Kasama naman nina Linden at Ayana ang Lola nila.
"Ano nanaman ho ba ang nakikita niyo Lola?" tanong ni Ayana.
"Masyado silang pasaway pareho kaya wala tayong magagawa." Sagot naman nung matanda.
"Malalagay nanaman ho ba sila sa panganib?" tanong ni Linden.
"Ang pagkakasala. Palaging may kaakibat na kabayaran." Sagot naman nung matanda.
"Wala ba kaming magagawa para mapigilan iyon?" tanong ni Ayana.
"Wala." Sagot nito.
"Kahit na anong paraan Lola?" tanong ni Linden.
"Silang dalawa lang ang makakagawa ng paraan! Pero pinili nilang hindi gawin. Kaya kailangan nilang harapin ang kaparusahan." Anito.
"Ano pong mangyayari?" tanong ni Ayana.
Ilang saglit na natigilan ang lola nila.
"Babalik sila sa pagiging abo at maglalaho na tila hindi sila nabuhay sa mundong ito at mararamdaman mo na lamang sila sa hangin." Sagot ng lola nila.
Napaluha pareho sina Linden at Ayana.
****
Ilang araw lang ang lumipas ay lumabas na yung resulta ng mga tests ni Erika.
Binabasa iyon ng doctor ni Richard.
Kaya naman kaagad niyang tinawagan si Richard.
"Hello Richard? This is Doctor Alfredo Serrano." Anito.
"Oh kayo ho pala Doc." Ani Richard.
"I already have the results. Yung sa mga tests na ginawa natin kay Erika." Anito.
"Oh, so ano po yung resulta?" tanong ni Richard.
"Richard, I think this should be discussed personally." Anito.
"Ganon ho ba? Sige ho, pupunta ho kami ni Erika diyan ngayon din." Ani Richard.
"Ahm Richard. I think you should call her parents too." Ani Doctor Serrano.
Natigilan si Richard.
"Her parents?" tanong ni Richard.
"Yes. Her parents. They need to hear this out." Ani Doctor Serrano.
"Sige po doc. Tatawagan ko po ang mga magulang niya." Ani Richard.
Ppagkatapos ay ibinaba na niya yung cellphone.
Then tinawagan ni Richard si Stella.
Samantala busy naman sa trabaho niya si Stella.
Ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Kaagad naman niya itong sinagot ng Makita niyang tumatawag si Richard.
"Oh Richard."
"Tita Stella, pwede ho bang pumunta kayo sa ospital ngayon din?" tanong ni Richard.
"Ospital? Bakit?" tanong ni Stella.
"Ahm pina check up ko po kasi si Erika. Ngayon po lumabas yung mga resulta ng tests sa kanya. Eh sabi po ng doctor kailangan ho niya kayong makausap. Yung mga magulang daw po ni Erika." Ani Richard.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
