Chapter 10

9K 251 3
                                    

Maagang naghanda sina Delphine at Shelly para sa appointment nila sa doctor. Nakasabay nila sa breakfast si Lucian. Pinilit ni Delphine na kalimutan ang mga nangyari kagabi, hindi dapat siya magpaapekto ang sabi ni Delphine sa sarili, lalo na, nang makita niyang balewala lang kay Lucian ang nangyari kagabi. Kinausap lang siya nito sandali para humingi ng paumanhin dahil sa di sila maihahatid nito papuntang doctor, may maaga kasi itong meeting with a client.

     Delphine assured him that it was going to be fine, magtataxi na lang sila ni Shelly papunta ng hospital at pabalik ng bahay.

     Tanghali na ng matapos ang appointment nila Delphine at Shelly sa doctor, palabas na sila ng hospital nang makita nilang naglalakad papalapit sa kanila si Lucian. Her heart skipped a beat when she saw him. Lalo na nang ngumiti ito. Tumigil sila ni Shelly sa paglalakad at hinintay nila itong makalapit. Kahit pa nag spend ng time ang mag-ama kahapon, halata pa ring nahihiya si Shelly kay Lucian. Di ito agad lumapit sa daddy niya at nanatiling nakatayo at nakahawak sa kamay ni Delphine.

     Lucian and Delphine said hi to each other, then Lucian looked down to his daughter, he crouched down, "hello baby, kumusta ang araw mo?" ang tanong ni Lucian kay Shelly, na sinabayan niya ng sign language. Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Shelly at sinagot ang kanyang daddy, Lucian nodded at her daughter and kissed her chubby cheeks. "I'm sorry but I didn't get what she said" Lucian said to Delphine with a sheepish grin. Natawa naman si Delphine sa reaksyon ni Lucian.

     "Ang sabi ni Shelly ay masaya siya ngayong araw at nandito ka na" sagot ni Delphine.

     "Si Shelly lang ba?" ang pabirong tanong ni Lucian, his gray eyes gleamed.

     Napangiti lang si Delphine, "saan mo natutunan yun? Tanong niya kay Lucian.

     Isang masayang ngiti naman ang isinagot ni Lucian, " Sa YouTube nanuod ako kagabi, so anong sabi ni Doctor Mendoza? "

    "I'll tell you later, akala ko may meeting ka with a client?" tanong ni Delphine.

    "Maagang naclose ang deal, kaya nagmadali akong pumunta rito" sagot ni Lucian "kaya free ang maghapon ko, sinong gustong kumain?". Tinanong ni Delphine si Shelly at mabilis itong nagtaas ng kamay, kaya parehong natawa sina Delphine at Lucian. Kinuha ni Lucian ang kamay ng anak at naglakad silang mag-ama, habang nakasunod sa kanilang likuran si Delphine at pinagmasdan ang dalawa. A smile formed in her lips, ang ganda nilang tingnan, mukhang nagkakalapit na rin ang dalawa, she thought. Biglang huminto sa paglalakad ang dalawa at lumingon ang mga ito sa kanya. Sinenyasan ni Shelly si Delphine na bilisan nito. Kaya natatawang naglakad ng mabilis si Delphine papalapit sa kanila. Pagkalapit niya ay hinawakan ni Shelly ang kamay ni Delphine at naglakad silang tatlo na magkakahawak kamay.

     Pagkatapos mananghalian sa isang restaurant ay nagkape na sina Delphine at Lucian, habang nag dessert naman ng chocolate cake si Shelly.

     "So any progress?" umaasang tanong ni Lucian kay Delphine.

     "Nakaririnig siya ng sounds, it's either she'll use hearing aids or magpa cochlear implant si Shelly para mas malinaw ang sounds na maririnig niya" ang sagot ni Delphine "but Dr. Mendoza and I both agreed na hayaan muna nating gumamit ng hearing aids si Shelly, because she is still young for an implant and mayron ding disadvantages ito, and it won't also guarantee na makakarinig siya ng malinaw. Kaya after ng lessons namin at walang progress then she can undergo a surgery for implant "ang paliwanag ni Delphine. Lucian just listened intently and nodded for an answer," OK mas alam nyo naman ang best para kay Shelly " sagot ni Lucian.

    "We can start her lessons sa pag produce ng sounds sa kanyang bibig, so eventually parang nagsasalita na rin siya. Nakakalungkot lang na late na ang pag - aaral ni Shelly, kung naturuan sana siya agad" ang sabi ni Delphine at tiningnan si Shelly na busy pa rin sa pagkain ng cake.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon