sa ibang babae, makukuha mo pa siyang balikan?!”
“Monique only pointed out na matagal din ang pinagsamahan namin” ang sagot ni Delphine.
“Oo matagal nga kayong nagkarelasyon pero ako ang nakaunang maikama ka, ano kayang masasabi niya kung malaman niyang ilang beses kang nag orgasm sa’kin” ang galit na sagot ni Lucian. At natigilan siya ng sampalin siya ni Delphine.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, at pilit itong pinigil ni Delphine dahil sa malapit na rin sila sa kanilang bahay, nagmadali siyang naglakad at natigilan siya ng mapansin niya ang isang pamilyar na sasakyan. Talaga bang susubukin siya ngayong araw na ito? She thought.
Nasa labas ng bahay sina Shelly, kanyang nanay, at si Mark. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa kanila. Nang makita siya ni Mark bigla itong tumayo sa kinauupuan nito at patakbong lumapit sa kanya. At bigla siya nitong niyakap ng mahigpit, itinikom lang ni Delphine ang kanyang mga palad at dahan-dahan niyang itinulak si Mark. Dama ni Delphine ang galit sa mga mata ni Lucian, na tila ba tumutusok sa kanyang likuran.
“Ahm Lucian si Mark, Mark ang employer ko si Lucian” ang pagpapakilala ni Delphine. Mabilis na nagkamay ang dalawa at umalis na si Lucian, at nilapitan ang kanyang anak. Di niya kayang tingnan ang dalawa, nasasaktan siya, lalo na at di man lang siya maipakilala ni Delphine bilang karelasyon niya.
Baka nga hindi niya pa ito lubusang kilala, hindi nga kaya mahal pa rin nito si Mark? Ano nga ba ang laban niya sa limang taong relasyon ng dalawa.
“Mabuti na lang at naabutan kita” ang masayang sabi ni Mark.
“Paano mo? Wait” Delphine sighed, “si Monique” ang sabi ni Delphine.
“Huwag ka sanang magalit sa kanya, matagal na talaga kasi kitang gustong makita at makausap” ang sabi ni Mark. Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Delphine, medyo pumayat ito, Delphine thought, but he still looks handsome.
“Delphine, humihingi ako ng tawad sa iyo, please patawarin mo ako sa kahihiyan at hinanakit na idinulot ko sa iyo” ang pagsumamo ni Mark. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at tiningnan iyun ni Delphine. She doesn’t felt anything.
“Delphine please, kung hindi mo man kaya akong balikan muli, sana pagbigyan mo akong ligawan kitang muli?” ang pagsumamo ni Mark.
Delphine sighed, “hindi ko alam Mark, oo napatawad na kita, pero di ko alam kung kaya ko pang makipagrelasyon sa iyo” ang sagot niya.
“Delphine lahat gagawin ko, kahit pahirapan mo ako, kahit pa maghintay ako ng matagal, kahit pa may iba akong kaagaw sa puso mo, lalaban ako Delphine” ang pagsusumamo ni Mark.
“Hindi mo naiintindihan Mark”-
“Tatanggapin ko Delphine kahit na ano pa, kahit ano pa ang ginawa mo sa loob ng limang buwang magkahiwalay tayo, napakaliit na bagay niyon kumpara sa nagawa ko sa iyo” ang sagot ni Mark.
Ang sarap pakinggan sabi ni Delphine sa sarili, pero matatanggap kaya siya nito kung malamang buntis siya? No, hindi niya ipapaako ang anak niya sa iba. Kakayanin niya itong mag-isa.
“Hayaan mong maging magkaibigan muna tayo Mark, pwede ba yun lang muna ang maibibigay ko sa iyo?” ang tanong ni Delphine.
Lumapad naman ang ngiti sa mga labi ni Mark, “oo ah, sa Maynila na rin kasi ako magtatrabaho, pwede ba kitang dalawin sa tinutuluyan mo?”
“Naku Mark, ayokong maviolate ang privacy ng mga employer ko, pwede mo naman akong tawagan” ang sagot ni Delphine.
“Sige, salamat Delphine” at muli ay niyakap siya nito ng mahigpit. Bago ito sumakay ng sasakyan at umalis.
Nakatanaw mula sa sasakyan si Lucian, nagpaalam na sila sa nanay ni Delphine at nagdesisyun siyang sa loob na lang ng sasakyan hintayin si Delphine. He gripped the steering wheel hard, halos mamuti ang knuckles niya. Hindi niya kayang isipin na muli magkabalikan si Delphine at Mark. Parang sasabog ang dibdib niya sa sakit, sa halip na suntukin niya ang manibela at makita siya ni Shelly ay hinawakan na lang niya ito ng mahigpit.
Halata na ni Delphine ang tensyon sa pagitan nila ni Lucian, malamang ay di nito nagustuhan ang pakikipagusap niya kay Mark. Pero ano bang gusto ni Lucian? Hindi siya dapat diktahan ni Lucian kung anong maging desisyun niya. Ni ang relasyon nga nila ay walang linaw kung saan papunta lalo na siguro kapag malaman na ni Lucian na buntis siya. Hindi ba’t nagalit ito sa kanya noong nagkita sila muli? Nang inakala nitong nagpunta siya roon dahil buntis siya. Baka sa sumbatan at hiwalayan din mapunta ang komplikadong relasyon nila ni Lucian. At syempre kailangan nilang isaalang alang si Shelly. Paano kung di nito matanggap ang relasyon niya sa daddy nito. Ayaw niyang makita ang galit sa mga mata ng batang napamahal na sa kanya, Delphine thought to herself.
Kanina ang saya -saya nila, ngayon ay parang di na siya nag eexist para kay Lucian. Sa ilang oras na biyahe ay di sila nagkibuan na dalawa. Hanggang sa marating na nila ang bahay at nasa harapan na ng gate nito, hinihintay nilang pagbuksan sila ng gate.
“Lucian I’m sorry kanina”-
“No, ako ang dapat magsorry, hindi ko dapat sinabi iyun sa iyo” ang sagot ni Lucian, then he sighed, “Delphine about having a ba”-
Natigilan sila sa pag-uusap ng bumukas ang gate, hindi si manang Tina ang nagbukas nito sa kanila. Kundi si Loisa na abot tenga ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Stay for a While....FOREVER (completed) © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "You're desirable" ang bulong ni Lucian, who felt desire with the woman in front of him. "Then make love to me" sagot ni Delphine, "no promises,no obligations, no commitments, no contact whatsoever, we don't even have...