Sa panaginip ni Erika
Kasalukuyan ay nakaharap sa salamin si Hye Ra.
Nilalagyan siya ng make up sa mukha niya.
Pero tulala siya.
Tuloy tuloy ang pag luha niya.
"Kamahalan pakiusap tama na po ang pagluha ninyo. Baka hindi po maging masaya ang hari pag nakita niya kayong nagkaka ganyan sa mismong araw ng pagi isang dibdib ninyo." Anang nung isang tagapaglingkod.
Pero tila wala siyang naririnig.
Patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.
*****
Kasalukuyan ay nagaganap na ang kasal ni Hye Ra sa hari.
Ni hindi pa nga niya nakikita yung hari.
Ni hindi niya alam kung ano ang itsura nito.
Pero wala naman na siyang paki alam kung ano pa man ang itsura niya.
Naiinis lang siya sa kaisipan at katotohanang ikakasal siya sa hari.
Naiinis siya dahil ang hari pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
Kahit ilan kung gugustuhin niya pwedeng pwede.
Pero ang reyna o kahit na sino pa man sa mga asawa niya hindi pwede.
Patuloy ang pagluha ni Hye Ra habang nagaganap ang seremonyas ng kasal niya.
Pero tulala lang siya.
Halatang halata ng lahat ang paghihinagpis niya sa magaganap niyang kasal.
Pero wala siyang magagawa kundi ang sumunod.
Kahit na ginamit na niya ang pagkapasaway niya.
Buhay at pangalan na ng buong pamilya niya ang nakataya.
Ito na lamang ang natitirang paraan para mailigtas niya ang mga ito.
Ng Makita na niya ang mukha ng hari ay ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya.
Yung hari kamukha ni Jeremy.
Pero wala siyang nagawa.
At natuloy ang pagpapakasal nila ng hari.
Nagpapalakpakan lahat ng mga taong nakasaksi nung kasal nila.
Pero sa loob niya.
Patay na siya.
Matapos nung kasal nila ay nandito na sila sa isang maliit na hapag.
Kagaya ng tradisyon pag ikinakasal ang hari at ang reyna.
Nakayuko pa rin si Hye Ra.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...