Chapter 28

7.1K 193 6
                                    

“Oh Delphine! Sino ang kasama mo?” Loisa asked, mabilis siyang lumapit kay Lucian nang mapansin niyang natigilan ito at nagbago ang reaksyon ng mukha. She held her hand on Lucian’s arm who’s standing stiff like a statue. Tikom din ang mga labi nito na halatang pinipigilan ang magsalita.
     Di maitatago ang saya sa boses ni Loisa, nang makita niyang papalapit si Delphine na may kasamang lalaki. So, hindi pala threat sa kanya si Delphine, Loisa thought, while she eyed the younger man infront of her.
     “Lucian, Loisa, pasensya na ginabi ako, nagkita kasi kami ni Mark, pasensya na rin kung isinama ko siya rito” ang nahihiyang sabi ni Delphine na halos di makatingin sa mga galit na mata ni Lucian.
     “Pasensya na kung ginabi si Delphine, saka ako ang nagpumilit na ihatid siya rito sa inyo Lucian, baka kasi kagalitan siya ako ang may kasalanan kung bakit siya ginabi” ang paliwanag ni Mark sa di kumikibong si Lucian. Tikom lang ang bibig nito at magkasalubong ang mga kilay. Ang mga kamay nito ay nakapaloob sa harapang bulsa ng suot nitong pantalon.
     “No that’s fine” ang mabilis na sagot ni Loisa.
     “Loisa, si Mark”-
     “Oh I know, siya yung sinasabi mong boyfriend right?” ang nakangiting tanong ni Loisa na di na pinatapos ang sasabihin ni Delphine.
     Nagkatinginan lang si Delphine at Mark, and she smiled weakly on him. Si Mark naman ay lumapad ang pagkakangiti nang marinig ang sinabi ni Loisa.
      “Hello Shelly” ang bati ni Mark rito, na mabilis na lumapit sa kanya at nag high five ang dalawa.  “Well I better be going”-
     “Oh no please stay for dinner” Loisa quickly cut in.
     “Nagdinner na kami ni Delphine” ang sagot ni Mark.
     “Please I insist, mas masarap ang luto ko kaysa sa mga room service ng hotel” ang malamang sabi ni Loisa, and she saw a twitch on Lucian’s jaw, halatang nagtitimpi ito ng galit.
     “Okey if you insist” ang sagot ni Mark at sumunod silang tatlo kay Loisa, na tuwang -tuwa sa awkward moment sa loob ng bahay.
     “Delphine, bakit di mo muna dalhin ang mga pinamili mo sa kwarto mo, while I served Mark and Lucian with wine, hintayin ka na lang namin sa ibaba” ang sabi sa kanya ni Loisa.
     “Okey Loisa, Shelly gusto mo ba akong samahan?” ang tanong ni Delphine kay Shelly na sobra niyang namiss kahit ilang oras lang silang nagkalayo. Agad namang sumama sa kanya si Shelly papunta sa kanyang kwarto.
     “Delphine I want to talk to you” ang mariing sabi ni Lucian sa kanya. Pilit na umiwas ng tingin si Delphine sa kanya.
     “Oh please Lucian, mamaya mo na kausapin si Delphine kung bakit siya late, and be a good host, we have company” ang sabi ni Loisa.
     “Pwede ba sa ibang araw na lang” ang mahinang sagot ni Delphine, “pagod na rin ako”.
     Lucian held back his anger, alam niyang iniiwasan lang siya ni Delphine, pero di niya ito pinilit, for now.

     Pagbalik nina Delphine at Shelly sa ibaba nagtungo sila sa dining area, kung saan dinig na dinig ang boses ni Loisa. She’s acting like a great hostess of the house. Habang si Lucian ay tahimik lang na nakaupo sa head ng dining table habang iniinom ang kanyang wine.
     “Oh here they are” ang masayang sabi ni Loisa nang makita sila ni Shelly na papalapit sa mga ito.
     Mabilis na tumayo si Mark, para alalayan si Delphine sa kanyang upuan, isang mahinang thank you naman ang isinagot ni Delphine. Si Shelly naman ay naupo sa pagitan ng mommy at daddy nito.
     Nagsimula na silang kumain, at naging magaan lang ang conversation sa lamesa, naging maasikaso naman si Loisa sa kanila.
     “Kung pwede sana ipagpapaalam ko ulit si Delphine bukas para lumabas, Lucian, Loisa?” ang tanong ni Mark. Nagulat naman si Delphine at aayaw sana kaso sumagot na agad si Loisa.
     “I don’t see why not? Tutal Sabado naman bukas, you can have the whole day with each other, kung gusto mo hanggang kinabukasan pa” ang malamang sagot ni Loisa and she winked at Mark, na natawa lang.
     “Maybe we’ll have a family out of town trip din bukas, I haven’t been in Zambales, hindi ko pa nakikita ang villa’ng tinuluyan ninyo” ang sabi ni Loisa kay Delphine.
     Delphine felt a twinge in her heart, ang lugar na iyun na napuno ng magagandang memories nila ni Lucian, will be tainted with Loisa’s memories with Lucian, Delphine thought.
     “Saan kayo nanggaling kanina?” ang bigla at galit na tanong ni Lucian. Kanina pa siya nagtitimpi ng galit. Gusto niyang malaman kung saan nagpunta sina Delphine at Mark, he was so consumed with jealousy. Hindi niya lubos na maisip na Delphine was intimate with Mark.
     “Lucian, don’t you think it’s rude, for you to know where they spend their five hours together?” ang sagot ni Loisa.
     “I think mas rude yung iwan mo ang bride mo sa araw mismo ng kanyang kasal” ang sagot ni Lucian who locked his gaze on Mark, na natigilan sa sinabi niya.
     “Lucian what are you talking about?” ang takang tanong ni Loisa.
     “That was uncalled for Lucian” ang sagot ni Delphine.
     “Really Delphine? Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang LAHAT ng nangyari nung gabing yun” Lucian threatened her, at nakita niya ang takot sa mga mata ni Delphine, at halos maluha  ito.
     “Loisa, thank you sa dinner” ang mabilis na sabi ni Mark kay Loisa, “bukas na lang ulit Delphine, susunduin kita rito ng umaga” ang sabi ni Mark kay Delphine, tumayo na ito at nagpaalam sa kanila.
     “Excuse me” ang sabi rin ni Delphine sabay tayo niya para ihatid si Mark sa labas.
     “Now what the hell was that all about?” Loisa seethed at Lucian.
     Narealized ni Lucian na nagkamali siya sa kanyang ginawa, baka mas lalong umiwas sa kanya si Delphine, he thought, “damn it” ang bulong niya sa sarili. Mabilis na tumayo si Lucian at sumunod kay Delphine, na nakasalubong niya na papasok na ng bahay.
    “Delphine please let us talk?” ang pagsumamo ni Lucian.
    “After what you’ve done tingin mo ba kakausapin kita? Taong humarap si Mark dito, sana you’ve treated him as one” ang galit na sagot ni Delphine.
     “I’m sorry, I’m wrong handa akong mag apologize kay Mark, but please kausapin mo ako” ang muling sabi ni Lucian.
     “I’m so tired”  Delphine said, “ at paano mo ipapaliwanag sa asawa mo kung bakit gusto mo akong kausapin?” ang galit na sagot ni Delphine.
     “Kaya ko siyang hiwalayan” bulong ni Lucian.
     Delphine shook her head, “that’s impossible, dahil kapag ginawa mo iyun alam mong mawawala sa  iyo si Shelly” ang malungkot na sagot sa kanya ni Delphine.
     Lucian sighed, “but I have something to tell you”
     “Save it, papalapit na ang mag-iina mo” ang sagot ni Delphine, saka mabilis na umiwas kay Lucian at halos patakbo niyang inakyat ang hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon