Chapter Twenty (Painful Love)

337 10 1
                                    

Nandito lang naman sa talon sina Risan at Hye Ra.

Hinahaplos ni Risan ang tiyan ni Hye Ra.

"Tingin mo? Babae kaya siya o lalaki?" tanong ni Risan.

"Di ko alam." Sagot ni Hye Ra.

"Di ba babaylan ka na nakikita ang hinaharap? Bakit hindi moa lam?" tanong ni Risan.

"Hindi ko rin alam eh. Kadalasan yung mga pangyayaring nakikita ko. Yung mga hinaharap ng ibang tao. Pero pag sa ating dalawa. May iba akong nakikita." Ani Hye Ra.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Risan.

"Kadalasan mga pangyayari siya na tila mangyayari dapat. Pero binabago natin siya pareho. Kaya yung mga nasa pangitain ko nagi iba. Katulad nong araw ng kasal ko. Nakita ko ang sarili ko na mahuhulog ako sa hari at mamahallin ko siya. Sa oras na Makita ko ang mukha niya. Pero ikaw ang sinisigaw ng puso ko. Nakita ko kung anong susunod na mangyayari sa amin ng hari. Pero pinili ko na puntahan ka. ganon din siguro sa anak natin. May dugo siyang gumiho at malamang manahin din niya ang kapangyarihan ko bilang babaylan. Mas makapangyarihan siya kaysa sa atin. Kaya siguro hindi ko nakikita." Ani Hye Ra.




Pagkatapos ay napatingin si Hye Ra sa umaagos na tubig na bumabasa sa mga paa nila ni Risan.

May isang frangipani ang umaagos papunta sa kanila.

Kinuha niya iyon at napangiti siya.

"Dahil sa mga bulaklak na ito kaya napaka bango ng tubig sa lugar na ito." Ani Hye Ra.

Napatingin siya kay Risan.

"Gusto ko babae man o lalaki ang anak natin. Gusto ko ang ipapangalan natin sa kanya eh ang ibig sabihin ay bulaklak." Ani Hye Ra.

Nginitian siya ni Risan.

"Bulaklak. Gusto ko yon." Ani Risan.

Napatingin si Risan sa tiyan niya.

"Gusto ko na siyang Makita. Kailan ba kita masisilayan anak?" tanong ni Risan.

"Malapit na. Sa araw na magaganap ang eklipse. Pag natakpan na ng buwan ang liwanag ng araw. Masisilayan mo na siya." Ani Hye Ra.



********



Nagising naman na kinabukasan si Richard.

Kaagad naman na tumawag ng doctor si Eurika.

Nang nakita ni Richard si Mayora.

"Richard anak." Anito na may pag aalala pa rin sa boses.

"Mommy." Nanghihinang sabi ni Richard.



Ilang saglit lang ay dumating na ang mga doctor.

Tinignan nila si Richard.

Ng sinabi ng doctor na maayos na siya ay umalis na ito.

"Mommy. Si Erika po nasaan na?" tanong ni Richard.

"Si Erika? Hindi anak, mula nung na ospital ka. hindi pa pumuppunta ditto si Erika. Si Eurika yung palaging nandito para bantayan ka." ani Mayora.

"Imposible mommy. Nakita ko siya eh." Ani Richard.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon