Chapter Thirty Eight(Love Will Always Find A Way)

198 6 1
                                    

Nasa loob na si Erika ng Chemotherapy room.

Nasa labas naman si Richard at naghihintay.

Ito ang pinaka masakit sa mga oras ng gamutan ni Erika.

Nakatitig lang si Richard doon sa pintuan.

Ng bigla ay.



"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!"

Narinig na niya ang sigaw ni Erika.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!"



Napahawak si Richard sa dibdib niya at napahinga siya ng malalim ng marinig ang sigaw ni Erika mula doon sa loob.

Parang naghahabol siya ng paghinga.

Damang dama mo doon sa mga sigaw ni Erika ang sakit na nararamdaman niya.

Gusto ng umallis ni Richard doon.

Kasi mas masakit ang nararamdaman niya.

Halos maiiyak na nga siya sa sakit eh.

Napatingin naman si Eurika sa kanya.

Sila ni Eurika ang nandito sa labas.



"Ok ka lang ba Richard?" tanong ni Eurika.



Pero hindi makasagot si Richard.

Nakahawak lang siya sa dibdib niya habang humihinga ng malalim.

Napaupo siya sa sahig habang nakasandal sa dingding.

Lumapit sa kanya si Eurika at tumabi.

Umupo rin ito kagaya ng pag upo niya.



"Wag kang mag alala. Malakas ang kakambal ko. Kakayanin niya to." Ani Eurika.

"Kung sana. Kung sana pwedeng magkapalit na lang kaming dalawa." Ani Richard.

"Wag mong sabihin yan." Ani Eurika.

"That would hurt me less." Sagot ni Richard.



Ilang saglit na nagtagal ang chemotherapy ni Erika.

Pagkatapos ay bumukas na ang pintuan.

Lumabas ang doctor.



"Ahm. Si Ms. Eurika De Ocampo daw po?" tanong nung doctor.

Napatayo si Eurika.

"Hinahanap po kayo ng pasyente." Anang ng doctor.

Napatingin si Eurika kay Richard.

"Wag mong sasabihing nandito ako. Sabihin mo wala ako." Ani Richard.



Pagkatapos ay pumasok na si Eurika doon.

At maging si Eurika ay halos mangatog ang mga tuhod ng Makita ang itsura ng kakambal niya.

Awang awa na siya ditto.

Hinang hina si Erika.

Bugbog na bugbog ang kanyang katawan.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon