Chapter Eleven (She Stole the Affair That's Not Meant For Her)

451 14 4
                                        

Nandito pa rin sila sa beach.
Nandito na silang lahat sa isang cottage.
Nakaupo at naghahanda na para kumain.


Sina Richard at Erika palang ang basa.
Naghahanda na si Stella ng nilagang shrimp para sa kanilang lahat.
Nakita iyon ni Mayora.
Kaya inilabas na rin niya yung niluto niya.


"Oh Erika, Richard eto nalang kainin ninyo." Ani Mayora.
"Wow Tita thanks. Alam na alam niyo talaga ang paborito ko." Ani Erika.
"Hoy wag kang abusada taba. Paborito ko yan niluto yan ni mommy para sa akin." Ani Richard.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Niluto ko yan para sa inyong dalawa talaga. Wag kayong mag alala dinamihan ko yan ng mushroom at cream." Ani Mayora.


Creamy mushroom chicken kasi yung niluto nay un ni Mayora.


Creamy mushroom chicken kasi yung niluto nay un ni Mayora

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eh paboritong paborito nilang dalawa yon.
Pag nagluluto ng ganon si Mayora talagang nag aagawan sila ni Richard.
"Kumain na kayo." Ani Mayora.
"Anak ayaw mob a nitong niluto ko? Niluto ko din naman to para sa inyo?" tanong ni Stella.
"Ha? Di ba bawal sayo ang shrimp Erika?" tanong ni Mayora.
"Opo tita." Sagot ni Erika.
"At bakit naman bawal?"
"Nako Tita Stella parang awa niyo na. Wag na wag niyong pakakainin yan ng hipon. Kasi pag umaatake ang allergy niya. Nagmumukha siyang naaagnas na bangkay. Nakakatakot. Baka atakihin pa kayo. Weew!" ani Richard sabay kunwaring nandidiri.


Sumama naman yung aura ni Erika.
Ang higpit nung hawak niya sa tinidor niya habang nakatitig kay Richard.
"Eh kung ipakain ko kaya sayo lahat ng oyster sa dagat saka natin tignan kung sino ang mukhang naaagnas na bangkay sa ating dalawa!!" naiinis na sabi ni Erika.
"Hindi ah gwapo pa rin kaya ako kahit atakihin ng allergy." Ani Richard.
"Pssh! Gwapo daw eh papasa ka na nga sa horror film bilang multo ng walang tulong ng kahit na sinong make up artists!" ani Erika.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Wag kayong naga away sa harapan ng pagkain." Ani Congressman.


Then sinimulan na nilang kainin yon.
"Erika papano ka naging allergic sa hipon? Eh parang hindi ko yata natatandaan na inatake ka sa tuwing nagu ulam tayo ng ganon?" tanong ni Stella.
"Eh hindi ko naman po yun kinakain eh." Ani Erika.
"Bat hindi mo sinabi sa amin. Para naman sana lam naming kung ano ang dapat naming ihanda." Ani Red.
"Talaga ba? eh paborito yun ni Eurika papano niyo hindi ihahanda." Ani Erika.


Sa kanila ay patay malisya lang yung sinabing iyon ni Erika.
Pero para kina Stella, Red at Eurika ay napaka big deal.
Big deal kasi parang sa lahat ng mga tao dun sila ang pinaka hindi nakakakilala kay Erika.
Na dapat eh sila.
Nagbibigayan ng mushroom sina Erika at Richard.
Sila lang naman kasi ang kakaiba ang kinakain doon eh.
Bigay ng bigay si Richard kay Erika ng pagkain.


"Patpat anu ba! busog na busog na ako!" reklamo ni Erika.
"Pinapataba ko lang yung Taba ko." Ani Richard sabay lapit ng mukha niya kay Erika.


Punong puno naman ang bibig ni Erika ng pagkain at ang taba na ng pisngi niya dahil don.
Binigyan niya ng masamang tingin si Richard.
"Baboy ba ko?!" tanong ni Erika.
"Maging baboy ka man. Magi stay ako sa tabi mo. Habang buhay." Ani Richard habang nakatitig sa mga mata ni Erika.


Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon