Chapter Thirty (Wound From Yesterday)

247 8 1
                                    


Kasalukuyan ay umaakyat na si Richard sa puno ng buko.

Ng bigla habang umaakyat siya ay naputol yung kahoy na inaapakan niya.

Kaya naman nawalan siya ng balance at nahulog siya.

Napahawak siya sa paa niya.

Napasigaw siya sa sobrang sakit.

Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga tao doon at dinala sa ospital.

Samantala sa bahay naman nila ni Erika ay nagulat na lamang si Erika ng dumulas sa kamay niya yung baso na may laman na tubig kung saan kasalukuyan siyang umiinom.

Nagulat siya.

Nabasag yung baso.

Pagkatapos ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Naramdaman niya kaagad yung malakas na pag kabog ng dibdib niya.

Yumuko na siya para pulutin yung basag na baso.

Nag dahan dahan na talaga siya para hindi siya masugatan.

Ng bigla ay may mga grupo ng kalalakihan ang tumakbo papunta doon.

"Sam!! Sam!!!" sigaw ng mga ito.

Kaya naman napatayo siya at napatingin sa mga ito.

"Bakit po?" tanong ni Erika.

"Si Jake, sinugod sa ospital. Nahulog sa buko!"

Nabitawan ni Erika yung mga piraso ng mga basag na baso.

Nanlaki yung mga mata niya na halos hindi na siya nakakurap.

Hindi na siya nagdalawang isip pa.

Kaagad siyang tumakbo.

Ni hindi na niya namalayan na naapaakan niya yung basag na baso.

Umaagos na yung dugo sa paa niya.

Pero mabilis siyang tumakbo.

Habang tumatakbo siya ay lumuluha siya.

Punong puno siya ng takot at pag aalala.

Basta tumatakbo lang siya.

Pagkatapos ang ilang oras ay nakarating din siya sa ospital.

Kasama si Mara at yung nanay nito.

Kaagad niyang nakita si Richard na nakahiga sa isang hospital bed.

Pero sa may bintana lang.

"Jake!! Jake!!" iyak niya.

Kinakatok niya yung bintana ng ospital.

Ilang saglit lang ay lumabas na yung doctor.

"Nasan yung guardian ng pasyente?" tanong ng doctor.

"Ako ho doc? Kamusta ho siya?" umiiyak na tanong ni Erika.

"Well maayos naman ang ibang vitals niya. As of his CT scan wala namang kahit na anong complications." Anang doctor.

Nakahinga ng maluwag si Erika.

"Pero"

"Bakit ho doc?" tanong ni Erika.

"Masama ang pagkakabagsak ng paa niya. Kaya kinakailangan na muna siyang ipahinga ang mga paa niya at mag saklay ng mga ilang buwan." Anang doctor.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Erika.

"Paa? Ibig sabihin, hindi ho siya makakapag swimming at makakapag martial arts ng ilang buwan?" tanong ni Erika.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon