Chapter 11

7.9K 226 7
                                    

Naabutaan ni Lucian sina Delphine at Shelly sa patio. May maliit na white board, markers na iba't ibang kulay, at pictures na nakakalat sa lamesa.

     "Hi, nakakaistorbo ba ako?" ang tanong ni Lucian, kauuwi lang niya from his office.

     "Hindi naman" sagot ni Delphine, nag sign si Delphine kay Shelly, at nahihiya man ay tumayo ito at lumapit kay Lucian para halikan sa pisngi. Isang halik at yakap naman ang iginanti ni Lucian sa anak.

     "Maupo ka, you can join us if you want, kung hindi ka pa pagod" ang sabi ni Delphine. Agad namang naupo si Lucian.

     "Mukhang nag-aaral kayong dalawa" ang sabi ni Lucian habang nakatingin sa mga nakakalat na gamit sa lamesa.

     "Oo, ang plano ko kasi magsimula muna kami sa alphabet, gusto ko sanang maisign, mabigkas, at maisulat rin niya ang letters, then eventually words naman, then sentences" paliwanag ni Delphine.

     Napangiti naman si Lucian, "that's great!" sagot niya, "pwede bang sumali sa lesson nyo?"

     "Open naman ako sa isa pang student" ang nakangiting sagot ni Delphine.

     "And I'll be a good one" ang mahinang sagot ni Lucian at nagawi ang mga mata niya sa pink lips ni Delphine.

     Namula ang mga pisngi ni Delphine at naalala niya ang gabing iyun. Pero kabaligtaran ngayon, si Lucian ang naging teacher niya. He taught her how to pleasure him and herself. She felt hot all over her body. Naputol ang kanyang carnal thoughts nang hawakan ni Shelly ang kanyang braso para ipakita sa kanya ang mga isinulat nito. 

     "Ah, yes Shelly? Wow that's great!" ang papuri ni Delphine kay Shelly, at ipinakita rin nito ang kanyang gawa sa kanyang daddy. Tiningnan ni Lucian ang isinulat ng anak at sinabing "I'm so proud of you" kasabay ng senyas ng kanyang mga kamay.

     "Saan mo natutunan yun? Oh wait don't tell me, sa YouTube" ang natatawang sabi ni Delphine, she felt so proud of him, talagang determinado itong matuto para sa anak.

     

     Halos ilang linggo ring naging ganuon ang routine nila Delphine at Shelly. At sa tuwing may free time si Lucian, sumasali ito sa pag-aaral nila. Hindi na rin naulit ang incident sa kwarto niya noon. Dumistansiya na rin si Lucian, at naging casual ang pakikitungo nito sa kanya. Hanggang sa kinailangang umalis ni Lucian para sa isang project na outside ng Manila. Naging busy man sila ni Shelly, hinanap hanap pa rin ni Delphine si Lucian. Ang mga ngiti nito, ang mga halakhak nito sa tuwing nagkakamali ito sa sign language, at ang parang batang facial expression nito sa tuwing interisado ito sa isang bagay. She missed him, Delphine thought, and it scared her, because she thought that she's falling for him.

     Isang araw napansin ni Delphine na dumarami na ang kalat nila sa patio ni Shelly sa tuwing nag-aaral sila. Kaya pagkatapos ng lesson nila ni Shelly nung hapon na iyun, hinayaan niya muna itong maglaro. Hinanap niya si manang Tina para magpaalam kung pupwede siyang magtingin sa mga kwarto sa bahay.

     "Ay oo naman, pero bakit? Ayaw mo ba ng kwarto mo?" tanong ni manang Tina.

     "Ay hindi po, maganda at malaki nga po ang kwarto ko, gusto ko po sanang magkaroon kami ni Shelly ng maliit na classroom dito sa bahay, nagiging makalat na kasi kami ni Shelly sa patio, saka para na rin po, hindi kami hakut nang hakot ng mga learning materials" paliwanag ni Delphine.

     "Oo nga ano, ay mayroong isang kwarto rito sa baba, katabi ng opisina ni sir, tingnan mo at baka magustuhan mo" ang excited na sagot ni manang Tina.

     Napangiti naman si Delphine, agad siyang nagpaalam sa matanda at pinuntahan ang kwarto. Natuwa si Delphine sa nakita, tamang - tama ang laki nito. She envisioned ang magiging hitsura ng loob nito. Maglalagay siya ng whiteboard, bookshelves, chairs, desks, cabinet, at carpet sa sahig para pwedeng maglaro rin sa loob si Shelly. Paglabas niya ng kwarto ay tiningnan niya ang oras, three o'clock na ng hapon, naisip ni Delphine na baka free na a ng mga oras na iyun si Lucian. Kinuha niya ang kanyang phone and she dialled his number, naubos na ang ring pero di nito sinagot ang tawag niya, hanggang sa dumiretso na sa voicemail nito ang kanyang tawag. Delphine dropped her call, hindi na rin siya nag -iwan ng messages a voicemail nito. Baka busy pa ito, Delphine thought to herself, o baka naman may kadate na babae, well hindi naman malayong mangyari yun, they had sex even though he knew he has a wife at home. Well ex wife, pagtatama niya sa sarili. At nakaramdam ng selos si Delphine. Inis na itinabi niya ang kanyang phone at naupo na lang sa isa sa mga lounge chairs na nasa patio at pinanuod si Shelly habang naglalaro.

     Dumating na ang gabi, napatulog na ni Delphine si Shelly, at nasa sariling kwarto na siya. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng kama habang nagbabasa ng magazine nang tumunog ang kanyang phone. Nakita ni Delphine ang name ni Lucian sa screen, sa ikatlong ring ay sinagot niya ito. 

     "Hi, tulog ka na ba?" bati ni Lucian, and in an instant Delphine 's heart beat quickened.

     "Ah, hindi pa naman" sagot ni Delphine, did she sound breathless? Tanong niya sa sarili.

     "Why did you call? May emergency ba? Sorry kung di ko nasagot, I'm with someone kanina" paliwanag ni Lucian.

     Sinong kasama mo? Anong ginawa ninyo? She thought, "no it's OK, wala namang emergency, magpapaalam lang sana ako kung pwede naming gawin ni Shelly na classroom ang kwarto next to your office?" sagot ni Delphine.

     "Why not, mas maganda nga kung may sariling room kayo sa pag - aaral" sagot ni Lucian.

     "Pwede ba namin ayusin ang room, bukas na sana, excited na rin kasi si Shelly" tanong ni Delphine, she heard him, exhaled soundly, at sa background nito ay narinig niya ang boses ng isang babae, may tinanong ito kay Lucian, she heard him answered, it's just my daughter's tutor. May kumurot sa puso ni Delphine nang marinig ang sinabi ni Lucian, "Busy ka yata, pwede naman sa pagbalik mo na lang" ang sabi ni Delphine, nag-iba na rin ang tono ng pananalita niya.

     "Baka kasi di pa ako kaagad makabalik, may iniwan naman akong credit card sa iyo, you and Shelly can purchase everything you need for the classroom" sagot ni Lucian, "I have to hang up now" -

     "OK thanks bye" ang mabilis na sabi ni Delphine sabay pindot sa kanyang phone, inunahan na niya si Lucian, kaysa naman sa he hang-up on her dahil sa nagmamadali ito atmay kasamang babae sa ganitong oras ng gabi. "Hmph, mag-enjoy sana kayong dalawa, di naman masarap humalik yang Lucian na yan" ang malakas na sabi ni Delphine sa sarili. Pero nang maalala niya kung paano siya nito hinalikan sa loob ng kanyang kwarto, she groaned out loud, at padabog na nahiga at tinakpan ang kanyang mukha ng unan. 

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon