Namalayan na lamang nila na nandito na sila nakasakay sa Bangka at nasa may malalim silang parte ng dagat.
"Sigurado ka ba na marami pa ring perlas dito?" tanong ni Richard kay Erika.
"Oo naman. Kakagaling ko lang ditto nung isang araw. Madami pang mga perlas ditto. At isa pa. Walang ibang nakakaalam ng spot natin na to. Sa atin lang to." Ani Erika."Wala kang pinagsabihan?" tanong ni Richard.
"Wala nga." Ani Erika.
"Kung totoo yang sinasabi mo, bakit hindi mo pa kinuha yung mga perlas nung sumisid ka?" tanong ni Richard.
"Di ba nag promise tayo sa isa't isa na walang kukuha ng perlas pag hindi tayo magkasama?" ani Erika.Natigilan si Richard.
Napatingin siya kay Erika habang nakangiti ito sa kanya.
"Naaalala mo pa rin pala yon?" tanong ni Richard.
"Ako pa ba? Kailanman hindi ako nakakalimot ng pangako. Lalo na kung sayo ko ipinangako." Ani Erika.
Hinawakan ni Richard ang kamay ni Erika.
Napatingin si Erika doon sa kamay niya na hinawakan ni Richard.Pagkatapos ay sa mukha ni Richard.
Nakangiti ito sa kanya."Wag kang mag alala. From now on. Hinding hindi ka na sisisid ng mag isa." Ani Richard.
"Tara na nga tama na tong drama baka wala na tayong makitang perlas doon eh." Ani Erika.Pagkatapos ay isinuot na nila yug goggles nila.
Pagkatapos ay tumalon na sila sa tubig.Sumisid sila sa pinaka malalim na parte.
Nakita nila ang nagga gandahang mga corals at mga shells at kung ano ano pang mga lamang dagat.
Pagkatapos ay binuksan na nila yung mga shells kung saan mahahanap yung mga perlas.At bingo!
Tama nga si Erika.
Madaming perlas doon.
Kaagad nilang inilalagay yung mga perlas na nakukuha nila doon sa may bag nila sa gilid ng bewang nila.
Bawat mga shells na bubuksan nila ay merong laman na perlas.
Habang naghahanap sila ng perlas ay napapangiti sila sa mga corals na nakikita nila.Pero nakuntento na lamang silang dalawa na tignan ang mga iyon dahil sa hindi nila pwedeng hawakan ang mga ito.
Ng makakuha na sila ng maraming perlas ay nag umpisa na silang mag explore sa mga magagandang tanawin na nakikita nila.Inilahad ni Richard ang kamay nito sa kanya.
Kaagad naman iyong kinuha ni Erika.
Pagkatapos ay magka hawak kamay silang lumangoy para libutin pa yung kagandahan ng ilalim ng dagat.
Kasama nilang lumilibot ang iba't ibang klase ng mga isda.Pagkatapos ng makaramdam na sila ng pagkapos sa paghinga ay lumangoy na sila para umahon.
Hingal na hingal sila pagka ahon nila.
Pero nakangiti pa rin sila sa isa't isa.
Pagkatapos ng ilang saglit ay tumawa silang dalawa."It's been a while." Ani Erika.
"Oo nga, na miss ko to." Ani Richard.
"Ang alin?" tanong ni Erika.
"Yung sumisid kasama ka." ani Richard.Tumango tango si Erika.
"Shempre naman. Iba ako kasama eh." Ani Erika.
"Oo, to you I can always feel at ease." Ani Richard.Ng bigla ay mapansin nila na nag iba ang panahon.
Biglang dumilim.
"May bagyo ba na paparating?" tanong ni Erika habang nakatitig sila sa itaas.
"Wala namang sinasabi sa weather forecast. Pero siguro bunga na ng climate change kaya hindi na gaanong nape predict ang lagay ng panahon." Ani Richard.
"Tara na. bago pa tayo abutan ng bagyo ditto." Ani Erika.Sumampa na sila sa Bangka nila.
Pero bago pa man nila iyon tuluyang mapa andar ay nakita nila na lumalakas na yung mga alon.
"Richard mukhang late na yata. Inabutan na tayo ng bagyo ditto sa dagat." Ani Erika.Then nag umpisa ng umulan.
"Malabo na yata kung makakabalik pa tayo doon. Tignan mo nga baka may malapit diyan na isla." Ani Richard habang sinusubukan niyang paandarin yung Bangka.
Inilibot naman ni Erika yung tingin niya sa paligid.
Medyo sumisingkit na nga yung mata niya dahil sa ulan eh.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...