Chapter Thirty Six (Not A Punishment But A Gift)

179 6 2
                                    


Kasama ni Eurika si Jeremy.

"Ano?! May Leukemia si Erika?!" tanong ni Jeremy.

Tumango si Eurika.

Nakaupo lang si Eurika sa harapan ni Jeremy.

"Eh papano daw yun? Gagaling pa naman siya di ba?" tanong ni Jeremy.

Malungkot na napailing iling si Eurika.

Nagpipigil si Eurika ng pag iyak niya.

"Tinaningan na nga siya ng doctor eh. Ayaw na nga rin niyang magpagamot pero. Pinilit namin siya. Kasi kahit kaunting pag asa kinakapitan namin. Kasi gusto pa naming siyang makasama." Iyak ni Eurika.

"Pero madami namang mga leukemia patients na gumagaling di ba?" tanong ni Jeremy.

"Stage four na siya." Ani Eurika.



Napabagsak ng upo si Jeremy.

Hindi siya makapaniwala.

Anytime pu pwede ng mawala si Erika.

Masakit yun para sa kanya.

Mahal na mahal niya si Erika.

Napaluha si Jeremy.

Pero mapait siyang natawa.



"Bakit ganito ang tadhana?" tanong ni Jeremy.

"Anong bakit ganito ang tadhana?" tanong ni Eurika.

"Nung nagparaya ako para sa kanila ni Richard. Tinanggap ko yon. Tinanggap ko na hindi talaga ako ang mahal niya. Na hindi kami para sa isa't isa. Na kahit na para kami sa isa't isa. Hindi rin siya magiging masaya kasi iba yung mahal niya. Pero hindi ko yata kayang tanggapin na mawawala siya sa akin sa ganitong paraan." Ani Jeremy.

"Tingin mo ba ikaw lang? Pano pa kaya ako? Kakambal ko siya. Magka dugtong yung buhay naming dalawa." Ani Eurika.

"Mabubuhay si Erika. Hindi ako papayag na mawala siya." Ani Jeremy.



******



Nandito sa may labas ng ospital si Erika.

Nakatingin lang sa kung saan.

Nararamdaman na niya ang panghihina ng katawan niya.

Ng bigla ay nakita niya sa isang tabi yung matandang nakatayo at nakatitig sa kanya.

Kung hindi siya iyon malamang iisipin ng kahit na sino na multo ang matandang yun.

Pero kilala niya ang matandang iyon.

Wala sa sariling lumapit siya ditto.

Nakatitig siya ditto.



"Nagkita uli tayo." Ani Erika.

"Ano? Nararamdaman mon a baa ng kaparusahan sayo?" tanong nito.

"Kaparusahan?" tanong ni Erika.

"Yang sakit na nararamdaman mo ngayon. Sa tingin mob a nagkataon lang?" tanong nito.

"Shempre hindi." Ani Erika.

"Mabuti kung ganon." anito

"Ano bang maaari kong gawin? Para mawala tong sakit na to?" tanong ni Erika.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon