Chapter 30

7.4K 193 19
                                    

Lucian looked at their hands, hawak ni Mark ang kamay ni Delphine na nakapatong sa lamesa. At dahil sa lalim ng pag-uusap ng mga ito, di siya napansin na papalapit siya sa kanila. He was engulfed with so much jealousy.
     “Lucian, what are you doing here?” ang gulat na tanong ni Delphine.
     “I wanted to talk to you” he said again now more firmly.
     “Mark, I’m sorry about last night, and para sa ngayon, pero kailangan kong makausap si Delphine” ang sabi ni Lucian kay Mark.
     Mark noticed the urgency in his voice, and the pleading looked in his eyes. Delphine didn’t knew, but Mark thought na mahal siya ni Lucian, batid niyang hindi ito magkakaganito kung hindi nito mahal si Delphine.

     At dahil doon, medyo gumaan ang pakiramdam ni Mark para kay Delphine, na nag -alala siya ng husto simula ng sabihin ng dating nobya ang kondisyon nito. Mukhang maayos naman na ang lahat, Mark thought to himself.
     Mark nodded, “Delphine you need to talk to him” ang sabi ni Mark kay Delphine, tumayo siya at hinagkan ang pisngi ni Delphine, “just call me okey?”
     Delphine only nodded at him, and she wearily looked at Lucian. Tumayo na siya at naglakad sa tabi ni Lucian, his hand on her back.
     Delphine wanted to throw her arms to Lucian and let him hold her tight. But she withheld herself from doing so. Instead she clasped both her hands in front of her while they're walking towards his car.
     Lucian opened the passenger door for her, and waited for her until she was seated inside. He quickly went inside the driver’s side and set the car in motion.
     Ilang minuto na silang bumibiyahe ng magsalita si Delphine.
     “Paano mo nalaman na nandito kami?” ang takang tanong ni Delphine.
     “Hinintay ko kayong makaalis ng bahay, then sinundan ko kayo. I lose sight on you nang paakyat na dito kaya nag ikut -ikot pa ako rito para makita ko kayo” ang sagot ni Lucian.
     Naalala ni Delphine ang sinabi sa kanila ni Loisa kanina, na maaga nga itong umalis at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta, she was touched by what he did, talagang ginawa nito ang lahat para lang makausap siya.
     Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan, hanggang sa huminto sila sa isang hotel.
     Mabilis na lumapit si Lucian sa front desk para kumuha ng isang kwarto. And a few minutes more, Delphine saw herself getting inside a hotel room that’s big enough for a couple. She heard Lucian closed and locked the door behind her.
     “Delphine” ang bulong ni Lucian mula sa kanyang likuran at naramdaman niya ang mga braso nito na yumakap sa kanya ng mahigpit. Tila ba ayaw na siyang pakawalan nito.
     Delphine wanted to savor that moment, she let him held her tight, alam niyang ito na ang magiging huling sandali na magkakasama sila ni Lucian.
     She held back her tear, hindi siya dapat magpakita ng anumang emosyon kay Lucian, kailangan niyang magpakatatag, na tila ba, wala siyang pagmamahal na nadarama para rito.
     Then with all her might, she wiggled herself free from his embrace. Humarap siya kay Lucian.
     “Ano bang kailangan mo?” ang tanong ni Delphine, she forced herself to sound angry at him. She looked at him squarely and she crossed her arms across her chest.
     “Let’s talk” ang sagot ni Lucian.
     “Then let’s talk, para matapos na ang drama na ito” Delphine said harshly.
     Di makapaniwala si Lucian sa narinig, balewala lang ba ang relasyon nilang dalawa?
     “Delphine, bakit ka ba umiiwas?” ang tanong ni Lucian.
     “Sino namang maysabing umiiwas ako?” ang galit na sagot ni Delphine, “ano bang gusto mo yung magkalingkis tayong dalawa palagi?”.
     Lucian sighed, “no hindi yun”-
     “Eh ano? Pwede ba huwag mong sayangin ang oras ko, sabihin mo na ang gusto mong sabihin!”
     “About US Delphine, gusto kong ituloy ang relationship nating dalawa, more SERIOUS relationship” ang mariing sabi ni Lucian.
     Delphine tried to laugh sarcastically, kahit pa parang lumukso ang puso niya sa narinig, kung hindi sana comlicated ang relasyon nila baka lumukso na siya sa tuwa dahil sa sinabi ni Lucian.
     “Anong relasyon ba ang sinasabi mo?  Alin yung halos isang buwan na sexcapades natin, huh, hindi relasyon yun Lucian. WALA tayong relasyon!”
     “Dahil ba kay Mark kaya ka nagkakaganyan?!” ang tanong ni Lucian.
     No hindi dahil kay Mark, dahil sa pader na nakapagitna sa ating dalawa,  ang mag-ina mo ang gusto niyang sabihin, I’m sorry Mark, she thought.
     “E ano naman kung si Mark, tama ang sinabi ni Monique, sayang ang limang taong relasyon naming dalawa, and obviously Mark still loves me, and walang complications between us” ang sagot ni Delphine.
     “You mean walang Shelly” ang mariing sagot ni Lucian, “dahil ba kay Shelly, I told you maiintindihan tayo ni Shelly” ang sagot ni Lucian.
     Delphine shook her head vigorously, “NO! Hindi ito tungkol kay Shelly”
     “Then let us be together” Lucian sighed, “I’m going to have a business project in Singapore, mawawala ako ng 2 months, give me a reason to stay, handa akong bitawan ang deal, just tell me to stay” nilapitan niya si Delphine and he held both her shoulders, he tried to make eye contact with Delphine, pero iniiwas nito ang mga mata sa kanya. “Tell me to stay” ang pagsumamo ni Lucian.
     Yes I want you to stay, but forever, not for a while. Dahil alam ni Delphine na panandalian ang lahat sa kanila.
     “I’m not going to say that” ang mariing sagot ni Delphine, “I’m not going to tell you to stay, dahil hindi naman iyun ang gusto ko”.
     “Don’t you love me Delphine?” ang mahinang tanong ni Lucian, he was still holding Delphine on her shoulders.
     Nagulat si Delphine sa tanong ni Lucian, her throat hurts, dahil sa pagpigil niya ng kanyang emosyon. She wanted to tell him how much she loves him, but she can’t, she won’t.
     She shook her head vigorously, “no, hindi kita mahal” ang sagot ni Delphine, pero di siya makatingin sa mga mata ni Lucian.
     “Then tell it to me straight into my eyes na di mo ako mahal Delphine!” Lucian told her angrily, while he shook her shoulders.
     With so much effort, she looked him straight in his eyes, “hindi kita mahal, hindi kita mahal! All we shared were good sex! No emotions involved!” ang halos pasigaw na sabi ni Delphine, para mapigilan niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.
     Binitiwan siya ni Lucian, and he shook his head, he couldn’t believe na sex lang ang pinagsaluhan nila, he felt something for her, o siya lang ang meron? He thought.
    “What? Akala mo ba porke nakuha mo ang virginity ko, ibibigay ko rin sa iyo ang puso ko? Well nagkakamali ka, I’m not that innocent Lucian” ang galit na sagot ni Delphine.
     “Pero ako meron” ang mariing sagot ni Lucian while he point his index finger on himself, “maha”-
     “Tigilan mo na!” ang sigaw ni Delphine, ayaw niyang marinig ang sasabihin ni Lucian. Ayaw niyang mabasag ang self control niya, “tigilan mo na ako!”
     Lucian only looked at her, he was dumbfounded. “Ihatid mo na ako sa bahay” ang sabi ni Delphine kay Lucian, then she looked at him again, “and if you ever have any respect left for me, titigilan mo na ako Lucian” yun ang huling sinabi ni Delphine kay Lucian, bago siya nagmamadaling lumabas ng hotel room at naiwan si Lucian sa loob, his shoulders slumped, he followed her wearily.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon