Matapos ang ilang saglit ay lumapit na si Richard sa mga bisita.
Samantala ay nakakapit pa rin naman sa braso niya si Erika at hindi umaalis sa tabi ni Richard.
First lady lang ba ang peg.
Samantala ay tuloy pa rin naman sa pag kausap si Richard nung mga bisita nila.
Wala naman siyang ibang masabi.
Ng bigla ay Makita ni Richard sina Stella.
"Taba. Di ba mommy mo yon?" tanong ni Richard.
Tinapunan ni Erika ng masamang tingin ng tawagin siya nitong taba.
Well yun naman kasi talaga ang tawag nito sa kanya ever since nung mga bata pa sila.
Then napatingin si Erika sa tinitignan ni Richard.
Nakita nga niya ang mommy niya.
Nandon sa tabi ng chocolate fountain.
"Oo siya nga yun." Ani Erika.
Then nag umpisa ng maglakad si Richard.
Since nakakapit siya ay hindi siya gumalaw.
"Teka anong ginagawa mo? Hoy patpat don't tell me pupunta ka don. Ayoko ha. Nandun yung higad kong kakambal. Gusto mo bang kapitan ka ng higad." Ani Erika.
Natawa si Richard.
"Yun nga ba talaga ang dahilan o nagseselos ka na baka magustuhan ko si Eurika." Ani Richard.
"Hoy ikaw Patpat ang kapal mo ha. Anong selos bat naman ako magse selos. Hindi kaya kita type." Ani Erika.
"Aysus hindi daw." Pang aasar ni Richard.
"Baka ikaw ang may gusto sakin." Ani Erika.
Biglang natigilan si Richard.
"Hindi no. Pero oo gusto kita. Gusto kitang ka suntukan." Ani Richard.
"Pssshh" ani Erika.
"Tara na puntahan na natin doon ang mommy mo. Matagal ko na rin naming hindi nakita si Tita Stella eh. Halika na." ani Richard.
Ngumuso si Erika.
Tapos nagpahila na rin siya kay Richard.
Then lumapit na sila doon.
Ngumiti si Richard kay Stella.
"Hi Tita Stella long time no see po. Naaalala niyo pa po ba ako?" tanong ni Richard.
"Of course. Papano ba naman kita makakalimutan bata ka." ani Stella.
Then napatingin si Stella kay Erika.
"Erika. Kanina pa kta hinahanap. Hindi ko naman alam na nandito ka lang pala." Ani Stella.
Kanina isang kamay.
Ngayon dalawang kamay na ni Erika ang ikinapit niya sa braso ni Richard.
"Di ba sabi niyo kanina lumayas ako. Eh di lumayas ako. Eh sabi niyo nakakagulo lang naman ako sa preparations eh." Ani Erika.

BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...