Chapter Four (Unstoppable Fate)

694 19 1
                                        



Nandito lang naman sa bahay nila si Erika.

Saktong pababa na siya ng hagdan dahil sa sinabi ng kasambahay nila na may naghahanap sa kanya.

Kaya ganon na lamang ang gulat niya ng Makita kung sino ang naghahanap sa kanya.

Seriously.

Si Alex.

Tumaas ang kilay niya.



"What are you doing here?" tanong ni Erika sa kanya.

"Erika I want to talk to you." Ani Alex.

"Hindi pa ba tayo nag usap?" tanong ni Erika.

Napayuko si Alex.

"Ano bang gusto mo?" tanong ni Erika.

"Erika. Gusto ko yung kakambal mo."



Hindi ipinakita ni Erika.

Naka fierce lang siya.

Pero deep inside nasaktan siya.

"Oh ngayon?" tanong ni Erika.

"Gusto ko siyang ligawan. Pero ayaw niyang magpaligaw sa akin dahil alam niyang gusto mo ako." Ani Alex.



Hindi makapaniwala si Erika sa sinabi ni Alex.

Napahawak si Erika sa dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala.

"Haha nakakaloka kayo ah. Buti kayo alam ninyo na gusto kita. Ako kasi hindi ko alam eh." Ani Erika.

"Erika. Ang gusto ko lang Malaya kong maligawan si Eurika. Yun lang. Kasi gusto ko talaga siya." Ani Alex.

"Alam mo kung gusto mo siyang ligawan sa kanya mo sabihin wag sakin! Pakialam ko sa inyo. Kung gusto mo siyang ligawan eh di ligawan mo! Kung siya ang gusto mong landiin wag niyo na akong idamay!! Kaya tigilan niyo na yung pame meste sa akin!" ani Erika.

"Erika."

"Stop." Ani Erika. "Wag mo ng lalo pang sirain yung napaka gandang araw ko." Ani Erika saka umalis.



Naglakad lang si Erika.

Ng mapag isa na si Erika ay inilabas na niya ang mga pagluha niya.

Doon na siya humagulgol ng humagulgol.

Naglalakad lang siya.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Hanggang sa napunta siya sa park.

Umupo siya sa may swing.



Mag isa lang siya doon.

Kaya naman hindi na niya maitago yung sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Well hindi niya kasi maintindihan eh.

This wasn't the first time.

Hindi ito yung unang beses na niloko at pinagpalit siya.



Naka tatlong boyfriend na siya before Jeremy.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon