Kakagising lang naman ni Erika.
Ng biga pagkagising niya ay nakita niya sa salamin ang isang napakalaking pimple sa ilong niya.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Ahhhhhh" naiinis na sigaw niya.
Pagkatapos ay hinawakan niya.
Ang laking pimple.
Hinog na hinog.
Napadabog siya.
"Bakit ngayon pa?! huhuhu." aniya.
May date pa man din sila ngayon ni Richard.
Tapos ngayon pa siya nagka pimple.
Ng bigla ay bumukas ang pintuan niya.
Iniluwa non si Eurika.
"Ano nangyayari Ate? Bat parang nagwawala ka?" tanong ni Eurika.
Napatingin si Erika kay Eurika.
At nakita ni Eurika yung napakalaking pimple sa ilong ni Erika.
Kaya naman natawa si Eurika.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo Ate?" natatawang tanong ni Eurika.
Yumuko si Erika at tinakpan ang mukha niya.
"Hindi ko alam." Sagot ni Erika.
"Kumain k aba ng mani kagabi?" tanong ni Eurika.
"Pano mo nalaman?"
"Eh nakaka pimples kaya ang mani, kaya nga as much as possible hindi ako kumakain non eh." Ani Eurika.
"Napaka wrong timing naman eh." Ani Erika.
Pagkatapos ay biglang nag ring yung cellphone ni Erika na nasa kama.
Nanlaki yung mga mata ni Erika.
Tinignan ni Eurika kung sino ang caller.
Si Richard.
"Sagutin mo!! Sagutin mo!" ani Erika kay Eurika.
Wala naman sa sariling sinagot ni Eurika yung tawag.
"Hello Richard." Ani Eurika.
"Ah Eurika ikaw pala. Si Erika?"
"Ah si Ate Erika?" ani Eurika sabay napatingin kay Erika.
Umiling iling si Erika.
"Ahm may sakit kasi si Ate Erika eh." Ani Eurika.
Napatingin si Eurika sa kakambal niya.
Sumesenyas sa kanya si Erika
Sinasabi nito yyung mga dapat niyang sabihin.
Pero hindi mo maririnig.
"May sakit?"
"Oo, n-nilalagnat daw siya." Ani Eurika.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...