Chapter Nineteen (The Woman He Truly Love)

348 13 5
                                    


Sa loob ng panaginip nina Risan at Erika.

Naglalakad lang naman sa gubat sina Hye Ra at Risan.

Magkahawak sila ng kamay.

"Sigurado ka ba na ayaw mo ng bumalik sa palasyo?" tanong ni Risan.

"Hindi na. Ni minsan hindi ko naman ginustong pumasok dun eh. Sadyang wala na kasing ibang paraan para mailigtas ko ang buong angkan naming kaya ako pumayag sa kagustuhan nila. Pero pakiramdam ko para akong napag trayduran. Pinagkaisahan nila ako para mapasunod sa kagustuhan nila. Para sa kapangyarihan." Ani Hye Ra.



"Pero wala akong maibibigay sa iyo na karangyaan kagaya ng asawa mong hari." Ani Risan.

"Hindi ako humihingi ng mga bagay na kahit na ano. Ikaw lang ang kailangan ko." Ani Hye Ra.

Pagkatapos ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ni Risan.

Ng bigla ng makarating sila sa isang puno ay nakaramdam si Risan ng pagkahina.

Sumakit ang dibdib nito.

"Risan! Risan anong nangyayari sayo?! Risan?!!"



Inangat ni Hye Ra ang tingin niya.

Napapalibutan sila ng mga agimat na nakakapag pawala ng kapangyarihan ng mga gumiho.

Pagkatapos ay biglang lumabas ang mga kawal.

Kasama ang hari.

Hinarang ni Hye Ra ang sarili niya kay Risan.

"Wag niyo siyang sasaktan. Nagmamakaawa ako." Ani Hye Ra.

Tinitigan ng hari si Risan na nanghihina pa rin.

"Siya ba? siya ba yung halimaw na ipinagpalit mo sa akin?" tanong ng hari.

"Hindi siya halimaw." Ani Hye Ra.



Pagkatapos ay inutos na ng hari na dakpin si Risan gamit ang mga na orasyonang mga kagamitan para hindi nito magamit ang kapangyarihan niya sa kanila.

Nagpupumiglas naman si Hye Ra.

"Hindi!! Hindi!! Risan!! Risan!!" sigaw ni Hye Ra.

"Ikulong siya. Pagkatapos pupugutan natin siya sa harapan ng mga tao." Anang hari,

Mas lalong nagwala si Hye Ra.

"Hindi!! Hindi!! Hindi!!" paulit ulit nitong sigaw.

Paulit ulit nitong isinisigaw ang pangalan ni Risan.



*****



Nakaluhod si Hye Ra sa harapan ng hari.

Nagmamakaawa siya na wag nitong patayin si Risan.

"Marami siyang pinatay sa mga kawal ng palasyo kung kaya't kailangan natin siyang parusahan." Anang hari habang nagbabasa ng mga ulat.

Naikuyom ni Hye Ra ang kamao niya.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon