Endless Love

338 7 3
                                    


Kakatapos lang basahin nina Linden at Ayana yung libro.

"Anong mangyayari lola?" tanong ni Linden.

"Pati ba sa kabilang buhay. Hindi pa rin hahayaan ng kapalaran na magkasama sila?" tanong ni Ayana.

"Wag kayong mag alala. Tapos na ang kaparusahan nila." Ani Hanbyeol kina Linden at Ayana.

"Ano pong ibig niyong sabihin Lola?" tanong ni Linden.



"Ang akala ng mga magulang niyo kaya sila pinaparusahan eh dahil sa kasalanan nila na pagpatay sa kanyang kapatid at asawa noong unang buhay nila. Pero hindi. Totoong hindi silang dalawa ang nakatadhana para sa isa't isa. Pero matagal na silang nagkapatawaran. Napatawad na ni Erika ang kakambal niya ganon din si Jeremy at napatawad na rin sila ng mga ito. Tanggap na nila Eurika at Jeremy ng naging kapalaran nila sa ngayon. Kaya maaayos na ang nakasulat sa kanilang mga buhay kahit na wala na yung mga taong dapat na para sa kanila." Ani Hanbyeol.

"Kung ganon Lola? Ano yung napaka bigat na kasalanan nila para parusahan sila ng ganito?" tanong ni Ayana.

"Ang pagkitil sa sarili nilang mga buhay. Sa ilang beses na muli silang nabuhay. Palaging ganon ang nagiging wakas nila. Kaya sa susunod nilang pagkabuhay palagi nilang ina ani ang kaparusahan sa kasalanang paulit ulit nilang nagagawa." Ani Hanbyeol.

"Pero ginawa yun ni ina dahil sabi mo yun ang paraan para iligtas si Ama?" tanong ni Ayana.

"Oo, pero ang buhay ay buhay. Mahalaga ito. Kung nakatakda ka ng mamatay nakatadhana na sa kahit na ano pa mang dahilan iyon. Dahil yun na ang tadhana. Pero ang pagkitil sa sarili mong buhay sa kahit na anong dahilan ang tunay na panggugulo sa nakasulat sa tadhana." Ani Hanbyeol.

"Kung ganon lola. Tapos na ang kaparusahan nila dahil sa hindi na nila kinitil ang mga buhay nila." Ani Linden.



"Ganon na nga."

"Kung ganon Lola? Ano ng mangyayari sa kanila?" tanong ni Ayana.

"Hindi na sila maglalaho. Hindi na sila magiging abo na parang hindi sila nabuhay." Ani Hanbyeol.

"Kung ganon ho? Mabubuhay ulit sila?" tanong ni Linden.

"Yun ay nasa kanilang mga kamay." Sagot ni Hanbyeol.






Sa Talon



Nandito na si Erika sa may talon.

Nakasandal siya sa kung saan.

Nakasuot siya ng mahaba at puting damit.

Nakasandal siya sa isang balikat.

Natutulog pa rin siya at walang malay.



Ng bigla ay naramdaman niya na may humalik sa pisngi niya.

Kaya bigla ay magising na siya.

Dahan dahan niyang ibinangon ang ulo niya mula doon sa pagkakahiga doon sa balikat.

Napatingin siya doon sa talon at sa paligid na umuulan ng frangipani.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon