Chapter 8

8.9K 260 11
                                    

Nasa patio na si Lucian, at hinihintay na niya doon si Delphine. Tumayo siya nang makita naglalakad na papalapit sa kanya si Delphine. He feasted his eyes on her, he liked how her summer dress fitted her body perfectly, how her hair which was pulled into a high ponytail bounced while she walked towards him. He pulled a chair for her para makaupo ito, at isang mahinang thank you ang isinagot ni Delphine sa kanya. 

     "Parating na si Shelly, ginising lang siya ni manang Tina" ang sabi ni Lucian.

     "I didn't know she's napping, hindi ko na sana siya ni request na samahan tayo" ang sagot ni Delphine.

     "No it is fine, oras na rin naman talaga ng paggising niya" sagot ni Lucian while looking at Delphine intently, napansin niyang freshly showered ito, and instantly he remembered what they did in the shower that day, umaga na iyun bago sila magpaalam sa isa't isa, they decided to shower together, he remembered how how her tongue licked her neck down to his chests, while he did the same to her, he sipped the dripping water on her body.

     Delphine caught her breath nang mabasa niya ang desire sa mga mata ni Lucian. Her body was reacting sa mga tingin sa kanya ni Lucian, she felt heat flowed all over her body. She felt relieved nang makita niyang papalapit sina manang Tina at Shelly na nakasuot ng kulay pink na dress at naka high ponytail ang mahaba at kulot nitong buhok. Napansin ni Delphine ang suot nitong hearing aids sa tenga. 

     Shelly slowly walked towards them, she looked shy, at nang nakalapit na ito sa kanila ay napansin niyang nagkailangan ang mag-ama. Tumayo muna si Shelly sa tabi ni Lucian na para bang di alam ang gagawin, at ganun din ang itinuring ni Lucian. Napansin ni Delphine na di nito alam kung yayakapin o hahalikan ang pisngi ng anak. Maya-maya pa'y mas pinili ni Lucian na gawin ang huli. Inakbayan ni Lucian si Shelly and he awkwardly kissed her cheeks. Isang mahigpit na yakap naman ang iginanti ni Shelly.

     Though Delphine saw Lucian's awkwardness, she couldn't read his face for emotion, parang itinatago nito. Naupo na si Shelly sa harap ng table across Delphine. Hinintay ni Delphine na ipakilala siya ni Lucian pero ilang minuto pa ang lumipas ay walang sinabi o sinenyas man lang si Lucian. Tahimik lang na nakaupo si Shelly at nakatungo ito. Si Delphine na ang bumasag sa awkward moment na iyun. Tinapik niya ng dalawang beses ang lamesa to caught Shelly's attention, at di naman siya nabigo, agad na tumingin sa kanya si Shelly, at medyo nahihiya pa ito.

     "Hello Shelly, I'm Delphine" ang sabi ni Delphine kay Shelly habang nag sign language. Nahihiyang ngumiti si Shelly at nagpakilala rin ito gamit ang sign language.

     "Natutuwa akong makilala ka Shelly, ako ang magiging teacher mo, gusto mo ba iyun?" tanong ni Delphine na sinasabayan pa rin ng sign language ang pagsasalita niya.

     Lumapad naman ang pagkakangiti ni Shelly at nagsign ng masaya siya at makakarun na siya ng kausap. Napatingin si Delphine kay Lucian, na may bahid ng pag - aakusa sa kanyang mga mata, hindi ba kinakausap ni Lucian ang sariling anak? Ang tanong niya sa sarili.

     Si Lucian naman ay tahimik na pinagmamasdan silang dalawa, gusto niya sanang sumali sa usapan nila kaso di siya marunong ng sign language. Nang tingnan siya ni Delphine, nabasa niya ang accusations sa mga mata nito. Napaka expressive ng mga mata ni Delphine, mas nabasa pa niya ito kaysa sa sign language.

     "Kumain na tayo" ang tanging nasabi ni Lucian, at nagsign naman si Delphine para kay Shelly.

    "Meryenda ba ito?" ang natatawang sabi ni Delphine dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa. May custard cake, spaghetti, potato salad, ham sandwich, at basket ng prutas. Sinamahan pa ng iced tea, hot coffee, at orange juice para kay Shelly.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon