Kakauwi lang naman ni Erika sa bahay nila.
Tanghali na ng makauwi siya.
Nakasuot pa rin sa kanya yung gown niya.
Pag uwi niya ay sinalubong kaagad siya ng daddy niya sa pintuan.
Bumeso siya sa daddy niya.
"Na kwento sakin ng mommy moa ng nangyari sa party. San ka galling? Tanghali na ah. Bat ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Red.
"Sinamahan ko lang po si Richard na magpalipas ng init ng ulo." Ani Erika.
"Magdamag?" tanong nito.
"Opo." Sagot ni Erika.
"Erika alam mong hindi ako tumututol sa pagkakaibigan ninyong dalawa ni Richard. Pero hindi na kayo gaya ng dati. Na mga bata. Mga dalaga at binata na kayong dalawa." Ani Red.
"Yun nga po eh. Kahit hindi nap o kami mga bata. Wala pong nagbago sa aming dalawa. Katulad pa rin po kami ng dati. Masaya po ako don." Ani Erika.
"Pero Erika, hindi magandang tignan na nagpapagabi ka or nagpapalipas ng magdamag ng may kasamang lalaki." Anang ni Red.
Sakto naming bumaba ng hagdan si Eurika.
Pero hindi siya napansin nina Red at Erika.
"Dad hindi lang naman ho kung sinong lalaki lang si Richard. Hindi ho siya katulad ng ibang lalaki. Kahit na ilang taon ho siyang nawala at lumaki sa America. Hindi po siya nagbago." Ani Erika.
"Anak, lalaki pa rin si Richard."
"Dad si Richard yon. Wala kayong kailangang alalahanin dahil si Richard po yun. Yun lang po yung kailangan niyong isipin dad. Kasi si Richard yun." Ani Erika.
"May tiwala ako sayo anak. Pero sana, wag kang magtiwala diyan sa puso mo ng buong buo. Kasi yan ang pinaka malaking magta traydor sayo." Ani Red.
"Yung puso ko po?"
"Oo anak." Sagot ni Red.
Nalilito si Erika sa sinabi ng daddy niya.
Pero napatango na lang siya.
"Ok po. Akyat na po muna ako." Ani Erika.
Aakyat na sana si Erika ng mapataas na naman ang kilay niya ng Makita si Eurika.
"Nga pala Erika. Bukas nagyayaya sina Mayora at Congressman na pumunta sa beach. Parang gusto lang nila na makasama ulit tayong pamilya. Dahil alam nilang malapit ka sa anak nila." Ani Red.
"No problem dad." Ani Erika.
Saka tuluyan ng umakyat si Erika.
Naiwan lang sina Eurika at Red.
Kahit kasi siya nagtataka sa mga sinabi ni Red sa kakambal niya eh.
"Dad. Nagtataka lang po ako." Ani Eurika.
"Saan?"
"Sa mga ibang lalaki na kakilala ni Ate Erika. O kahit sa mga nagiging boyfriends niya ni minsan hindi po kayo nag react ng ganyan. Nabanggit niyo rin ho na ta traydurin si Ate ng sarili niyang puso. Ano pong ibig niyong sabihin don?" tanong ni Eurika.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Storie d'amoreNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
