Nagising na si Erika kinabukasan.
Napakaliwanag ng paligid niya.
Sabi nga naman nila there's always a sunshine after the storm.
Mataas na ang sikat ng araw sa paligid.
Babangon na sana si Erika ng matigilan siya ng maramdaman na may mabigat na nakadagan sa kanya.
Isang kamay.
Nilingon niya.
Si Richard nakayakap sa kanya.
Kaya hindi na niya itinuloy ang pagbangon.
Napangiti siya at yumakap siya sa kamay ni Richard na nakayakap sa kanya.
Isinandal din niya ang mukha niya doon.
Punikit siya at dinama lang niya ang init ng yakap nito.
Hiling lang niya kahit habang buhay na ganon na lang na magkayakap sila.
Ok lang sa kanya.
Masaya na siya.
Ilang saglit lang ay nagising na si Richard.
Nagpanggap si Erika na tulog pa rin.
Si Richard naman ay dahan dahan ng inalis ang kamay niya sa pagkakayakap kay Erika.
Bumangon siya paupo.
Ilang saglit niyang pinagmasdan si Erika.
Hinawi niya ang bohok nito.
He saw her face.
Napakaganda.
Parang barbie doll.
"Ang pangit mo dati eh. Sobra, iyakin pa." ani Richard.
Napapasimangot si Erika.
Naririnig naman niya kasi ang mga sinasabi nito eh.
Ngumunguso siya.
"Alam ko naman yun eh! Hindi mo na kailangang ipagduldulan!!! Oo iyakin ako pero hindi ako pangit!" sigaw ng isip ni Erika.
"Lagi kong sinasabi dati na ang pangit pangit mo. Pero hindi naman totoo yun eh. Bata palang tayo ang ganda ganda mo na."
"Errrr...."
"Lagi kang pinagtatawanan at binu bully dahil iyakin ka." Ani Richard.
"Sorry na!"
"And I was there. Lagi kitang pinagtatanggol. Kasi ayoko na ginaganon ka." ani Richard.
"Oo, you were always there whenever I needed you. You never fail."
"Pero ngayon. Mukhang hindi mon a ko kailangan." Ani Richard.
"Pano mo naman nasabi yon?"
"Bakit ka ba lumaki na sobrang ganda?" tanong ni Richard.
Buti na lang naka side si Erika na nakahiga.
Dahil kung hindi ay kitang kita na sana ni Richard ang sobrang pamumula niya.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
