Chapter 9

8.9K 260 7
                                    

Parehong nakatanaw sina Delphine at Lucian sa naglalarong si Shelly sa garden. Nakaupo ito sa damuhan at nakakalat roon ang mga laruan nitong manyika.

     Nakaupo pa rin sina Delphine at Lucian sa may patio, iyun na ang pagkakataong hinihintay ni Delphine para tanungin si Lucian. "Bakit hindi ka marunong mag sign language?" ang galit na tanong ni Delphine na ikinagulat ni Lucian. Hindi ang tanong nito ang ikinagulat niya kundi ang tono ng pananalita at expression ng mukha ni Delphine na galit.

     "Bakit ka naman galit?" ang patanong na sagot ni Lucian.

     "Because I couldn't believe you, alam mo na may anak kang special like Shelly and what? She's already four years old and kahit isang sign language ay wala kang alam?!" ang di makapaniwalang tanong ni Delphine.

     Lucian saw it again, ang feisty side ni Delphine, he saw it first, a month ago, noong sinabi nito ang dahilan ng di pagsipot ng fiance nito sa kasal nila, at nang sabihan siya ni Delphine na wag siyang kaawaan, he remembered the proud expression of her face. Lucian found her feisty side sexy and he liked it very much, but not this time, dahil sa kanya nakatuon ang galit nito.

     "Are you one of those parents na di matanggap ang kalagayan ng anak, kaya inilayo mo ang iyong sarili kay Shelly?" ang pagpapatuloy na pagsasalita ni Delphine.

     That was the last straw, Lucian thought, "wala kang karapatang sabihin sa akin yan!" ang mariing sabi ni Lucian.

     "Meron, pagdating sa welfare ni Shelly, may pakialam ako, it's very obvious na hindi malapit ang loob mo sa kanya" sagot ni Delphine.

     "Alright let me get this straight" ang sagot ni Lucian and pointed his index finger sa lamesa, "I didn't know sign language dahil after four years of being separated from my ex-wife, dumating sila rito two months ago at sinabing may anak ako sa kanya. And a SPECIAL one too".

     Natigilan si Delphine sa narinig, ex-wife? Bakit parang lumukso ang puso niya?

     Napabuntong-hininga si Lucian, "ever since I really wanted a child, sobrang tuwa ko nang malaman kong may anak ako, kahit pa itinago siya ni Loisa sa akin for four years. But I didn't know where to start, lalo na't hindi siya marunong magsalita. All I can do for her right now is to give what's best for her. And I started by accepting my ex-wife, dahil gusto kong bigyan ng buong pamilya si Shelly".

     Nang marinig iyun ni Delphine ay may kumurot sa kanyang puso, bakit ba siya nasaktan? Delphine asked herself, hindi ba kasasabi lang niya na importante ang welfare ni Shelly?

     "I'mssorry" ang mahinang sabi ni Delphine, napabuntong-hininga siya, "I've seen it before, may mga ama kasi na di natanggap ang kalagayan ng kanilang anak, sa halip na tulungan at mahal in ay inilayo pa nila ang kanilang mga sarili at damdamin sa mga ito" paliwanag ni Delphine, ang mga mata niya ay nakatuon kay Shelly. Delphine ran her hand through her hair to smooth out her hair, "ahm, nakita kong may suot na hearing aid si Shelly" ang sabi ni Delphine kay Lucian at iniba ang topic ng usapan nila.

     Lucian nodded, "I took her sa isang specialist, an audiologist actually, ang findings sa kanya ay partially impaired lang ang hearing niya, may naririnig siyang sounds, but hindi pa rin siya makarecognized ng mga salita" ang malungkot na sabi ni Lucian.

     "Tumutulong ang hearing aids na palakasin ang sounds na kaya lang niyang marinig, hindi nito tinatama ang naririnig niya" paliwanag ni Delphine.

     Lucian nodded, "that's what her doctor said".

     "Kung nakaririnig siya ng sounds, baka kaya rin niyang makapagproduce nito" ang umaasang sabi ni Delphine, "I need to talk to her doctor"ang sabi niya kay Lucian, na kitang kita sa mukha nito ang pag-asa at tuwa nang marinig ang sinabi niya.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon