Chapter 25

7.2K 206 11
                                    

“Mhami” ang masayang bati ni Shelly sa kanyang mommy at tumakbo ito papalapit kay Loisa. Loisa looked excited at niyakap din ang anak.
     “She can speak?” Ang di makapaniwalang tanong ni Loisa kay Delphine habang yakap ang anak.
     “Opo, ma’am Loisa” ang sagot ni Delphine, na halos mapunit ang hawak niyang panyo sa kakapilipit nito.
     This is reality, ang sabi ni Delphine sa sarili, hindi ang halos limang buwan na nagsama sila ni Lucian dito sa bahay. Isa lang iyung fantasy, kathang isip lang nila, dahil ito ngayon ang totoo. Ang sabi ni Delphine sa sarili.
     “Please Loisa na lang ang itawag mo sa akin” ang sagot sa kanya ni Loisa, na nagpabaling-baling ng tingin between her and Lucian. Nahalata ba nito ang tensyon sa kanilang dalawa?  Delphine thought.
     “I arrived yesterday, at wala nga kayo, di ko naman na naisip na sumunod sa Zambales how’s your trip?” ang malamang na tanong ni Loisa. Her arms crossed in front of her chest.
     “Sir Lucian was just being generous to us, dahil sa mabilis na progress ni Shelly, kaya ipinasyal  po kami ni sir Lucian sa beach, tapos nagpunta po kami sa bahay namin sa Zambales” ang paliwanang ni Delphine.
     “Tapos na ba ang interview mo Loisa, pagod kami sa biyahe” ang inis na sagot ni Lucian.
     “Oh of course, ahm, Delphine, may mga pasalubong pala ako sa iyo, halika sumunod ka sa akin, Shelly magpatulong ka muna kay manang Tina  na magpalit ng damit at mamaya I’ll give you your presents” ang sabi ni Loisa kay kay Shelly and through sign language.  Then she motioned Delphine to follow her at sumunod naman si Delphine.
     Lucian looked at them, at kung bakit parang kinutuban siya, napasulyap sa kanya si Delphine and she shook her head on him, na ibig sabihin ay huwag siyang susunod.
     Nagtaka naman si Delphine kung bakit sa classroom ni Shelly sila nagpunta. Isinara ni Delphine ang pinto at hinarap ang babaeng kanina ay napakatamis ng ngiti at ngayon ay mala tigre ang tingin nito sa kanya.
     “Delphine, may relasyon ba kayo ng asawa ko?” ang akusa na tanong ni Loisa.
     Napalunok si Delphine and instinctively she held a hand on her tummy, “ahm ma’am bakit nyo naman po iyan naitanong” ang tanong na sagot ni Delphine.
     “I have eyes you know, halata sa inyong dalawa” ang sagot ni Loisa, “alam mo ba kung anong pwedeng maging complications nito sa trabaho mo?” ang banta ni Loisa.
     Delphine nodded, “pwede kang mawalan ng lisensya at di ka na makapagturo pa, saan ka kaya pupulutin sa tingin mo?” ang tanong sa kanya ni Loisa, who eyed her from her head to foot.
     “Ma’am huwag po kayong mag -alala dahil, wala po kaming relasyon ni sir Lucian, kung ano man po ang napansin ninyo, ay mali po iyun, respeto na rin para sa akin at sa boyfriend ko” ang pagsisinungaling ni Delphine.
     Biglang lumiwanag ang mukha ni Loisa nang marinig ang sinabi ni Delphine, “oh, ha ha ha” ang tawa nito, “I’m sorry, so you have a boyfriend?”.
     Delphine only nodded for an answer, kinailangan niyang magsinungaling, di naman nito malalaman kung sino ang lalaking tinutukoy niya, Delphine thought.
     “That’s good, that’s good “ Loisa said while nodding, “okey, I’m sorry kung pinaghinalaan kita, you see, bumalik kami rito ni Shelly para buuin ang pamilya namin ulit, alang -alang sa kahilingan ni Shelly, and I still love him, naging selfish lang ako dati but I’ll make ammends with my mistakes” ang paliwanag ni Loisa.
     Parang kinurot ang puso ni Delphine. Oo lahat para kay Shelly, lahat ng desisyun nila ay iikot para kay Shelly, she thought.
     “Wala na po ba kayong sasabihin ma’am Loisa?” Ang tanong ni Delphine.
     “Mabuti na lang at ikaw ang nirecommend sa akin ng school ninyo, sabi nga nila hardworking ka, at mataas ang integrity, so I’ve seen, you’re dismissed” ang sagot nito kay Delphine, na mabilis na lumabas ng silid, at halos patakbong nagtungo sa kanyang kwarto, naabutan niya si Lucian na nasa labas ng pinto ng kwarto nito, at kinutuban ito nang makita ang mukha ni Delphine na nangilid ang luha.
     “Delphine what happened?” ang mariing tanong ni Lucian.
     “Wala may tinanong lang sa akin si ma’am Loisa” ang sagot ni Delphine na di makatingin sa mga mata ni Lucian.
     “Tell me, what she told you” ang sagot ni Lucian habang hawak sa magkabilang braso si Delphine.
     “Wala ito, Lucian, pwede ba huwag mo nang palakihin pa!” ang galit na sagot ni Delphine na ikinagulat ni Lucian. Binitiwan niya si Delphine na mabilis na pumasok sa loob ng  kwarto nito.

     Dinner came, at kinailangan ni Delphine na magpanggap na walang nangyari, she tried to fake her happy face when she was seated in front of the dinner table with the whole family.
     “Ako ang nagluto” ang pagmamalaki ni Loisa sa kanila, “and simula ngayon ako na ang laging mag luluto ng pagkain natin”.
     “Mukha ngang masarap” ang sagot ni Delphine, na pilit na ngumiti, kahit pa parang mapupunit ang pisngi niya, kumuha at sumubo siya ng pagkain, kahit pa parang gusto niyang masuka dahil sa bigat ng nararamdaman niya.
     “Shelly honey anong gusto mong kainin?” ang tanong ni Loisa sa anak, at agad naman nitong pinagsilbihan si Shelly nang ituro nito ang gusto.
     “Shelly, di ba ang sabi ko isign mo o sabihin kung may gusto ka at huwag mong ituro lang?” ang sabi ni Delphine kay Shelly. Ngumuso naman si Shelly at malungkot na tumangu-tango.
     “Hayaan mo na Delphine, nandito naman na ako para asikasuhin siya” ang sagot ni Loisa.
     “Pero masasanay si Shelly na magturo na lang ng gusto nito kaysa sa sabihin ng bata” ang mariing sagot ni Lucian, “ang laki na ng progress niya tapos ihihinto mo lang” ang galit na sabi ni Lucian.
     “And what? Pahirapan ko si Shelly?” Loisa asked unbelievably.
     Nadama ni Shelly ang tensyon sa lamesa na siya ang may gawa kaya bigla itong umiyak, patatahanin sana siya ni Delphine pero mabilis na lumapit si Loisa sa anak.
     “Shhh, honey hindi kami galit sa iyo, now maupo ka na at kumain, si mommy ang nagluto diba?” ang sabi ni Loisa sa anak. Batid ni Loisa na nakuha na naman niya ang loob ng kanyang anak, at ito ang kanyang gagamiting leverage para kay Lucian.
     “Ano bang sinabi mo kanina kay Delphine, Loisa?”ang biglang tanong ni Lucian, na ikinagulat ni Delphine at muntik na niyang maibuga ang pagkain sa kanyang bibig. Agad siyang uminom ng tubig, at nakita niya ang galit na tingin sa kanya ni Loisa, dahil siguro sa inakala nitong nagsumbong siya.
     “Wala naman, tinanong ko lang siya kung may relasyon kayong dalawa and she answered no,  and I apologised to her, at hindi ko naman kasi alam na may boyfriend na pala siya” ang sagot ni Loisa.
     “Wala ka naman na sigurong pakialam sa private life niya Loisa” ang mariing sagot ni Lucian. “At wala ka ring pakiaalam kung may relasyon man ako sa ibang babae”.
     “Tsk tsk tsk, baka nakalimutan mo ang naging usapan natin noong dumating kami rito ni Shelly, na handa kang muling buuin ang pamilya natin alang -alang kay Shelly” Loisa reminded him.
      Pilit na pinigil ni Delphine ang nangilid na luha sa kanyang mga mata, at di na niya magawa pang humarap at magpanggap sa harapan nila kaya minabuti na lang ni Delphine na tumayo at magtungo na sa kanyang kwarto.
     “Ahm, pasensya na kayo, pero napagod talaga ako sa byahe kanina, hindi naman talaga ako gutom, maiwan ko na kayo. Salamat sa dinner ma’am Loisa” ang pamamaalam ni Delphine.
     “Sir Lucian” ang pamamaalam ni Delphine kay Lucian na di man lang niya tiningnan. Hindi niya nakita ang galit sa mga mata nito at ang mahigpit na pagkakahawak sa kubyertos, halatang nagpipigil ito ng galit.
     “Shelly si mommy na ang magpapatulog sa iyo ha, don’t forget to pray” ang sabi ni Delphine kay Shelly bago niya ito niyakap ng mahigpit at naglakad patungo sa kanyang silid. Pagkasara niya ng pinto ay napasandal siya rito, at napakagat labi siya at pilit niyang pinigilan ang mga luha sa kanyang mata. Pero alam niyang di niya kaya. Para bang dam na punong -puno na ng tubig, at mahirap ng pigilan sa pag apaw.
     Napahawak si Delphine sa kanyang tiyan, “baby” ang sambit niya. Sabay higa niya sa kanyang kama, at doon na niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinigilan.
    


Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon