Kinabukasan ay nagtungo sa isang mall sina Delphine at Shelly. Dumiretso sila sa isang hardware store para mamili ng mga gagamitin nila para sa gagawin nilang classroom. Nakapamili na sila ng mga stickers na pang decorate sa kwarto, ganun na rin ang carpet na napili mismo ni Shelly. Kasalukuyan namang namimili si Delphine ng whiteboard na ilalagay nila sa classroom nang may lumapit sa kanila na isang gwapong lalaki.
"Hi Shelly! Anong ginagawa mo rito?" ang masayang tanong nito kay Shelly. Di man nakapagsign language ang lalaki ay nabatid ni Shelly na binati siya nito, at kita sa mukha ni Shelly na kakilala niya ito. Sumagot si Shelly using sign language, si Delphine na ang sumagot para rito.
" Ah, namimili kami ng mga gagamitin namin sa classroom ni Shelly" sagot ni Delphine. Agad namang natuon ang atensyon ng lalaki sa kanya, sing taas ito ni Lucian, deep set rin ang mga mata na kulay gray din, straight ang matangos na ilong, at wide ang mouth nito. Halata naman sa mukha ng lalaki ang paghanga nito kay Delphine.
"Oh, I'm Luke, kapatid ko si Lucian" pagpapakilala nito sabay extend ng kanang kamay kay Delphine for a hand shake inabot naman ni Delphine ang kamay nito, "I'm Delphine, tutor ni Shelly, ako na rin ang nag-aalaga sa kanya" sagot ni Delphine.
"Ang swerte naman ni Shelly ang ganda ng tutor niya" biro ni Luke. Namula naman ang mga pisngi ni Delphine. "Oh by the way, where's kuya?"
"Wala si Lucian, may out of town project" sagot ni Delphine.
"So how's your shopping? Nakapamili na ba kayo ng mga kailangan ninyo?"
"Actually mga pang decor pa lang ang napili namin wala pa kaming napipiling mga furnitures" sagot ni Delphine.
"Would you mind kung tulungan ko kayo?" tanong ni Luke.
"Naku baka naman maistorbo ka namin" ang nahihiyang sagot ni Delphine.
"No actually, I was only looking for for some paint for my room, mas challenging mamili ng gamit, I'm offering my services" ang nakangiting sabi ni Luke.
Hindi naman napigilan ni Delphine na di gumanti ng ngiti, napaka jolly nito, at mukhang masarap kasama, Delphine thought."Baka naman mahal kang sumingil wala kaming budget" pabirong sagot ni Delphine.
"A date would be suffice" sagot ni Dean sabay kindat kay Delphine.
"Ang bilis ha" ang natatawang sagot ni Delphine.
"Mabilis ba? OK meryenda na lang sa bahay ni Shelly, kasi ihahatid ko rin kayo at tutulungan na ayusin ang classroom ninyo" ang sagot ni Luke, "and I won't take no for an answer, hindi ba Shelly?" tanong niya kay Shelly, na nagkibit balikat lang, kaya nagtawanan silang dalawa.
Ilang oras din ang lumipas at naging abala sila sa pag-aayos ng classroom. Hinayaan nilang tumulong si Shelly sa paglalagay ng mga decorative stickers sa wall at sa table nito. Inayos ni Delphine ang malaking whiteboard kung saan ito magandang ilagay, pilit niyang binuhat ang whiteboard pero mabigat ito, at muntik na niyang mabitawan, mabuti na lang at mabilis na lumapit si Luke sa kanyang likuran para saluhin ang whiteboard. Delphine was in between Luke's arms. Ang likod ni Delphine ay napasandal sa dibdib ni Luke, at ang hitsura nila mula sa pintuan ay parang magkayakap silang dalawa.
"Careful" ang bulong ni Luke kay Delphine, who tilted her head on the side and looked up on Luke, who's looking down at her.
"Am I interrupting something?" ang galit na tanong ni Lucian sa dalawa, nakatayo siya sa may pintuan. Maagang na close ang deal niya with a client, at nagmadali siyang umuwi para sana tulungan sina Delphine at Shelly sa gagawing classroom. Excited siyang makauwi, na miss niya ng husto ang anak at ganun na rin si Delphine. Oo di na niya idideny sa sarili na na miss niya ito. Halos patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay at ganito ang aabutan niya? Lucian thought. Si Delphine ay halos yakap na ng kanyang kapatid at magkadikit pa ang mukha ng mga ito. Nag-init ang kanyang ulo at para bang umakyat ang kanyang dugo hanggang sa kanyang bumbunan.
BINABASA MO ANG
Stay for a While....FOREVER (completed) © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "You're desirable" ang bulong ni Lucian, who felt desire with the woman in front of him. "Then make love to me" sagot ni Delphine, "no promises,no obligations, no commitments, no contact whatsoever, we don't even have...