Chapter 23

7.4K 204 5
                                    

“Nakakatuwa tingnan ang mag-ama” ang sabi sa kanya ng kanyang ina na si Myrna. Pinagmamasdan nila sina Lucian at  Shelly na nasa veranda, nakaupo ang mga ito sa isang mahabang upuang kahoy na may mahabang lamesa. Tinuturuan ni Lucian si Shelly na maglaro ng sungka.
     Delphine looked at them, her heart swelled with love for both of them. At parang magnet ang kanyang mga mata, biglang napatingin sa kanya si Lucian, at nangusap ang kanilang mga mata at isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Lucian. Lingid sa kanila na pinagmamasdan sila ng kanyang ina.
     “Mukhang tumataba ka doon sa Maynila” ang sabi ng kanyang insa sa kanya nang mapansing lumapad ang kanyang balakang at mas lumaki ang kanyang dibdib.
     “Ah, opo nanay, lagi lang kasi kaming nasa loob ng bahay, wala akong masyadong ginagawa sa kanila, tapos ang sarap pang magluto ni manang Tina” ang pagsisinungaling ni Delphine. Natakot siyang baka nahalata ng kanyang nanay na buntis siya.
     “Nga pala, nabalitaan namin na nanganak na si Monique” ang mahinang sabi sa kanya ng kanyang nanay. Biglang napahinto si Delphine sa paghahanda ng lamesa, lumingon siya aa kanyang ina.
     “Wala na po akong galit na nadarama para sa kanya nanay” napabuntong hininga si Delphine, “doon pa rin ba siya nakatira o lumipat na sila ni Mark?”
     Matagal na di muna sumagot ang kanyang nanay, “iniwan siya ni Mark Delphine”.
     Hindi makapaniwala si Delphine sa narinig, si Monique na matalik niyang kaibigan na ipinagpalit sa kanya sa araw ng kanyang kasal ay nagawa rin niyang iwan. Hindi ba dapat natutuwa siya at nakarma ang dalawa? Pero hindi, malungkot siya para sa dalawang minahal na rin niya.
     “Isang buwan pagkaalis mo rito, ay panay na ang punta  ni Mark. Gusto niyang makipag ayos sa iyo, pilit niyang hinihingi ang address mo sa Maynila, pero di ko ibinigay. Simula noon, ay halos araw-araw na siyang nagpupunta rito, nagmamakaawa sa akin” ang sabi ng kanyang ina.
     “Napatawad ko na siya nanay sa ginawa niya sa akin, pero mukhang di ko siya mapapatawad sa ginawa niya pag -iwan kay Monique”.
     “Anak, may namamagitan ba sa inyong dalawa ng ama ni Shelly?” ang biglang tanong ni Myrna.
     Muntik nang mabitiwan ni Delphine ang dala niyang bowl ng mainit na sinigang, mabilis siyang lumapit sa lamesa at inilapag ito dahil biglang nanginig ang kanyang mga kamay. Masyado ba silang halata? Ang tanong niya sa sarili napatingin siya kay Lucian na kasalukuyang nakikipaglaro ng sungka kay Shelly. Hindi ba’t kay sarap aminin na mayron silang relasyon?  Na may namamagitan sa kanila ni Lucian?  Pero siya mismo ay di niya alam ang lagay ng relasyon nila. Ni di niya masabing nobyo na niya ito, kahit pa maraming beses nang may nangyari sa kanilang dalawa.
     “Nanay naman, wala po, bakit nyo naman po nasabi?” Ang tanggi ni Delphine.
     “E iba ang tinginan ninyong dalawa, napakalagkit, daig pa ang pukyutan” ang sagot ng kanyang ina.
     “Dala lang siguro ng init sa pagluluto ninyo iyan inay, at iba na ang nakikita ninyo” biro ni Delphine.
     “Ako naman ay di nangingialam anak, alam kong malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo, ang sa akin lang, ay ayokong masaktan ka ulit. Di ba nga asawa niya ang kumuha sa iyo sa trabaho mong iyan?” ang sabi sa kanya ng ina.
     “Nanay, dati niya po iyong asawa, saka wala po talaga sa aming namamagitan” pagsisinungaling ni Delphine na nagsalita pero di makatingin sa ina.
     “E kung wala  e di  wala” ang sabi  ng ina, na alam na nagsisinungaling siya, “kung magmamahal ka ulit, sana ay yung di ka na  iiyak” ang dugtong pa nito.
     Natigilan si Delphine, nagmamahal na siya  ulit, pero di niya sigurado kung di na siya luluhang muli. Alam niyang kailangan din niyang sabihin sa ina ang tungkol sa pagbubuntis niya pero ayaw niya itong mag -alala.
     “Hala nakahanda na ang lamesa, tawagin mo na ang mag -ama, mukhang tinatalo na ni Shelly ang ama niya at nakakunot na ang noo” ang natatawang sabi ng kanyang nanay.
 
      Pagkatapos kumain ay naupo ang kanyang ina sa isang rocking chair, kandong niya si Shelly na nakatulog na agad, dahil sa ugoy ng upuan. Ang kanyang ina ay nakapikit na rin at nakatulog na.
     Nagdesisyun sina Delphine at Lucian na  maupo muna sa labas ng bahay.
     “Halika nga rito, bakit ba ang layo mo sa akin?” ang sabi sa kanya ni Lucian.
     “Baka makita tayo ni nanay” ang sabi ni  Delphine, pero tumabi rin naman sa kinauupuan ni Lucian, sabay akbay sa kanya nito. He started nuzzling her neck.
     “Kasasabi ko pa lang na baka makita tayo ni nanay” ang saway niya kay Lucian pero di naman inilalayo ang kanyang leeg sa mga labi ni Lucian.
     “Ikaw lang naman kasi ang ayaw umamin ng tungkol sa ating dalawa eh” ang mariing sagot sa kanya ni Lucian.
     “E anong aaminin ko, ni di ko nga alam kung anong relasyon meron tayong dalawa and besides you told me before that the last thing you ever wanted was another relationship” ang sagot ni Delphine.
     Natawa naman si Lucian, “ I know what I said and that was before I couldn’t even fix my relationship with my daughter, but because of you it changed. Alangan namang sa nangyayari sa ating dalawa  e mag best friend lang tayo, and I won’t even consider you my bed warmer “ang natatawang sagot ni Lucian. Isang kurot naman sa tagiliran ang ganti ni Delphine, “e di syempre magboyfriend-girlfriend na tayo, bakit gusto mo bang ligawan pa kita?” ang natatawang tanong ni Lucian. Isang irap lang ang isinagot sa kanya ni Delphine sabay tayo nito at naglakad papalayo. Hinabol naman siya ni Lucian na di pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi.
     “O saan ka pupunta?” ang tanong ni Lucian sabay hila sa kanyang braso.
     “Malayo sa iyo” ang galit na sagot ni Delphine.
     “Wow, our first fight bilang magboyfriend” ang biro na naman ni Lucian.
     Lalong nainis si Delphine at pumiglas sa mga kamay ni Lucian, pero di siya binitiwan nito, “uh -uh, kapag di mo ako binati hahalikan kita rito” ang sabi ni Lucian.
      Nanlaki naman ang mga mata ni Delphine and she looked at him dumfounded, nang biglang hinila siya papalapit ni Lucian at siniil ang kanyang mga labi. Gumanti naman ng halik si Delphine and their kissing in the middle of the road.
     “Bati na ba tayo?” he asked huskily.
     “Uh huh” ang sagot ni Delphine, pero nagpatuloy pa rin ito sa paglakad papalayo.
     “Oh, akala ko ba bati na tayo” ang takang tanong ni Lucian kay Delphine.
     “Oo!” ang nakangiting sagot sa kanya ni Delphine.
     “E saan ka pupunta?” tanong ni Lucian.
     Huminto si Delphine  sa paglalakad, at lumingon siya kay Lucian, “to make ammends with my past” ang seryosong sagot niya.
     Lucian looked in her eyes then he nodded, “I’m coming with you”.
     Delphine smiled widely at him and she extended her arms to him and he gripped her hand so hard, as if he’s afraid to let her go.
     Matagal rin silang  magkahawak kamay na naglakad, pero di nila ito alinatana, ikinuwento ni Delphine ang kanyang pagkabata sa lugar  na iyun. At taimtim namang nakikinig si Lucian.
     “Lucian?”
     “Hmm?”
     “About us, can we still keep it a secret?” Ang tanong ni Delphine.
     “What ?why?” Ang takang tanong ni Lucian.
     “It’s Shelly, ayokong mabigla siya o masaktan, ayoko isipin niyang inaagaw ko ang papel ng mommy niya, to her I’m just a teacher, please let me decide kung kailan?” ang paliwanag ni Delphine.
     “Okey, but I hope it would be sooner” ang sagot ni Lucian.

     Hanggang sa huminto sila sa harap ng isang medyo lumang bahay, Delphine looked at it and she noticed that the house already needed some repairs. What happened to you?  She thought, then umakyat siya sa tatlong steps ng hagdan bago ang front porch. Delphine breathe deeply before knocking.
     Tatlong beses siyang kumatok, maya -maya ay narinig niya na may naglalakad papalapit ng pinto at ang iyak ng isang maliit na bata.
     Bumukas ang pinto, at nanlaki ang mga mata ng babaeng kaharap ni Delphine.
     “Delphine” ang naiiyak na sabi nito.
     “Monique” ang sagot ni Delphine.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon