Chapter Thirty One (Sad Fate)

242 9 3
                                        

Patuloy pa rin naman sa pag aalaga si Erika kay Richard.

Sa mga nagdaang araw ay pansin na pansin ni Erika yung pagi iwas sa kanya ni Richard.

Hindi naman manhid si Erika para hindi iyon mapansin.

Kaya naman ay napagpasyahan na ni Erika na kumprontahin si Richard.

Kasalukuyan silang nasa ilog.

Linggo ngayon kaya day off nila kumbaga.

"Richard, may problema ba tayo?" tanong ni Erika.

Nakatitig lang si Richard doon sa tubig.

"Bakit ba natin ginagawa to Erika? Bakit tayo nagpapakahirap na gawin to?" tanong ni Richard.

Natigil si Erika.

Tila alam niya sa kung saan papunta yung usapan na iyon.

"Dahil mahal natin ang isa't isa." Ani Erika.

"Oo mahal natin ang isa't isa. Pero bakit ang sakit?" tanong ni Richard.

"Hindi mon a ba ko mahal Richard?" tanong ni Erika.

"I love you. And I will always love you." Sagot ni Richard.

"Kung ganon. Bakit parang sa tono ng pananalita mo eh mawawala ka na?" tanong ni Erika.

"Ayaw kitang mawala Erika. Mamamatay ako pag nawala ka." sagot ni Richard.

"Kung ganon bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Erika.

"Siguro, panahon na lang siguro para magising tayo ditto sa kalokohang pinaggagagawa natin." Ani Richard.

"Sinisisi mob a ko sa nangyari sap aa mo?" tanong ni Erika.

"If you really know me. Alam mong hindi yan ang rason." Ani Richard saka nagsimula na siyang maglakad paalis.

Naiwan naman doon si Erika.

Hindi niya mapigilan ang mapaiyak.

Kahit ng matulog sila ay nakatalikod sa kanya si Richard.

Pero gising si Richard.

Patuloy sila pareho sa pagluha.

Natatakot si Richard na matulog.

Natatakot siya nab aka mapanaginipan niya nanaman ulit yung napanaginipan niya noong nasa ospital siya.

Isa iyong bangungot para sa kanya.





Kinabukasan pagkagising ni Erika ay wala na si Richard sa tabi niya.

Hinanap niya kung nasaan ito.

Pero wala ito sa kahit saan.

Pero nagulat na lamang siya bigla ng paglabas niya ng kubo nila sa kung sino ang naghihintay sa kanya.

Ang mommy at daddy niya.

Kasama sina Eurika at Jeremy.

Kasama rin nila Mara at Aling Pilar.

Gulat na gulat si Erika.



"Mommy? Daddy?" ani Erika.

"Anak this is enough. It's time to go home." Ani Red.

"Nasan si Richard?" tanong ni Erika.

Bumuntong hininga si Stella.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon