Chapter Twenty Seven (Love Over Life And Death)

279 8 1
                                    


Nandito sa harapan nina Hye Ra at Risan si Hanbyeol.

Wala pa rin sa sarili nila sina Hye Ra at Risan dahil sa pagkamatay ng mga anak nila.

"Nakaausap ko na ang mga nakatataas at napag desisyunan na nila ang kaparusahan paara sa inyong dalawa." Ani Hanbyeol.

"Tatanggapin ko kahit na anong kaparusahan ina." Ani Risan.

"Tatanggalin nila ang pagiging immortal mo anak. Pagkatapos ay ilang libong beses kang mabubuhay ng paulit ulit. Itatadhana sayo ang taong pinakakinamumuhian mo." Ani Hanbyeol.

Nagkatitigan sina Hanbyeol at Risan.

"Ganon ka din Hye Ra. Ilanng libong beses kayong magtatagpo at magkakatuluyan ng taong pinakakinamumuhian mo. Yun ang kaparusahang ibinigay sa inyo." Ani Hanbyeol.

"Wala na bang ibang kaparusahan?" tanong n Risan.

"Yun ang napag desisyonan. Ito ang kabayaran sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ninyo. Dahil minahal ninyo ang isa't isa. At pinatay ninyo ang sanggol na dapat itinadhana na susunod na maging hari ng baying ito na siyang magdadala ng liwanag at nakatadhanang magsalba sa lahat ng mga taong kanyang nasasakupan sa kahirapan. Binago na ninyo ng tuluyan ang tadhana magmula ng mahalin ninyo ang isa't isa. Dinagdagan pa ninyong lalo ang mga naging pagkakamali ninyo. Kaya ganito ang nangyari. Kaya tanggapin at panindigan niyo na lang. at sa oras na suwayin ninyo ang mga nakasulat para sa mga susunond ninyong buhay. Tatandaan ninyo na buhay ninyo ang magiging kabayaran." ani Hanbyeol.

Saka umalis na siya.

Umakbay si Risan kay Hye Ra.

Halos wala namang luha na tumulo sa mga mata ni Hye Ra.

******

Nandito naman na sa dinning area sina Stella at Red.

Sakto namang pababa na ng hagdan si Eurika.

Kakain n asana sila.

Umupo na si Eurika sa upuan niya.

"Eurika tawagin mon a ang kapatid mo para kumain na." utos ni Red kay Eurika.

Natigilan si Eurika.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Hindi niya alam kung magagawa pa rin niyang harapin si Erika matapos nung nangyaring pag amin niya sa nararamdaman niya kay Richard.

Ng mapansin siya ni Red na hindi pa rin siya tumatayo.

"Sige po daddy." Ani Eurika.

Saka umakyat na siya papunta doon sa kwwarto ni Erika.

Kumatok na muna siya.

"Atee! Kakain na daw sabi ni daddy." Ani Eurika.

Pero walang sumasagot sa kanya.

Kaya kumatok siya ulit.

"Ate!"

Pero wala pa rin sumasagot sa kanya kundi hangin.

Kaya naman binuksan na niya ang pintuan.

Pero walang tao sa loob.

Tinignan niya bukas naman ang cr at walanng tao doon.

"Wala si Ate. Doon nanaman kaya siya natulog kina Richard." Tanong ni Erika sa sarili.

Pagkatapos ay inilibot niya ang tingin niya sa paligid ng kwarto.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon