Chapter 31

7.3K 217 4
                                    

Delphine was right, iyun na nga ang huling pagkakataong nagkasama silang muli ni Lucian.
     Actually, iyun na ang huling sandali na nasilayan niya ito,  dahil pagkatapos nang pag-uusap nila sa isang hotel room sa Tagaytay, ay ito na mismo ang umiwas sa kanya.
     Kahit sa breakfast table tuwing umaga, ang pagkakataong lagi silang magkakasabay na kumain. Ay di na ito, nagpapakita pa, late na rin ito kung umuwi.
     And dumating ang pinakamasakit na sandali para kay Delphine, iyun ay ang tanggapin na ni Lucian ang business deal nito sa Singapore. 
     Nadatnan niya nang umagang iyun na nasa living room sina Lucian, Shelly, at Loisa. Nagpapaalamanan ang mag-ama sa isa’t isa. Mahigpit na nakayakap si Shelly sa kanyang daddy while Loisa stood next to them.
     “Dha di” ang sambit ni Shelly habang umiiyak ito.
     “Shh don’t cry Shelly, two months lang akong mawawala sa iyo, then magkakasama tayo ulit” Lucian told her while he hugged her tight, his chin rested on the top of her head.
     “Come on Shelly, pwede naman nating dalawin ang daddy sa Singapore kapag namiss na natin siya” ang sabi ni Loisa sa anak.
     Ayaw man ay bumitaw na sa pagkakayakap si Shelly sa ama, then Loisa wrapped her arms on his neck and gave him a sultry kiss. But Lucian stood stiff and unwrapped her arms on his neck.
     Delphine looked away, she couldn’t bear the thought of him leaving, pero siya ang may gusto nito diba? She asked herself. He asked her, but she pushed him away.
    Kailangan niyang tiisin ang kirot at sakit ng kanyang damdamin. Lalo na ng tuluyan ng lumabas ng bahay si Lucian, kasunod nito ang patak ng luha sa kanyang mata.

     Ilang linggo pagkaalis ni Lucian, napansin ni Delphine na di lang ito ang nagbago. Pati na rin ang ugali ni Loisa.
     Ang dating maasikaso at malambing na ina ay biglang naglaho kasunod ng pag-alis ni Lucian.
     Kung dati ay inaasikaso nito ang lahat sa bahay, ngayon ay halos di mo ito matunton sa loob ng bahay. Lagi na lang sila ni Shelly ang magkasama, simula pagkagising sa umaga, hanggang sa pagtulog sa gabi.
     Batid ni Delphine na miss na ni Shelly ang ama, lagi nitong tinitingan ang litrato ng daddy. Kung alam lang ni Shelly, na di lang ito ang nagdurusa. Siya man araw-araw, ay parang pinupunit ang kanyang puso.
     Hanggang sa dumating ang sandaling nagparealised kay Delphine nang pagkakamaling ginawa niya.
     Pababa siya ng hagdan, nang marinig na niya ang malakas na hiyaw ni Shelly. Nagmamadali si Delphine na hanapin kung saan nanggagaling iyun.
     Then, she realised that her cry was coming from Shelly’s classroom. Nagmamadali siyang buksan ang pinto at pumasok sa loob at tumambad sa kanya ang luhaang si Shelly, habang pinapalo ni Loisa.
     “Sinabi ko sa iyo buwisit kang bata ka!  Na huwag mong gagalawin ang gamit ko!” ang galit na sigaw ni Loisa.
     Napansin ni Delphine ang nakakalat na mga make-up at lipstick sa sahig. And she was shocked to see Loisa, na pinapalo si Shelly ng libro, wala itong pakialam kung saan mang bahagi ng katawan ni Shelly tumama ang libro.
     Tumakbo si Delphine palapit kay Loisa at hinawakan ang kamay nito bago pa muling lumapat ito,  sa batang katawan ni Shelly.
     “What are you doing?” she asked Loisa.
     “Sinayang niya ang lahat ng mamahalin kong gamit!” ang galit at pasigaw na sagot ni Loisa.
     “Pwede mo naman siyang pagalitan, pagsabihan mo siya, pero wag mo siyang paluin” ang galit na sagot ni Delphine.
     “Huwag kang makialam dito Delphine, at wag mong kwestyunin kung paano ko disiplinahin ang anak ko! Teacher ka lang ni Shelly” ang galit na  sagot ni Loisa.
     But Delphine stood her ground, hinayaan man niya si Loisa na makuha ulit si Lucian pero, di siya papayag na makitang sinasaktan nito si Shelly.
     “Oo teacher lang ako ni Shelly, at hindi ako ang ina niya, pero bilang teacher niya at pinirmahan ko sa kontrata ko sa iyo na ang uunahin ko ay ang welfare ni Shelly at gagawin ko at pwede akong magdesisyun kung makikita kong nasa kapahamakan ang estudyante ko. And at this moment tingin ko she’s in danger in the hands of her own mother” ang mariing sagot ni Delphine.
      Loisa only glared at her, and she threw the book on the floor and she shouted, “bakit ba ako nagkarun ng anak na katulad mo?!” then she got out of the room stomping angrily.
     Delphine knelt in front of Shelly na wala pa rin tigil sa pag iyak, yumakap ito sa kanya ng mahigpit. And Delphine noticed the scratches on her little arms, gawa siguro ng mahahabang kuko ni Loisa.
     Delphine held back her tears, and biglang nag sign ng mabilis si Shelly sa kanya, and her heart sank nang malaman niyang matagal na pala itong ginagawa sa kanya ni Loisa.
     So hindi pala totoo ang mga ipinakita ni Loisa sa kanila, she thought sadly. And nagsign muli sa kanya si Shelly, she told Delphine that she thought her mom has changed and that she loves her now, but she didn’t.
     And fresh tears flowed in Shelly’s eyes. And she held onto Delphine so tight.
     “Shh, tahan na anak” ang bulong ni Delphine, and then it struck her, she made a mistake. Ang akala niya ay maibibigay niya kay Shelly ang pamilyang gusto nito, pero hindi, hindi sa ganitong pamilya. Hindi sa ina na galit sa kagaya ni Shelly, tulad ng ama niya sa kanyang kapatid.
    She realised na nagkamali siya, tinanggap niya sana ang alok ni Lucian, tinanggap niya sana ang pag-ibig nito. Then she would be able to protect Shelly from the likes of Loisa. But it’s too late, ayaw na sa kanya ni Lucian.
     “Oh God” ang bulong ni Delphine at siya man ay nagsimula na ring lumuha.
     I miss daddy, ang sign sa kanya ni Shelly, and she looked at Delphine’s crying eyes.
     Niyakap niya ng mahigpit si Shelly and she nuzzled her head, tears were also flowing in her cheeks, halos maghalo na ang mga luha nilang dalawa ni Shelly.
     “I miss him too Shelly” ang bulong ni Delphine, at nagyakap silang dalawa habang umaagos ang mga luha sa kanilang mga mata.

    Delphine decided to sleep beside Shelly, she smoothed her hair while Shelly nuzzled her cheeks in her breasts. Napaisip si Delphine, two months, after two months babalik si Lucian.
     Then she made a decision, she’ll wait for him, kahit pa malaki na ang tiyan niya. She’ll wait for him and asked him to gave her another chance. Na she’s ready to accept his offer, his love, and to tell him how much she loves him.
     Pero mukhang di umaayon kay Delphine ang tadhana. Dahil dumating na ang oras na kailangan na niyang lisanin ang tahanan nina Lucian at Shelly.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon