Nandito lang naman sa labas ng kweba si Hye Ra.
Nakatitig siya sa apoy.
Nakatutok ang mga daliri niya doon sa apoy.
Pinagalaw ni Hye Ra ang mga daliri niya.
Bawat pag galaw ng mga daliri niya ay siyang pagtaas naman ng apoy na ginagawa niya.
Ng bigla ay maramdaman niya na biglang may yumakap sa likuran niya.
Kaya naman nahinto siya sa kanyang ginagawa.
Inalis niya ang pagkakaturo ng mga daliri niya sa apoy.
Napahawak siya sa braso nito.
Pumikit si Hye Ra at dinama niya ang mainit na yakap nito sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit kanina ka pa yata nakatitig diyan sa apoy?" tanong ni Risan sa kanya.
"Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na kaya kong lumikha ng apoy hindi ba?" tanong ni Hye Ra.
"Shempre. Marunong kang lumikha ng apoy pero hindi mo alam kung papano ito apulahin." Ani Risan.
"Kaya ka nga nariyan hindi ba? Para apulahin ang apoy na aking nililikha" ani Hye Ra.
Itinuro ni Risan ang mga daliri niya doon sa apoy na nilikha ni Hye Ra.
Dahan dahang humina yung apoy na ginawa ni Hye Ra.
Pero hindi ito tuluyang inapula ni Risan.
"Kung ako kayang lumikha ng apoy ang aking kapatid naman ay kayang pigilan ang apoy na aking nililikha. Sa madaling salita kayo ang magkatulad ng kapangyarihan." Ani Hye Ra.
"Isa kong gumiho. Pero mas malakas ang kapangyarihan mo bilang isng babaylan." Ani Risan.
"Hindi, pahiwatig lamang iyon na hindi talaga kagustuhan ng tadhana ang pagmamahalan natin." Ani Hye Ra.
Nahimigan ni Risan ang lungkot sa tinig ni Hye Ra.
"Pero ano nga ba ang dahilan? Bakit kanina ka pa nakatitig sa apoy na yan? Tila napaka lalim yata ng iniisip mo mahal ko. Sinlalim yata ito ng tubig sa talon na iyan." tanong ni Risan.
"May napanaginipan lang kasi ako kanina." Ani Hye Ra.
"Masama ba ang nilalaman ng iyong panaginip?" tanong ni Risan.
"Hindi ko alam at hindi ko rin mawari." Ani Hye Ra.
"Ano ang hindi mo mawari?" tanong ni Risan.
"Hindi ko mawari kung isa lang ba iyong pangkaraniwang panaginip o isang pangitain sa hinaharap. Hindi rin talaga kagandahan ang maging isang babaylan." Sagot ni Hye Ra.
"Ano ba ang nilalaman ng iyong panaginip?" tanong ni Risan.
"Akon aka suot ang ng kakaibang kasuotan na hindi ko mawari. Nandon ka rin. Kakaiba rin ang iyong kasuotan." Ani Hye Ra.
"Ano pa ang mga nakita mo?" tanong ni Risan.
"Isang malapad na kabayong gawa sa bakal. Meron siyang ilaw na kasing liwanag ng buwan. Tumama ang ilaw na iyon sa akin. Pero wala akong kahit na konting init na naramdaman. Pagkatapos bigla kang dumating para yakapin ako. Natamaan ka rin ng ilaw na iyon. Pero walang init. Hindi ko alam kung bakit. Pero naramdaman ko ang takot at bilis ng tibok ng puso ko nung mga oras na iyon." Ani Hye Ra.
"Takot na baka mahagip ka nung bakal na kabayo?" tanong ni Hye Ra.
Umiling si Hye Ra.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...