Lucian stared at him, para bang ibang linggwahe ang sinabi sa kanya ni Mark at di niya ito naintindihan. Nag titrip ba itong si Mark?
But he studied his face, at mukhang naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Bigla siyang kinabahan at nanlamig ang buo niyang katawan.
“What are you talking about?” ang takang tanong ni Lucian.
“Oh my God” ang sagot ni Mark, at napahawak ang kamay nito sa kanyang sintido.
“What are you talking about?” ang muling tanong ni Lucian, “I thought she was with you?” ang galit na tanong ni Lucian.
Mark shook his head, di siya makapaniwala, “tinawagan ako ni Delphine, maybe two or three months ago, ang sabi niya sa akin na okey na kayong dalawa at isasama mo siya sa Singapore kaya wag ko na siya puntahan at kontakin sa bahay ninyo” ang paliwanag ni Mark.
“She did leave, pero ang sabi daw niya kay Loisa na kasama ka niya” ang sagot ni Lucian. Lalong kinabahan si Lucian, nasaan si Delphine? He thought.
Mark shook his head, unbelievably, “then niloko niya tayo pareho” ang natatawang sabi ni Mark, “Delphiiine” ang sambit ni Mark, “then you still don’t know?” ang tanong ni Mark.
“Don’t know what? Dammit tell me!” ang halos pigil na sigaw ni Lucian.
“She’s pregnant” ang diretsong sagot ni Mark, at kita niya ang gulat sa mga mata ni Lucian.
She’s pregnant, he thought, he should have noticed, akala niya ay nag gain lang ng weight si Delphine, then naalala niya noong nasa kwarto siya nito. Sumusuka si Delphine noon. Hindi makapaniwala si Lucian at wala ring pagsidlan ang kanyang tuwa. May anak sila!
“Inamin niya sa akin ang lahat, noong naabutan mo kami sa Tagaytay, pumayag ako na magkasama kayong dalawa, para makapag-usap kayo at masabi niya sa iyo ang totoo” paliwanag ni Mark.
“Hindi niya tinanggap ang pag-ibig ko sa kanya” ang malungkot na sagot ni Lucian, “akala ko ikaw ang dahilan, dahil sa nagbalik ka sa kanya”.
“No Lucian” ang malungkot na sagot ni Mark, “nabura mo ako sa isip at puso niya, mula noong una kayong nagkasama sa Zambales”.
Hindi makapaniwala si Lucian, may baby sila bi Delphine! “alam mo ba kung nasaan siya” ang umaasang tanong ni Lucian.
Mark sighed, and shook his head, “wala akong idea kung nasaan siya” ang totoong sagot ni Mark, “I even doubt kung alam din ng nanay nito ang kalagayan niya, sa pagkakaalam ko sa ugali ni Delphine, sosolohin niya ang responsebilidad”
“Naintindihan ko ang sinabi mo” ang sagot ni Lucian, di niya lubos na maisip si Delphine na nag-iisa ito ngayon sa kalagayan nito.
“But” muling sabi ni Mark, “hindi man sabihin ni Delphine ang condition nito sa nanay niya, hindi naman nito ililihim sa ina kung nasaan siya nagtatrabaho”.
Lucian looked at Mark intently, then he nodded, he extended his hand to him, and Mark shook it.
“Thanks Mark” ang sabi niya sa binatang akala niya ay karibal niya dati.
“Go, don’t waste your time here” ang sabi sa kanya ni Mark, and he nodded, bago siya halos patakbong lumabas ng building.Nakapark ang sasakyan ni Lucian sa isang kanto, hinihintay niyang dumating si Delphine sa inuupahan nitong bahay.
Pagkatapos niyang malaman ang lahat kay Mark ay nagmadali siyang umuwi ng bahay para sunduin si Shelly at nagtungo sila sa Zambales.
Tulad nga ng sinabi ni Mark, walang alam ang ina nito sa tunay na kalagayan ng anak. Kaya halos maluha ito ng malamang nag-iisa ito ngayon at halos kabuwanan na. Kaya ibinigay nito agad kay Lucian ang address ng inuupahan nitong kwarto sa San Juan. At nagtatrabaho raw ito bilang private tutor ng isa ring deaf child.
Lucian checked his watch, it was already five noon, he was being impatient, the thought of seeing Delphine again, makes him ecstatic, and to think na she’s carrying his child. Lalong naexcite si Lucian. At di na nga nagtagal ang paghihintay niya.
Nakita niya si Delphine na naglalakad papalapit sa kung nasaan siya. His heart swelled with emotions nang makita si Delphine, nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
May kinakain ito habang naglalakad, he chuckled sa hitsura ni Delphine, ang laki na ng tiyan nito, at dahil sa petite ito, mukha tuloy hirap na itong maglakad. Nakita niyang huminto na ito sa harap ng isang maliit na bahay. May kinukuha ito sa loob ng bag.
Lucian couldn’t wait anymore, mabilis siyang lumabas ng sasakyan at nilapitan si Delphine.Halos hinihingal na si Delphine sa paglalakad, pero sabi nga sa kanya ng OB na maganda raw ang paglalakad sa mga buntis.
Hindi nga niya akalain na biglang lolobo ang tiyan niya, pagsapit ng ika pitong buwan ng kanyang baby sa tiyan. And it was a baby boy, ayun sa kanyang ultrasound.
Pagkaalis niya sa bahay nila Lucian, ay awa ng Diyos at nakakuha siya agad ng mauupahang bahay, kahit maliit lang basta solo niya ito.
Agad siyang naghanap ng trabaho, at ilang linggo lang ang lumipas ay nakakuha siya ng trabaho, bilang tutor ng isang deaf child din.
Pero di kagaya noon, she requested na hindi siya magstay sa bahay ng mga ito. Mas maliit man ang sweldo, ay okey lang kay Delphine, basta meron siyang income, dahil ang ibinayad sa kanya ni Loisa ay nakatabi para sa panganganak niya.
Inilihim pa niya sa ina ang kalagayan niya, ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. Saka na lang niya sasabihin ito kapag nailabas na niya ang baby nila ni Lucian.
Delphine sighed, walang araw o sandali na di niya naisip si Lucian at Shelly, siguro masaya na rin ang mga ito, ang sabi ni Delphine sa sarili, siguro excited ang mga ito sa baby nila.
Pero, hindi na bale, siya rin naman ay may baby boy na parating na sa kanyang buhay, anumang oras. Hindi na siya makapaghintay na mahawakan at mahagkan ang anak nila ni Lucian. Tiyak na guwapo ang magiging anak nila, ang proud na sabi ni Delphine sa sarili.
Kinuha niya ang susi sa loob ng hawak niyang bag, at ilulusot na lang niya ang susi sa butas nang mabitawan pa niya ito, dudukwang sana siya para damputin ang susi nang..
“What the hell do you think you’re doing?” ang galit na sabi ni Lucian mula sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
Stay for a While....FOREVER (completed) © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "You're desirable" ang bulong ni Lucian, who felt desire with the woman in front of him. "Then make love to me" sagot ni Delphine, "no promises,no obligations, no commitments, no contact whatsoever, we don't even have...