Chapter 29

7K 205 14
                                    

Tulad ng pinangako ni Mark, maaga siya nitong sinundo sa bahay. Si Loisa at Shelly lang ang humarap kina Delphine at Mark, bago sila umalis. Umalis daw ng maaga si Lucian at wala ni isa sa kanila ang may alam kung saan ito nagpunta.
     Mabigat ang loob ni Delphine, batid niyang nahihirapan na rin si Lucian tungkol sa sitwasyon nila. Oo, he was so close to let go of his plans in reuniting his family, pero hindi kaya ni Delphine na maatim na mawasak ang pangarap ni Shelly na mabuo ang pamilya nito. Hindi niya kayang masaktan si Shelly.
     And what about if he found out about her pregnancy, na sa una pa lang ay ayaw na nito? Eventually, maghihiwalay rin sila, Delphine thought sadly. So kahit anong desisyon ang gawin nila, ito ay magiging panandalian lamang.
     “Why are you so quiet?” ang tanong sa kanya ni Mark, magtatanghali na ng marating nila ang isang restaurant sa Tagaytay with an overlooking view of Taal volcano.
     “Hmm?” ang tanging naisagot ni Delphine, dahil she’s only half listening to him.
     “Bakit kanina ka pa tahimik? Mula ng umalis tayo sa bahay ng mga Gardner, hanggang sa makarating tayo ni hindi ka umiimik?” ang tanong ni Mark.
     Delphine sighed, “wala lang ito” ang malungkot na sagot ni Delphine. Then she started stirring her straw on her pineapple juice.
     “Delphine, ayaw ko sanang itanong pero” Mark said hesitantly, “paano nalaman ni Lucian ang tungkol sa insidente sa Zambales?”.
     Natigilan si Delphine sa paghalo ng kanyang juice, she sighed and looked at Mark in the eye, Delphine thought, that it would be helpful if she could talk to someone, and ang taong iyun ay si Mark.
     “I met Lucian on the night of our supposed wedding, I was so devastated that day, kaya di ako umuwi sa bahay at naglakad lakad ako sa may burol, I met him and” Delphine paused, and looked Mark straight in the eye, “ something happened between us”.
     Delphine saw the surprised in Mark’s eyes, then he sighed and looked down.
     “I confided on him, he -he let my pain get away, he washed my sorrows, he erased your memories” ang pag -amin ni Delphine, “hindi namin inakala na after that night, na we would meet again, and share a complicated relationship” ang natatawang sagot Delphine.
     “Do you love him?” ang malungkot na tanong ni Mark.
     Delphine nodded, and a tear fell on her cheeks, “I love him so much” ang mahinang sagot ni Delphine.
     “But he’s married” ang mariing ni sagot Mark.
     “Loisa was his ex, matagal na silang hiwalay nang bumalik si Loisa with Shelly” ang sagot ni Delphine.
     “Anong problema?” ang taka namang tanong ni Mark, although nasaktan siya sa narinig niya mula kay Delphine.
     Delphine didn’t answered but only looked down on her plate. Mark looked at her, ang babaeng minahal at binigo niya, at narealised niyang mahal niya pa rin. Pero ang puso nito’y hindi na niya maaangkin, malungkot man ay tanggap ni Mark, dahil alam niyang siya ang nagkulang at nagkamali, at para sa kanya ay huli na ang lahat. Pero masakit sa kanya ang makitang masaktan muli si Delphine.
     “Does he love you?” ang mahinang tanong ni Mark.
     “I -I don’t know” Delphine answered while she shook her head. “He’s priority was his family”.
     “Well what about you?  Ano ba ang priority mo?  Hindi mo ba priority ang sarili mo? Ang feelings mo? bakit di mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya?” Mark asked.
     Delphine looked him straight in the eye, “my baby is my priority” ang sagot ni Delphine, she saw na nabigla si Mark at nanlaki ang mga mata nito.
     “Does he know?”
     Delphine shook her head and again a tear fell on her cheeks, “hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya”.
     “Why?” ang muling tanong ni Mark, pero di na sumagot si Delphine. “kung di mo kayang sabihin hayaan mong ako ang magsabi”.
     “No! Please, don’t I -I’ll tell him I promise” ang mabilis na sagot ni Delphine.
     Hinawakan ni Mark ang kanyang kamay, “Delphine, kung ayaw panagutan ni Lucian ang baby nandito ako para sa iyo, handa kong panagutan ang ipinagbubuntis mo”
     Delphine smiled sadly Mark, and she shook her head, “hindi ko magagawa yan Mark, I’m going to tell him, I just need the perfect time for this”.
     Mark sighed, “kailan pa?”
     Delphine looked at him, “wag ka ngang mag alala, sasabihin ko pangako” ang sagot ni Delphine na pilit na pinasigla ang boses.
    “Kung ayaw niya Delphine, totoo ang sinabi ko na pananagutan ko ang anak ni Lucian, mamahalin ko siya at aariing akin, pangako” ang sabi ni Mark.
     “Magiging dalawa na agad ang magiging anak mo” biro ni Delphine, at napangiti si Mark sa sinabi niya. Naalala kasi ni Mark na may anak din siya kay Monique.
     Ngumuti si Mark, “mas marami mas masaya” ang pabirong sabi ni Mark.
     They were so engrossed with their conversation kaya di nila napansin ang paparating na si Lucian, who kept his angry pace towards them.
     “Delphine! We need to talk” ang mariing sabi ni Lucian, kay Delphine na ikinagulat ng dalawa.


Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon