Chapter 13

8.3K 204 9
                                    

Ilang linggo rin ang lumipas at naging progressive ang pag - aaral nila Delphine at Shelly. And after several checkups with her doctor, nakita nito na di naman necessary para kay Shelly ang mag undergo ng cochlear implant. Nasa desisyon na raw iyun ni Lucian kung gugustuhin nito para sa anak. Ilang araw ding wala si Lucian at naging busy sa kanyang project kaya madalas na sila Delphine at Shelly lang ang nag - aaral. Ang madalas na dumadalaw sa kanila ay si Luke, na unti-unti na ring natututo ng sign language. Minsan ay sinasamahan sila nito sa pamamasyal. Syempre ipinapaalam muna niya lahat kay Lucian. And every time na tumatawag siya ay naririnig niyang masaya ito, but kapag nagpapaalam na siya na lalabas sila ni Shelly kasama si Luke, bigla na lang nagbabago ang tono ng pananalita nito. Hindi man tumututol si Lucian, ay halata pa rin ang inis sa tono ng pananalita nito, for whatever reason ay hindi alam ni Delphine. 

     Ilang araw na hindi nakalabas ng bahay sina Shelly at Delphine, dahil sa maulang panahon. Halos sunod-sunod ang araw na naging maulan. Di rin nakadalaw sa kanila si Luke dahil sa naging busy na rin ito sa trabaho, pero sa tuwing free time nito at tumatawag ito sa kay Delphine.

     Nasa loob ng classroom sina Delphine at Shelly, kasalukuyang nagsusulat ng letters of the alphabet si Shelly nang dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang dumungaw ang ulo ni Lucian. Hindi siya nakita ni Delphine dahil ito sa pinto at abala ito sa pagbabasa. Nang makita si Lucian ng anak na nakaharap sa pinto ngumiti ito sa kanya. Lucian put his index finger on his lips para sabihing wag maingay at kinindatan si Shelly. Nagtaas lang ng mga kilay si Shelly at nagkunwaring nagsusulat. Dahan dahan namang pumasok si Lucian and he tiptoed his way while he walked towards Delphine. Nang nasa likuran na siya nito ay itinakip niya ang mga kamay sa mga mata ni Delphine.

     Nagulat si Delphine at hinawakan ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Narinig pa niya ang tawa ni Shelly.

     "Luke?" ang natatawang sabi ni Delphine. Agad na inalis ni Lucian ang kanyang mga kamay, para siyang napaso, nawala ang ngiti nito sa labi, and now he's wearing a stern face. Lumingon si Delphine sa kanyang likuran at nakita niya ang nakasimangot na mukha ni Lucian.

     "Lucian? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Delphine.

     "Ahm the last time I checked dito pa rin ang bahay ko" he answered sarcastically.

     Delphine shook her head, "that was a stupid question, what I meant was, akala namin bukas ka pa uuwi, hindi ba sinabi mo nung tumawag ka kaninang umaga?" sagot ni Delphine.

     "Almost finished na ang project, Di na ako masyadong kailangan, so I was not expected pero si Luke expected mong dumating" ang galit na tanong ni Lucian.

     "Actually bigla bigla na lang siyang dumarating" sagot ni Delphine at nagtaka sa galit na inaasal ni Lucian.

     Lucian snorted, "at tuwang tuwa ka naman".

     "Excuse me?" ang inis na sagot ni Delphine,pero natigilan silang dalawa ng magsalita si Shelly. 

     "Deh - phi" ang sambit ni Shelly na ikinagulat ni Lucian and he faced Delphine wide eyed. Delphine nodded, "yes she can say my name, and her mom's, and manang Tina also" ang sagot ni Delphine. 

     Nagseselos man ay nakaramdam ng tuwa si Lucian, he motioned Shelly na lumapit sa kanya, dahil sa matagal na nawala si Lucian ay nahihiya na naman ito sa kanya. At napansin iyun ni Lucian at Delphine. Delphine made a sign on Shelly, then lumapit na ito kay Lucian, para yakapin at halikan siya. Malungkot man sa ikinilos ng anak ay pilit niya itong pinawi. 

     "Maulan pa rin sa labas, but I think you've been cooped up in here for a long time, so kain tayo sa labas?" tanong ni Lucian na sinabayan ng sign language. Parehong nanlaki ang mga mata nina Delphine at Shelly. 

     "Nag - aaral din ako kapag free time ko" paliwanag ni Lucian. 

     Maulan man ay naging masaya ang pamamasyal nila, nag request si Delphine kay Lucian kung maari ba nilang dalhin si si Shelly sa isang malaking lugar na ginawa para sa mga bata, kung saan mahahasa ang mga ito sa kung anong propesyon ang gustuhin nila paglaki. Noong una ay nahihiya pa si Shelly na makihalubilo sa ibang mga bata, marahil na rin siguro dahil sa hindi ito na exposed ng mommy niya sa ibang tao. 

     "She's shy" ang sabi ni Lucian kay Delphine pero ang mga mata niya ay nasa anak na nakatayo lang at nakatingin sa mga bata. He didn't liked the idea, baka mabully lang si Shelly. Lalapitan niya sana si Shelly para yayain na lang sa iba pero hinawakan ni Delphine ang kanyang braso para pigilan siya. 

     "Don't be like her mom Lucian, hayaan mo siyang matuto makisama sa ibang tao, give her time to adjust, those are kids, hindi nila mapapansin kung may pagkukulang si Shelly" ang sabi ni Delphine, nag alangan man ay hinayaan muna ni Lucian ang gusto ni Delphine. 

     Maya - maya pa ay may isang batang lalaki na lumapit kay Shelly, kinausap siya nito, nakita nilang kumunot ang noo ng bata nang mag sign language si Shelly, at nang may isa namang batang babae ang lumapit, nag usap ang dalawang bata, at napangiti, sabay hinawakan nila ang kamay ni Shelly at niyaya nila ito sa isang booth kung saan pwede silang maging piloto. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita na nilang nakikipaghalubilo na si Shelly sa mga bata, di alintana ng mga ito kung di man nila maintindihan ang sign language ni Shelly, basta kita ang saya sa mga mukha nila. 

     Nakahinga ng maluwag si Lucian, he looked at Delphine with a sheepish grin, and Delphine gave him an "itoldyouso" look. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na rin si Shelly at patakbong lumapit sa kanila, her cheeks were flushed, kitang kita ang saya sa mukha nito. Mabilis itong lumapit kay Lucian at yumakap, ikinagulat iyun ni Lucian, niyakap niya rin ng mahigpit ang anak at napatingin siya kay Delphine at bumulong ng thank you, isang matamis na ngiti naman ang iginanti ni Delphine. 

     Delphine's heart swelled for both of them, halos maiyak siya sa realization na mahal na niya si Shelly at lalo na ang daddy nito. Maybe she already did, when they spent that night together. Hindi lang pala katawan niya ang ibinigay niya rito kundi pati na rin ang kanyang puso. Mas lalo lang lumalim ang nadarama niya nang makilala niya ito ng lubusan. Kahit pa alam niyang masasaktan siya, hindi na niya itatanggi sa sarili ang damdamin para kay Lucian. Kahit palihim ay mamahalin niya ito. Delphine held back her tears, she tried to smile, "so Shelly nag enjoy ka ba?" 

     Shelly nodded vigorously, her curly hair bouncing in her head. Nag sign ito sa kanyang daddy. 

     "Again?" natatawang tanong ni Lucian nang mabasa ang sign ni Shelly na gutomna naman ito. "Kung ano ang kahilingan ng prinsesa ko masusunod" ang masayang sabi ni Lucian. 

     It was already eleven in the evening nang maalala ni Delphine na naiwan niya ang kanyang bag sa classroom ni Shelly. Nag alangan man siyang bumaba at dis oras na ng gabi ay di pwedeng di niya kunin ang kanyang bag, nandun kasi ang phone niya at maaga pa lang ay tumatawag na ang kanyang ina, baka mag-alala iyun kapag di siya nakasagot. Delphine expelled her breath, nainis siya sa sarili dahil sa pagiging makalimutin niya. Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at sumilip muna sa labas. Mukhang tulog na ang lahat, tiptoeing, lumabas siya ng kwarto, di niya naalalang naka nightie lang siya at di siya nagsuot ng robe. Tahimik na ang buong bahay, tahimik siyang naglakad patungong classroom, pagpasok niya sa loob ay agad niyang dinampot ang bag sa upuan at mabilis na lumabas ng kwarto. Paakyat na siya ng hagdan nang maalala niya ang itinabi niyang chocolate kanina sa ref, hindi niya alam kung bakit nitong mga araw ay naghahanap siya ng chocolate. Bumalik siya para pumunta sa kusina, binuksan ang ref at kinuha niya ang chocolate na inilagay niya sa ilalim na compartment ng ref. She bend down to get the chocolate bar, sa kanyang pagkakadukwang ay medyo umangat ang likurang bahagi ng suot niyang nightie, kaya litaw ang backside niya. 

     "Well that's a good view" ang sabi ni Lucian mula sa likuran ni Delphine. 

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon