Sa loob ng panaginip.
Nagising si Hye Ra sa loob ng isang kweba.
Tinignan niya ang paligid niya.
Walang kahit na ano o kahit na sino sa paligid niya.
Hinanap niya ang daanan palabas.
Lumabas siya na nakikita ang talon sa tabi kung saan siya lumabas.
"Gising ka na"
Nagulat siya ng marinig ang isang boses.
Napalingon siya at nakita niya si Risan.
"Naging maayos baa ng pag tulog mo?" tanong nito.
"Oo ngayon lang ako nakatulog ng ganon ka himbing. Mukhang dahil yun sayo. Salamat." Ani Hye Ra.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Risan.
"Bakit naman ako matatakot sa taong nagligtas sa buhay ko?" tanong ni Hye Ra.
Tumawa si Risan.
"Hindi ako tao." Ani Risan.
"Kung hindi ka tao ano ka?" tanong ni Hye Ra.
"Isa kong gumiho."
Dinutdot ni Hye Ra ang pisngi ni Risan.
Nagulat si Risan sa ginawa niya.
"Akala ko sabi sabi lang ng mga babaylan ang tungkol sa mga gumiho. Hindi ko akalain na totoo pala at mas magaganda at makikinis kayo sa mga tao." Ani Hye Ra.
Pagkatapos ay inilibot ni Hye Ra ang tingin niya sa paligid.
"Sa tinagal tagal kong pumupunta sa lugar na to. Parang ngayon ko lang yata nakita na may kweba sa likod ng talon na yan." Ani Hye Ra.
"Dahil hindi ka naman makakapunta o makikita yan pati na rin ang kagandahan ng paligid na ito kung hindi ko kagustuhan." Ani Risan.
"Kagandahan ng paligid. Yun ba yung nakita ko kagabi?" tanong ni Hye Ra.
Tumango si Risan.
"Ibig sabihin kagustuhan mon a nandito ako?" tanong ni Hye Ra.
Itinaas ni Risan ang isang kamay niya.
Pagkatapos ay may lumipad na frangipani papunta doon.
Pero tila nalalanta na yung bulaklak na yun.
Pagkatapos ay hinalikan niya iyon.
May ilaw na lumabas doon sa bibig ni Risan na tila mga asul na alitaptap.
Napangiti si Hye Ra ng Makita na biglang nabuhay yung bulaklak.
Parang hindi nalanta.
Pagkatapos ay inilagay nito iyon sa bohok niya.
"Habang buhay ako. Hindi malalanta yung bulaklak nay an." Ani Risan.
******
Nagmulat ng mga mata niya si Erika.
Pagkatapos ay bumangon na siya.
Natawa siya bigla doon sa panaginip niya.
Naalala niya yung mga mata ni Risan.
"Sino ba naman ang matatakot sa ganon ka gwapong gumiho." Ani Erika.
Paglabas niya ay ganon na lamang ang pagsimangot niya ng Makita sina Richard at Eurika.
Nakikita niya na tinuturuan ni Richard si Eurika na mag gitara.
"Peste." Nasabi na lamang niya.
Pagkatapos ay tumalikod na siya.
Nag grin siya sa sobrang inis.
"Hindi magtugma tugma yung notes na ini strum niya! Ang sakit sa tenga!" ani Erika saka umalis.
Pero kung ang normal na tao lang naman ang makikinig sa tugtog ni Eurika eh wala namang problema.
Ng nakaalis na si Erika ay napatingin si Richard sa pinanggalingan niya.
Then bigla ay muli siyang napatingin sa gitara na tinutugtog ni Eurika.
Dinig na dinig din kasi niya yung mga hindi tumutugma sa tinutugtog ni Eurika.
*****
Nakita naman ni Jeremy na naglalakad si Erika.
Sinundan niya ito.
Dumiretso si Erika dooon sa Gym nila ni Richard.
Pagkatapos ay tila pagod na pagod siyang umupo doon sa grandstand piano.
Pagkatapos isinubsob niya yung mukha niya sa mga keys.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomansaNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
