Kagigising lang ni Erika.
Ang liwanag ng paligid.
At ganon na lamang ang gulat niya ng Makita niya kung nasaan siya.
Nandito si Erika sa talon.
Para lang siyang naalimpungatan.
Naramdaman niya na gumagalaw siya.
Ganon na lamang ang gulat niya ng makitang pasan pasan siya ni Richard mula sa likuran nita.
Si Richard naman ay mabagal na naglalakad.
Nakatingin lang ito doon sa talon kung saan sila papunta.
Bigla siyang nakaramdam ng relief.
Napangiti siya at niyakap niya ng mahigpit si Richard.
Ipinagdikit niya ang mga pisngi nila.
"Andito ka lang pala. Akala ko nawala ka na. Natakot ako don." Ani Erika.
Hindi siya sinagot ni Richard.
Nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad papunta doon sa talon.
"Akala ko kung anon a ang nangyari sayo. Mabuti naman at ligtas ka." ani Erika.
Pero hindi pa rin siya sinasagot ni Richard at tuloy tuloy pa rin ito sa paglalakad.
Which is odd.
Naninibago si Erika.
Pero tuloy pa rin siya sa kada daldal.
"Pero alam mo kung ano ang na realize ko? Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Kasi atleast ako, kahit papano nakaka pag ready na tayo sa pagkawala ko in the future. Pero kapag ikaw yung mawawala. Hindi ako handa." Ani Erika.
"Kahit kailan hindi tayo magiging handa sa pagkawala ng mga mahal natin." Ani Richard.
Kaya natigil si Erika.
Sa wakas nagsalita na rin ito.
"Kahit anong paghahanda ang gawin natin. Masakit at masakit pa rin kapag nawala ang mga mahal natin." Ani Richard habang naglalakad na pasan pasan siya.
Pagkatapos ng makarating na sila doon ay ibinaba siya ni Richard doon sa may bato na naka lubog doon sa tubig.
Nagulat si Erika.
Kasi bawal siya sa malamig na tubig.
"T-teka. Richard." Ani Erika.
Pero pagka upo niya doon sa bato ay naramdaman niya ang lamig ng tubig.
Napangiti siya.
Ang ganda kasi ng pakiramdam niya eh.
Parang wala siyang sakit.
Eh usually halos mapaso na siya pag dumadampi sa balat niya ang tubig dahil sa chemotheraphy niya eh.
Pero ngayon iba ang pakiramdam niya.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomansaNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
